Part 2

11 0 0
                                    

Lumipas ang mga buwan
Pagmamahal sa isa't-isa'y nararamdaman
Madalas man ang iyakan
Ngunit naaayos naman

Iyong mga ngiting ka'y ganda
Tawa mong parang musika
Pagsasama natin, Akala ko masaya
Hanggang sa nakita kitang may kasamang iba

Pilit na ngumiti Kahit na masakit
Sa sobrang sakit nais ko nang pumikit
Para Di ko makita na sa kanya ka na nakadikit

Habang tinititigan kitang masaya sa kanya
Wala akong magawa para bawiin ka
Hahadlang pa ba ako kung sa kanya Ka masaya?

Hihintayin nalang na ikaw mag sabi.
Gusto ko mang ibalik ang dati
Kung saan masaya tayo palagi
Pero malabong mangyari

Tatanggapin nalang ang katotohanan
Na tapos na ang pinaniniwalaan kong walang hanggan
NA wala na ang nagbigay liwanag sa aking daan
NA alam ko sa sarili kong wala akong laban

Pero salamat
Salamat dahil pinaranas mo sakin ang pagmamahal na nababasa ko lang sa alamat
Salamat, dahil dumating Ka sa buhay ko na puno na ng lamat
Salamat, Kahit sa sandaling panahon minahal mo ako nang tapat

Mahal na mahal kita, lagi mo iyang tatandaan
Ngunit dumating tayo sa punto na kailangan kitang pakawalan
Siguro itutulog ko nalang ito hanggang kinabukasan
Aasa na wala na ang sakit ng nakaraan















Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon