Pamilya

7 0 0
                                    

Sabi nila ang pamilya ay karamay
Ngunit parang 'yan naman ay walang saysay
Kung kalungkutan ay aking binabaybay
At ang paligid ay tila walang buhay

Ang daming gustong sabihin sa kanila
Katulad ng problema at sa iba pa
Na akin lang kinikimkim na mag-isa
Pag iyak ang solusyong aking nakita

Ako ay kinakabahan na mag sabi
Ng mga bagay na problema ko lagi
Takot sa reaksyon niyo na gaya dati
Madrama ako,mula sa inyong labi

Nanay at tatay ako'y inyong pakinggan
Gusto ng karamay  sa nararamdaman
Umaasa na ang loob ko'y gagaan
Kung ako ay inyo lamang na hahagkan

Gabi-gabing umiiyak sa unan ko
At sa aking isipan ay naglalaro
Ang mga salitang pabigat ba ako
Nakakapagod kapag walang kasalo

Sa problemang lagi ng iniiyakan
Akala ko hindi masosolusyonan
Kaya bahala na sa kinabukasan
Kung pag mulat ng mata ay pakikinggan

Ang aking mga galit at saloobin
Na naipon at tumagal sa damdamin
Gusto ko ng ilabas at tanggalin
Ang mga bumabagabag sa akin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon