x. true strength
Kinabukasan lang nag-sink in sa'kin 'yung nangyari sa pagitan namin ni Cato. Ayos nga eh, nakatulog pa 'ko ng mahaba atyaka sakto nung pagkagising ko umiiyak na pala ako ng sobra-sobra. Sinubukan kong matulog ulit pero paulit-ulit lang na nagpi-play 'yung usapan namin ni Cato kapag pinipikit ko 'yung mga mata ko kaya hindi ko na lang sinubukan ulit matulog.
Kinuha ko 'yung sketch book ko at sinubukang magdrawing. Kahit ano lang na lumabas sa utak ko kaso nga lang kada-guguhit na 'ko puro features naman ni Cato 'yung nagagawa ko. Kung hindi 'yung mga mata niya, 'yung labi niya. 'Pag minsan 'yung jawline niya o 'yung buhok niya. Nakakailang papel na rin akong nasayang. Puno na 'yung trash can sa kwarto ko dahil sa kakaulit. Naisip ko, bakit pa ba 'ko nagsasayang ng oras na mag-try? Alam ko namang kahit anong gawin ko hindi ko pa rin makakalimutan si Cato atyaka 'yung nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makakatakas sa realidad na wala na kami, na mas pinili niyang lumayo kasi akala niya hindi niya 'ko mapapasaya. Nung una akala ko hindi niya kayang gawin 'yung mga ganung bagay. Ano ba namang alam sa emosyon ng mga anak ni Lord Ares 'di ba? Pero iba si Cato. Iba siya, nagbago siya dahil sa'kin.
Pa, nakita mo 'yun? Sabi mo dati pagbabasag ulo muna niya bago ako. Anong nangyari Pa? 'Di ba, mali ka? 'Di ba mahal naman talaga niya 'ko?
Mas lalong tumindi 'yung pagnanais kong makausap si Papa. Hindi ko alam, gusto ko lang ipakita sa kanya na real deal 'yung sa amin ni Cato pero ewan, siguro nga gusto ko lang ng makakausap. Gusto ko lang ng isang tao (o kahit god) na iintindi sa'kin, na dadamay sa'kin. Alam ko hindi ganun ka-suitable si Papa kasi hindi naman 'yung close sa sarili niyang mga emosyon pero ngayon, siya lang 'yung kailangan ko.
Ilang oras pang pagmumuni-muni ang nagdaan nang marinig kong kumatok si Neon sa kwarto ko.
"Yda?" Tawag nito sa'kin. "Kumain ka na ba?" Tanong niya.
Bigla naman akong na-guilty nang marinig ko 'yung boses ni Neon. Napapikit na lang ako habang iniisip kung bakit hindi ko magawang mag-open up sa kanya. Si Papa nasa Underworld at malamang busy pero si Neon nandyan lang sa kabilang kwarto, ang dapat ko lang gawin eh lumabas at makipagusap sa kanya.
Kung sa bagay, bigla lang naman akong ibinagsak ng Papa ko rito. Ni hindi ko nga alam dati na may kapatid pala ako eh. Siguro kung noon pa lang nakilala na namin ni Neon ang isa't isa, siguro mukha na kaming kambal tuko ngayon dahil sa closeness namin. Sayang.
"Hindi, hindi pa 'ko gutom," sagot ko sa kanya. Nanatili akong nakaupo sa harap ng study table ko habang pinagmamasdan 'yung huli kong sketche. Mukha ni Cato.
"Kagabi ka pa hindi kumakain. Okay ka lang ba?" Tanong ulit nito sa'kin. Napakagat naman ako ng lower lip ko. Mali 'yung nasagot ko ayan tuloy mag-aalala na naman sa'kin 'yung kapatid ko. "Buksan mo 'yung pinto may dala akong agahan para sa'yo," wika pa nito habang nasa lukod ng pinto.
Ayaw ko namang pahirapan pa 'yung kapatid ko kaya dali-dali akong tumayo, inayos ang sarili ko para hindi naman halatang kawawa ako pagka-harap ko sa kanya. Medyo nagulat pa nga ako nung napatingin ako sa salamin eh. Hindi na nga ako kagandahan, mas lalo pa akong pumangit dahil sa kakaiyak. Sana lang talaga hindi na mapansin ni Neon 'tong namamaga kong mga mata.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Hades
FantasiaDemigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenage demigod and uhmmm, I feel things?