Chapter 17

12.7K 321 13
                                    

-Seventeen-

Nick told me everything. Sinabi niya sakin na siya daw ang ama ni Rui. I was strucked, totally. Nagulantang ako at ayoko talagang maniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala ng ganun-ganon na lang diba? That was so sudden, so unexpected. Paanong magiging siya? Napaka-imposible talaga.

Si Nick ibang-iba siya. Siya yung taong malakas yung paninindigan, mataas, matibay at hindi yung tipo ng taong bigla na lang magpapabuyo sa sinabi ng isang babaeng ni hindi nito kilala. Masiyado siyang mataas para patulan ang mga ganoong bagay kaya imposible talaga. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na maniwala, hindi ko parin mapigilang umasa. Na sana totoo, sana siya na nga lang ang ama ng anak ko.

Kasama kong nanuod si Nick ng presentation nila Rui. Mamaya na lang siguro kami mag-uusap ng maayos. Ayoko munang maguluhan, I don't want to entertain other thoughts dahil gusto ko munang ibigay ang buong atensyon ko kay Rui.

All throughout the presentation, hindi kami nag-uusap ni Nick. He tried to hold my hand pero agad ko iyong inalis. He called my name for so many times pero hindi ko siya pinansin. Naiintindihan  ko namang hindi niya ginusto na pagsalitaan ako at saktan. I understand na nadala lang siya ng nararamdaman niya, pero hindi dahil naiintindihan ko ay hindi na ko magdadamdam. Goodness, hindi ako santo!

Pagkatapos ng presentation, may picture taking na naganap sa stage kung saan kanina ginanap ang presentation.

"Umm, can we take a picture?" Nag-aalangang tanong ni Nick. That look on his eyes, parang katulad iyon ng kay Rui tuwing may hinihingi ito. The type of look na hindi mo matatanggihan.

"Okay." I coldly said.

Lumapit kami kay Rui. Ngumiti si Rui ng makita kami. Hindi ko alam kung narinig ba ni Rui ang sinabi ni Nick kanina. Kung tutuusin ay dapat narinig nito iyon dahil mas malapit siya kay Nick ng mga oras na yun, pero kung ang pagbabasehan ay ang reaksiyon nito, masasabi kong hindi. Ni wala itong anumang sinasabi, hindi ito nagtatanong, at ni walang excitement na mababakas sa mukha nito. Nothing is unusual with his reaction, maliban na lang na kanina pa nito hawak ang kamay ni Nick. Mula kanina ay hindi pa nito iyon binibitawan, maliban na lang nong kailangan na nilang mag-present ng isang sayaw sa stage. Yes, may talent sa dancing si Rui. Mukhang siya pa nga yung pinaka-aabangan ng lahat kanina.

Tinawag namin ang atensyon ng isang photographer at tsaka kami pumosisyon with Rui between the two of us. I tried to smile, pero hindi ko kaya. I really feel awkward and hurt. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa araw na to, parang napakahirap ngumiti, lalo na kung ang taong naging dahilan ng lahat ng yun ay kasama mo pa.

Napayuko ako ng magkamot ng ulo ang photographer matapos lumabas ng litrato namin.

“Rui!”

Nabaling ang atensyon namin sa isang palapit na batang babae. Lumapit si Rui kay Chelsea. Siya yung batang babae na anak ng janitor ng school. Siya yung tumawag sa akin kanina at sinabing may umaaway daw sa anak ko. Kilala ko siya, dahil madalas siyang naiku-kwento sa akin ni Rui.

Naglabas ng isang bulaklak mula sa kanyang likod si Chelsea at iniabot iyon sa anak ko.

“A-ano k-kasi Rui, hindi n-naman ako marunong mag-english eh. Nagpaturo pa ako k-kay teacher Nica. A-ano umm …”

“Yes?” Untag ni Rui sa nagdadalawang isip na si Chelsea. Seriously? What’s with this two? Don’t tell me …

“I crush you!” Sigaw ni Chelsea tsaka ito mabilis na tumakbo pababa ng stage.

What the?!

Napanganga ako sa narinig, at hindi ko mapigilang matawa ng makita kong naiwan si Rui na namumula ang tenga. Nang tumingin ako kay Nick ay nailing ito at nagpipigil ng tawa. He winked at me na para bang sinasabi na ‘Sakin niya minana yan’ . We’re both smiling ng bigla kong maalala ang masalimuot na sitwasyon naming dalawa. Unti-unting napalis ang ngiti ko. I faked a cough at tsaka umayos ng tayo.

Book1: A Night With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon