iv. helping hand
"Pa, alam mo ang judgmental mo talaga," sabi ko kay Papa habang umiinom ng orange juice sa harapan niya.
"I'm saying the truth, Adelyda." Komento ni Papa with his super bored tone. Wow, tinawag pa 'ko sa full name ko. Kung mukhang galit si Papa baka kumaripas na 'ko ng takbo paalis sa lungga niya pero mukhang wala lang talaga siya sa mood.
Anong meron? Sad life ba kasi wala 'yung bebe girl niya? Hahaha! Hindi ko na kasi nakikita si Goddess Persephone dito, dapat nandito siya pero bakit wala? Nakakamiss 'yung mukha niya kapag nakikita niya 'ko eh. Alam mo 'yung hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na nagawang maglandi ni Papa outside the Underworld? Hahaha! Hindi niya matanggap na nagkaroon ng iba si Papa.
Anyway, nagpahatid ako kay Night sa sementeryo (kasi nga 'di ba may passage dito papuntang Underworld. Yes I know, ang saya-saya 'di ba? Si Stacy sa dagat tapos si Dani sa clouds pero ako nalusot sa mga kabaong grabe ang saya-saya talaga. I feel the love, Pa.)
Ayon, mga forty-five minutes din kaming nagusap ni Cato sa phone. Nahiya pa nga ako kay Night kasi ang tagal niyang naghintay (ewan kung bakit pa siya naghintay) sa'kin. Panay 'yung sorry ko as in buong trip puro sorry lang lumabas sa bunganga ko. Narindi siguro si Night 'non? Haaay... anyway, nagtagal lang naman 'yung usapan namin ni Cato kasi panay ang hinto niya sa pagsasalita (nagsorry rin siya actually). Para bang hindi niya magawang masabi kasi nahihiya siya? Ang cute. Ares kid na nahihiya magsalita sa phone hihihi.
"You think that date will save your dying relationship?" Bored pa ring tanong ni Papa sa'kin at with full emphasis pa nung word na 'dying'. What a loving father indeed.
Yep, niyaya ako ni Cato sa isang date. Hindi niya binigay sa'kin 'yung full details basta ang sabi niya susunduin niya na lang daw ako mamaya. Kanina ko pa nga kinakalma 'yung sarili ko dahil sa excitement eh. Nawala bigla 'yung tampo ko sa kanya nung narinig ko 'yung boses niya. Nakakainis pero anong magagawa ko? Ganon talaga. Pag-ibig, friend. Pag-ibig.
"Pustahan," panimula ni Papa atyaka umabante kaunti mula sa upuan niya na para bang interested na siya biglang makipagusap sa'kin. "Kapag nakakita siya ng mga nagrarambulan, makikisali 'yun tapos iiwanan ka na kahit kasagsagan pa ng date niyo," wika nito sa'kin sabay ngisi.
Nafe-feel niyo ba 'yun? Ang positive ni Papa 'no? Grabe.
"Alam ko Pa, wala 'yung love of your life dito kaya ako pinagdidiskitahan mo," bwelta ko naman sa kanya para maalis na 'yung topic sa'kin since hindi naman siya nakakatulong.
"Nandito siya, ayaw ka lang talaga niyang makita," mabilis na sagot sa'kin ni Papa.
"Well, pakisabi salamat kasi ayoko rin siyang makita," sagot ko naman sa kanya sabay execute ng sobrang lawak pero pekeng ngiti. "Alis na 'ko para makapaglampungan na kayo nung asawa mo," paalam ko sa kanya atyaka na nagsimulang tahakin 'yung daan palabas ng Underworld.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Hades
FantasyDemigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenage demigod and uhmmm, I feel things?