CHAPTER 21

28 1 0
                                    

**LIAM**

"Ah! it's nice to be home." padabog akong umupo sa couch at sumandal.

"how's your flight?" tanong ni Jordan.

I shrugged atsaka kinuha ang isang baso ng tubig na nasa mesa. I gasped at inikot ang tingin sa loob ng mansion. "hay.. I miss this place." saad ko at ibinaling ang tingin kay Jordan.

"thank you." I stared at him.

"for what?" tanong niya.

"for donating your liver." I said.

"you know what I was ready to die that time, yung tanggap ko na lahat na hanggang doon nalang talaga buhay ko." dagdag kong sabi.

"until one day nagising ako nasa hospital na ako. ha... ha... ha... what happen? paano nangyari yun?" I laughed and asked him paano ako napunta sa hospital.

He  just shrugged and said. " you were just lucky you have a brother like me." pabiro niyang sabi.

Humugot ako ng malalim na hininga saka tumayo."well, any news about Arah?" I asked him seriously.

Natigilan siya sa kanyang ginagawa at tinitigan ako sa mata na parang gulat sa kanyang narinig. may mali ba sa sinabi ko? bakit parang gulat na gulat siya? I asked at the back of my mind.

binaling muli ni Jordan ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa, habang hinihintay ko ang kanyang sagot ay naglakad ako palabas ng bahay patungo sa harden at tumayo doon ng ilang minuto.

"I think she's fine.." sagot ni Jordan habang nakatayo sa aking likuran.

I took a deep breath bago ko siya hinarap at tinitigan sa mata, I want to know more kung anong ginagawa niya, if she's doing okay right now? if she's married or......

"You.....you should talk to her." Ani ni Jordan.

I nod at him "yeah.. I think I should talk to her." pilit akong ngumiti at agad nagtungo sa aking kwarto para magpahinga.

"how about dinner tonight?" mabilis na tugon ni Jordan sa akin.

lumingon ako sa kanyang kinatatayuan at tumango.

"sure!"

"with Arah..." dagdag niyang sabi.

natigilan ako sa aking narinig, tumango lang ako at patuloy na naglakad patungo sa aking kwarto.

***

I was in the restaurant waiting for Jordan after he booked a table for us. it's already 8pm pero wala pa rin siya when suddenly a woman approached me at tila hinihingal parang nagmamadali at hinahabol ang oras.

natigilan ako at nakatitig sa kanya habang nakatayo sa aking harapan. she's here... 'Arah' saad ko sa aking sarili at kitang-kita din sa kanyang mukha ang pagka gulat na parang hindi niya inaasahan ang aming pagtatagpo.

"Liam?" Gulat niyang sabi.

"Hi!" saad ko at agad akong tumayo.

"Jordan invited me for dinner pero parang napa aga ata dating ko." pagpapaliwanag ko.

she just nod at iniwas ang mga tingin sa akin, nabaling ang kanyang atensyon nang biglang tumunog ang kanyang telepono.

"Is it Jordan?" tanong ko and it shows to her face the disappointment.

she took a deep breath bago siya magsalita.

"Jordan's not coming..Let's eat!" pilit niyang ngiti.

pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain at hanggang ngayon ay hindi parin nawala ang nararamdaman ko para sa kanya. her appearance changed a bit na mas lalong naging sophisticated ang kanyang dating hanggang sa napansin ko ang singsing sa kanyang daliri.

"so... you're engage?" tanong ko sa kanya.

she looked at me and our eyes met she bit her lower lip before she speak.

"yes."mahinahon niyang tugon.

" is it Jordan?" I asked without hesitation.

tumango siya at agad ibinaling ang tingin sa waiter para humingi ng bill.
tahimik kaming naglakad palabas ng restaurant  at bigla siyang nagsalita.

"magco- commute nalang ako." she said and smile.

"no! Arah, you are my brother's fiance so it's my job to get you home safe." pilit akong ngumiti.

"it's okay... kaya ko na sarili ko." pagtatanggi niya.

"iniiwasan mo ba ako?" I asked.

hindi siya sumagot bagkos ay patuloy siyang naglakad palabas ng restaurant. I grabbed her wrist to stop her.

"Arah, kalimutan na natin lahat ng mga nangyari noon tapos na 'yun. masaya ako para sayo." kahit nasasaktan ako pinilit ko parin ang ngumiti sa kanyang harapan.

"ihatid mo na ako." she said in a cold voice. I looked at her and all I can do is to take a deep breath, I wanted to hug her to kiss her but I know she's not mine anymore.

nasa labas na kami ng kanyang condo at tahimik ko siyang inihatid sa kanyang room.

"Good night Arah." I said nang makarating na kami sa labas ng kanyang kwarto.

ngumiti lang siya at saka pumasok sa loob. I waited for seconds infront of her door after she closed the door nagbabakasaling kausapin niya ako ulit.

nang biglang bumukas ang pinto at agad lumabas si Arah na parang galit at umiiyak.

"why you didn't tell me that you're sick?!" she asked.

nabigla ako sa kanyang sinabi, hindi ko alam saan ako magsisimula paano ko ipapaliwanag ang lahat.

"Arah..." pangalan lang niya ang aking nabanggit, gusto ko siyang patahanin sa pag iyak pero natatakot akong itulak niya palayo.

"why you didn't tell me Liam, why?" paulit-ulit niyang tanong habang hinihintay ang aking sagot.

I can't help myself kaya't niyakap ko siya ng mahigpit, sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib habang umiiyak.

"I'm sorry." I said in soft voice.

umiling siya habang nakayakap sa akin at ramdam kong nasasaktan parin siya. 'damn it!! damn it!!!' galit kong tugon sa aking aking isipan pilit na pinipigilan ang sariling halikan siya.

then I found myself kissing her, kissing her softly.

Lost Without Your Love (ON-GOING) Where stories live. Discover now