xi. love and death
Ayoko pa sanang iwanan si Cato rito kung hindi lang dahil sa twenty-two messages sa'kin ni Neon na nagsasabing umuwi na raw ako. Nauna na kasi si Neon kasi ihahatid pa niya sina Dani at Stacy, ako lang naman 'yung nagpumilit na magstay pa rito para mabantayan ko pa si Cato.
Okay na, kami na ulit. Kaya nga hindi ko siya maiwanan kasi pakiramdam ko kapag umalis ulit ako sa tabi niya mababaliw lang ako sa kakaisip at kakahintay kung kailan ko ulit siya makakasama. Kanina pa siya nakatulog at kanina ko pa rin siya binabantayan. Hindi pa rin maalis sa mukha ko 'yung ngiti. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nabago ko siya. Ewan ko ba. Okay naman siya dati, minahal ko naman siya kahit selfish siya noon pero iba kasi 'yung ngayon eh. Iba 'yung transformation niya. Para siyang mas naging better para sa'kin. Aaminin ko hindi pa rin siya 'yung ideal person para sa'kin hindi katulad ni Night pero minsan kasi hindi mo naman kailangan ng 'ideal' eh, kailangan mo ng totoo--totoong tao na kahit hindi mo plinano, nahulog ka pa rin.
Hinalikan ko siya sa noo at ibinulong na lamang 'yung pagpapaalam ko. Lumabas ako sa kwarto at nadatnan ang Haima na ngayon eh tahimik na't bakante. Medyo matagal-tagal na rin nung huli kong makita itong lugar na 'to na ganito, na tahimik. Akala ko nga dati nung nakipaghiwalay sa'kin si Cato hinding-hindi na ulit ako makakatungtong dito eh. Natawa na lang ako sa mga naisip ko dati.
Nang makalabas ako sa lugar eh agad na bumungad sa'kin si Night na nung una eh nakasandal pa sa blue na sasakyang hiniram pa niya dati kay Kite. Ano hindi pa niya nabalik? Anyway, nagulat siya nung nakita niya 'ko kaya dali-dali siyang umayos ng tayo at binati ako.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
"Sinabi sa'kin ni Dani 'yung nangyari. Nakiusap ako kay Neon na kung pwede ako na lang maghahatid sa'yo sa bahay niyo," buong paliwanag nito sa'kin.
Hindi ko naman naiwasang mapansin 'yung mga mata niya. Mukha kasing kulang na kulang pa siya sa tulog atyaka para kasing malungkot siya.
Dun ko lang naalala 'yung huling pagkikita namin bago ito. Nagtapat nga pala siya sa'kin. Sa sobrang pagmumukmok ko at pagiisip ko ng kung ano-ano nawala na sa isip ko 'yung ginawa ni Night. Na-guilty ako syempre--na-guilty akong sobra. Kasi hindi madaling magtapat ng nararamdaman, hindi madaling magipon ng lakas ng loob at mas lalong hindi madaling i-translate 'yung sinasabi ng puso into words. Pero anong ginawa ko? Nakalimutan ko lang basta-basta. Pakiramdam ko tuloy ang makasarili ko. Hindi ko na naisip 'yung nararamdaman ni Night. Hindi ko na naisip kung ano bang pinagdaanan niya nung basta-basta ko na lang siyang iniwan matapos niyang sabihin sa'kin 'yung feelings niya. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.
"Pwede ba?" Nahihiya pa nitong pagkakatanong.
"Night, tungkol nga pala run sa sinabi mo sa'kin dati--"
"Don't make it worse for me, Yda. I already know. I love you, let's just end it that way," wika nito sa'kin habang nakatingin sa semento.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Hades
FantasyDemigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenage demigod and uhmmm, I feel things?