Regalo

12 0 0
                                    

Pinahalagahan at iningatan
Ang regalong iyong iniwan

Nakalikha ng mga alala
Ngunit ito'y nasira
At sa akin ay nawala

Sinisisi ang sarili
Kung bakit ito nangyari

Patawad kaibigan
At hindi ko na maiingatan
Ang regalong iyong pinaghirapan

Maibabalik pa ba ang dati?
Noong panahong magkasama tayo lagi

Ikaw,ako at ang regalo
Nung tayo ay nagsasalo

Sa bawat oras na tayo ay nagsaya
sabay na umiyak sa kama

Naroroon ang panyo
Na iyong iniregalo

Buong lakas mo itong nilikha
Pinagmamalaki ang iyong burda

Ngalan natin ay nakasulat
At kailanman hindi nagkalamat

Pinanghahawakang pangako
Pati ang regalo
Ito ba ay totoo?
At hindi lamang biro?

Anong gagawin kung ito'y wala na sa akin

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon