Alaala mo

75 1 0
                                    

Mahal ? Nasaan ang mga pangako mo ?
Pangako na ikaw at ako hanggang sa dulo
Ngunit ikaw ang unang bumigay sa sariling pangako
Iniwan  mo ako , kasama ng mga alaala mo

Umaasa na isang araw babalik ka
Na alam Kong malabong mangyare dahil ikaw ay wala na
Permanente mang wala sa mundo ngunit ikaw ay laging inaalala
Kasama ang alaalang nabuo  nating dalawa

Matatamis na ngiti sa labi
Mga tampuhan na di umaabot ng gabi
Magkasamang gagala lagi
At aasta akong reyna na ikaw ang hari

Mahal ? Magpakasaya ka sa iyong kinaroroonan
At pipilitin ding maging masaya kahit na wala ka na sa mga araw na daraan
Salamat dahil dumating ka sa buhay ko kahit akoy iyong iniwan
Dahil sa Sandaling iyon nakaranas Ako ng labis na katuwaan

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon