"Kurt ikaw nga!" masiglang sabi niya sabay hampas saakin.
"Kamusta ka na??" tanong niya
"A okay naman ako. Ikaw ba?" tanong ko. Bakit siya nandito???
"Okay lang din. Kurt!!!! Alam mo bang namiss kita? Nagbago ka ba ng fb simula nung college? Di na kasi kita mahanap e. O baka naman galit ka sakin kaya iblinock mo na ko." biro niya. Ang totoo niyan e nagpalit talaga ako ng fb simula nung college. Gusto ko na kasi kalimutan ang lahat ng past. Lahat ng kadramahan sa buhay ko noon.
"Ahh. Nagbago na ko ng fb." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
"Ha? Bakit? Tara upo muna tayo." sabi niya at umupo kami sa bleacher ng field.
"O ano na? bakit ka nga nagbago ng fb?"
"Kasi nga people change!" napanganga siya sa sinabi ko
"Ayan kananaman sa kaweirdohan mo e! Di ka parin talaga nagbabago. Sige ano na nga pala ginagawa mo dito sa Manila?"
"Nagrereview ako para sa board. Ikaw ba?"
"Nagbakasyon lang! Sa totoo lang nagrereview din ako sa probinsya. Hinihintay ko na lang na makapasa ako sa board para dito na ako sa Manila kasama si ate Aila." ani niya.
"Oh Kurt pare!" sabi nung boses mula sa likod ko. Pagtingin ko ay lumaki ang mata ko. Si Jacob at Angela!
"Pare akala ko ba may pupuntahan ka? Saka sino yang magandang kasama mo?" tanong ni Jacob.
"Tsss bolero." sabi ni Aina. Si Angela ay nakatingin lang kay Aina.
"Ahh si Aina nga pala. Kaklase ko noon." sabi ko
Angela's POV
So ito yung pupuntahan niya? Yung kaklase niya noon. Ah okay...ano naman?
Tiningnan ko lang yung babaeng kasama niya. Maputi, matangos at matangkad at malalaki ang mata. Hindi maipagkakailang maganda. Mas pinili niya puntahan itong babae kesa saakin. This girl must be important to him.. e ako, sino ba naman? Kadiri naman yung sinasabi ko. Masyadong malandi!
"Hi." sabi nung babae
"Si Angela nga pala." sabi ni Jacob. Si Kurt ay tahimik na lang sa isang tabi. Ngumiti ako at inabot ang kamay
"Hi. Ako nga pala si Sky. Kaibigan ni Kurt." sabi ko at hinawakan niya rin ang kamay ko
"Aina." sabi niya at ngumiti.
"Kurt ano kaya ipasyal mo ako dito kapag dito na ako sa Manila nagttrabaho?" sabi ni Aina. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot...una, kasi mas pinili niyang samahan yung kaklase niya nung highschool kesa saakin. Ikalawa, sa mga mata ni Aina ay nakikita kong close nga talaga sila noon ni Kurt at ikatlo, close sila e di mas marami siyang alam kay Kurt kesa saakin. Saka isa pa, naiinis ako. Hindi kay Aina pero naiinis ako ngayon.
"Sige mauna na kami Kurt. Marami pa kasi kaming pupuntahan ni Jacob e. Sige. Bye Aina." sabi ko at ngumiti sabay talikod.
Naku..mukhang kailangan kong i-activate ang stalking skill ko ngayon. Habang naglalakad ay napakalalim lang ng iniisip ko.
"Angelaaaa! So saan na tayo?"masiglang tanong ni Jacob.
"Jacob pwede bang umuwi na ako? Masama kasi pakiramdam ko e." pagdadahilan ko
"Ganun ba? osige hatid na kita."
"Hindi na! Ako na lang. Sige alis na ko babye!" sabi ko habang papalayo na nakahawak sa tiyan ko para mukhang may sakit. Bahala siya kung iisipin niyang natatae ako. Nung makalayo na ako ay tinawagan ko si Ivan agad.
"Hello, hoy Ivan!"
"Teka teka wag ka naman sumigaw!"
"Magkita tayo ngayon na."
"Ngayon talaga?"
"Redundant?"
"Tsk bakit?"
"Basta. May paguusapan lang tayo. Punta ka dito text ko yung address." sabi ko
"Tsk bossy. Sige hintayin mo 'ko." sabi niya at ibinaba na. 30 mins pa akong naghintay at dumating na si Ivan.
"O ano paguusapan natin?"
"Kilala mo ba si Aina?" sa tanong ko ay mukhang nagulat siya
"Pano mo siya nakilala?"
"So ibig sabihin kilala mo nga? Sino siya?" Kaswal kong tanong.
"Siya kasi yung-
BINABASA MO ANG
Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]
RomanceWhat if the only way for her to believe again is to know the...Hundred definitions of Love?