note - hello sorry ulit kung late lol happy holidays guys x
_______________________________________
ii. big three
Kung hindi pa siguro ako kinalabit ni Neon siguro hanggang ngayon nakatitig pa rin ako sa screen ng phone ko.
Simula kasi nung nagising ako hanggang ngayong breakfast eh panay pa rin ang abang ko sa text ni Cato. Tignan niyo 'yun, hindi na nga ako inihatid kahapon (kasi nga busy raw siya), tapos hindi pa rin nagtetext hanggang ngayon. Palagi na lang ganito drama ko sa kanya eh, bakit ba hindi ako nasasanay?
Anyway, hindi ko tuloy magawang ma-excite sa school. Hindi katulad nitong si Neon na ngiti lang ng ngiti sa'kin. Hindi ko alam kung nae-excite siya para sa'kin o gustong-gusto niya lang talaga makita na 'yung girlfriend niya. Ngayon namang naalala ko 'yung girlfriend niya, unti-unti akong na-curious at na-excite makita siya. Hmmm... magaling din kayang pumili 'tong kapatid kong 'to? Hahaha, si Papa lang naman bulok ang panlasa pagdating sa paghahanap ng 'significant other' eh. Goddess Persephone raw? Mehhh.
"Bilisan mo na para makapasok na tayo," tuwang-tuwang sabi ni Neon. Nginitian ko na lang din siya't tumango. Ibinaba ko na 'yung phone ko't binilisan na ang pagkain.
* * * * * * * *
Nag-jeep kami papuntang school kaya medyo naabutan ng traffic at muntikan ng ma-late. Tumakbo pa nga kami't baka masaraduhan pa ng gate eh, so ayun.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tinanggihan ni Neon 'yung alok ni Papa na mga 'goods'. Alam niyo naman si Papa 'di ba? Owner of the riches underground. Meaning, 'yung mga gold gold dun everything. Pero si Neon, mas ginusto niyang magkaroon ng simpleng buhay. Ewan ko kung masipag ba siya o trip niya lang talaga.
Inihatid ako ni Neon sa una kong klase. Okay naman 'yung school, maganda tapos malaki pero hindi ko pa rin maiwasang maisip 'yung pinapasukan namin dati ni Cato. Eh kasi, na-kick out kami run (hahahaha), nahuli kasi kaming nangungubra ng pusta para run sa Haima. Haaay....
Anyway, balak kong magpakabit na kaagad ng internet sa lalong madaling panahon. Namimiss na 'ko ng mga internet friends ko.
* * * * * * * * *
Tatlong mabibigat na subjects kaagad. Feeling ko tuloy nakisali ng track and field 'yung utak ko. Kaloka.
So ayun, sinundo ulit ako ni Neon at sabay kaming pumunta ng canteen kung saan niya raw ako ipapakilala run sa mga kabarkada niyang demigods. Nakaka-excite din kasi ang masaya kapag nakakakilala ka ng ibang demigods eh 'yung huhulaan mo kung sino 'yung godly parent nila. Pwedeng sa mukha o sa ugali ganon. Gustong-gusto ko talagang makakilala ng iba pang mga katulad namin ng kapatid ko.
Nung nasa canteen na kami eh nalaman ko kaagad kung sino 'yung mga barkadang ipapakilala ni Neon. Paano ba naman kasi, lahat sila nakaabang sa pinto at nung nakita nila kami eh sabay-sabay silang napangiti. Ano 'to, ngayon lang sila makakakita ng anak na babae ni Papa?
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Hades
FantasyDemigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenage demigod and uhmmm, I feel things?