Chapter 8.5

14.5K 342 10
                                    

-Eight.Five-

Nick's Pov

"Tol I think your nuts." Napabaling ako kay Alex na kanina pa ata ako tinitingnan. "Ano yan, pinapunta mo lang ba ko dito para ngitian magdamag?"

Nandito ako ngayon sa parehong bar kung saan ako nalasing nakaraan. It's feels good being here again, the reason why Im happy right now. Naisipan kong tawagan si Alex since matagal na rin kaming hindi nagkikita dahil sa trabaho. Ang alam ko ay may ari narin ito ngayon ng isang publishing company somewhere. Tamo tong taong to, ayaw talagang mawalay sa mga libro.

"Im sorry, may naalala lang ako. So what do you want to drink? My treat." I ask with enthusiast. Hindi ko napansing kanina pa pala ako nakatulala habang nakangiti sa harap ni Alex.

"Anything, basta light. Ayokong gumapang pauwi dahil may babasahin pa kong libro. You know 'The Lost Prince'? That's a pretty good book. And 'Bubbles Ablaze' is a funny story. Really it----

"Quit it." I cut him. Seriously? Talking about books in a bar? "Sana sinabi mo para sa National Book Store na lang kita dinala." I asked sarcastically.

"That will be a very good idea." Pagsakay pa nito. Luko luko talaga. Pasalamat siya at masaya ako ngayon kaya hindi ko muna papatulan ang saltik niya.

Napangiti na lang ako ng maalala ang mga nangyari sa araw na yun. Ang totoo, hindi ko naman talaga intensyong magtulog tulogan ng mga panahong nasa bahay niya ako. I was really sleeping but was awaken by her kisses. Her lips taste so sweet and Zeus knows how much I wanted to respond and feel her more. I fought hard, really hard para lang hindi siya tuluyang hilahin at mas lalong idikit sa katawan ko. I was afraid na baka kapag ginawa ko yun ay tumigil na siya sa ginagawa niya.

Hindi ko rin naman intensyong, sabihin sa kanyang alam ko kung ano ang ginawa niya ng nakaraang gabi. Lalo pa't nakita ko kung gaano siya ka kabado ng pumasok siya sa opisina ko. Pero habang kumakain kami kanina, I feel so good with just staring at her. I love looking at her that near while she's exposing her naturals. Wala kasi itong kyeme kung kumain. She's so cute na hindi ko mapigilang tuksuhin siya and I never thought that it would be that great seeing her blush so hard because me. Its making me feel like im on my way to the first base. Tsk. So gay.

"Seriously? What's with the smile? Spill it, you're starting to give me the creeps." Umiiling iling itong sumimsim sa baso nito.

"Nothing. Dont mind me." I pursed my lips hard para pigilan ang sarili kong mapangiti. I can't stop my self from smiling sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari. Sh*t kinikilig ba ko?! Ang bakla naman oh. I'm not a college student for pete's sake!

"Babae yan no? It's been years since the last time I saw you smile that way. Para kang kinikiliti."

Pabiro ko siyang sinapak sa braso.

"Chill. Defensive much?"

Book1: A Night With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon