[13] HDI-Valentine Date

180 4 2
                                    

[13] HDI-Valentine Date

A week before Valentines, sinabi sakin ni Kurt na nagbreak daw sina Ivan. So sad nga eh. Bwahaha. Buti nga sakanya! JOKE! Ang sama ko!! HAHAH kaya ayun. Nagplano kami ng mga kaklase ko na i-set up sila. Wow ha kasi ako talaga nakaisip nun. Biruin nyo yun? Ako dati yung nagago tapos ngayon tinutulungan ko ang nanggago saakin? Wow. Ironic. HAHA. Pero past is past never discussed. Kaya move on life is not meant to be travelled backwads. HAHAHA.

Eto kasi ang plano eh. Yayayain ng isa naming kaklase na barkada si Mary na yayain si Mary na sumama saamin magbeach sa Valentines tapos si Ivan din, alam nya ang plano kaya  papasamahin namin tapos kinagabihan nun, iseset up namin sila ng dinner date. HAHA. Kilig diba? Sana kami rin. Wew. Nasisiraan na ata ako ng bait. Di nya naman kasi ako gusto eh. Kasi balita ko last week, may niligawan syang taga-Bussiness Ad. Magaganda kasi ang mga babae dun. Kaya yun. Para akong nabasted. HAHA. Pero ang goodnews, sasama parin sya pero di kasama ang nililigawan nya. Bwahaha.

Isang week na lang... hahaha. At dahil sobrang excited ko at ng mga kaklase ko, niyaya nila akong magmall para mamili ng two-piece. At ayun. Namili  sila. nandun parin yung gusto ko. HAHA.

"Uy Angela! Di ka pa ba bibili ng two piece?"

"Ha? Ngayon na? Agad-agad?"

"Oo! Naku! Para matry mo na rin! HAHA. Dali na bili na!!"

Ayun. Napilitan akong  bilhin yung twopiece. (wehh? napilitan daw?) Oo talaga napilitan lang. HAHA. Pagdating ko sa bahay, agad kong tiningan at finit. Tapos lalabhan ko na lang. Napansin ko naman yung braso ko.

GOODNEWS: Ang puti ng braso ko.

BADNEWS: Ang laki-laki.

Naku pano na yan? Mukhang kailangan ko na atang magdiet! Kinagabihan nun, hindi ako kumain. At agahan din hindi. Kumain lang ako lunch na. Ikwinento sakin ni Irah na nayaya na daw nila si Mary at good to know yun. At matapos ang week na yun eh napakaeffective ng pagddiet ko kasi bukod sa braso ko eh lumiit din ang tyan ko. HAHA

Ngayon kami magkikita-kita sa may gasoline station na Petron. 10 kaming lahat kaya van ang gagamitin namin. Van yun ng kaklase kong ubod ng yaman. HAHA. Yung beach resort naman, sa kaklase kong governor ang tatay. Bale ang pwesto namin sa loob, si Jiro yung nagddrive, katabi nya si Anne na gf nya. Si Mary sa left window side tapos si Ivan naman sa right. Pumapagitna sakanila si Sandy at Nix. Kami naman sa likod Si Irah, Michael, Kurt at ako syempre sa window side. Yung ibang couple, nag-uusap lang pero kami ni Herrera, ang kapal naming magharutan!

"Ahahahahahha! Ano yun? Ahihihihih." peste. Ang lakas pa naman ng kiliti ko sa leeg. May ibubulong daw sya sakin ts ayun. Nakikiliti ako. Tapos dagdagan mo pa ng fact na kinikilig ako. Hihihi.

"Shhhhh! Wag nga kayong maingay! Daig nyo pa kami ha! HAHAHA" sabi ni Anne. Di parin ako tumigil sa kakatawa. As in kasi nga dikit parin sya ng dikit kasi nga may ibubulong daw sya. Hinampas ko lang sya nun sa braso. Natatawa lang din sya sakin. Nakakatawa daw kasi ang  tawa ko. HAHAHA. Imbis na matulog, nagkwentuhan lang kami at nagharutan hanggang sa makarating kami. Yung mag-ex wala lang kibo. Nakikitawa din paminsan-minsan. Pinuri pa nga kami eh. Bagay na bagay daw kami. HAHAH ang masasabi ko lang ay... I know. HAHAHAH joke.

Pagkababa namin, dinala na namin ang mga gamit namin sa kanya-kanyang cottage namin. Ang gastos nga eh kasi sampu kami. Eh yun yung gusto nila at okay lang naman daw so yun. HAHA.

*U* ang ganda naman ng lugar na to! White sand pa!! Ang presko!! Sana dito na ko forever. HAHA joke. Ang refreshing lang talaga kasi ng lugar na to. Parang Jeju Island lang ng Korea kasi may mga sunflower din. Lunch na kami nakarating kaya kumain muna kami. Syempre magkatabi kami. Ipinagtatabi kasi kami. Sina Ivan at Mary, as usual, nasa magkabilaang side. Puro seafoods ang inihanda para saamin doon. Ang sasarap!! Hahaha. Nakalimutan ko tuloy na nagd-diet ako. Isa sa mga naparami ang kain ko ay yung scallops. Sabi ni mama nung bata pa raw ako, allergic daw ako dun pero kumain parin ako kasi matagal na rin naman yun at di ko narin feel iyon.

Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon