“He's not your prince charming if he doesn't make sure you know that you're his princess.”
― Demi Lovato
Bungad saakin ng isang unregistered number. At sino naman kaya ito?! Aba't pinapatamaan ako nito ah! Okay fine! Ako na bitter! Pero the heck. Oo alam ko nagpakatanga ako kay Ivan! Pero tama ba naman na patamaan ako nito sa text?!! Urghhhh nasisira araw ko!!
Naglalakad ako ngayon sa may corridors ng may magulong buhok. Para san pa ang paga-ayos? Diba? Wala na akong paki sa itsura ko. So what? Habang naglalakad ako, pinagtitinginan na ako ng mga peste kong kaklase. Mga bwisit sila! Eh ano ngayon kung magulo?! Batuhin ko sila ng tsinelas eh! Pagkapasok ko naman ng classroom, sinalubong agad ako ng bff ko. Si Clara. Blockmates kmi. 4th year Nursing students kami. Wla lang trip namin.
"Bestieee!!!!" ihu-hug nya pa lang sana ako ng hinarang ko na sya ng kamao ko.
"Ito naman si bestie magahug lang eh. ANyare ba sayo? At tingnan mo nga yan na buhok mo! Mukha kang sinabunutan ng monkey umagang-umaga pa lang eh!" pagtatalak nya.
"Hoy Clara! Umamin ka nga! Ikaw ba nagpadala nitong message na toh? Ikaw tantanan mo ko ha!" pagbubulalas ko sabay pakita sakanya nung cellphone ko.
"Huh? Anong pinagsasabi mo. Pabasa nga!" sabi nya at inagaw ang phone saka binasa. Nagdikit nanaman yung dalwa nyang kilay. Pffft.
"Hindi ako nito ah! Saka isa pa, di ako magsasayang ng load para sa tulad mong matigas yang ulo! Saka duhh. Halos 3months na kayong over ni Ivan! As in OVER. Lam mo yun??" sabi nya. Okay guys umaamin na ko. 3 months na nga talaga kami break. Pero anu dun?? Ahh basta!
"Hay nako. Tara na nga!" sabi nya sakin at hinila ako papuntang upuan saka ako inipitan. Bri-nade nya na lang ako.
"Ayan okay na. Tara na!" pagyayaya nya saka ako hinila. Ewan ko kung san pupunta. Maaga pa naman eh. Pagkababa namin sa hagdan eh agad naman namin nakita si Ivan. Kasama ang babae na ipinagpalit nya sakin. Si Mary. Agad naman akong tumalikod para mag-ibang direksyon pero hinila ako ni Clara pabalik at tiningnan ako.
"Bes, kailangan mong matuto humarap. Papano ka makakapag-move on kung patuloy mong kinukulong ang sarili mo sa past? Alam mo bang past is past? Kaya dapat, di mo na iniintindi yun!" sermon nya sakin. Sasagot sana ako sakanya kaya lang hinila nya na ako. Alam nya na siguro na sasagot ako kaya inunahan nya na ako. Ganyan kami palagi ni Clara ehh. Halos kada-makikita namin si Ivan at yung bago nyang girlfriend, sinasabi nya yung mga yun. Wala nang bago. Palagi ko naman syang sinasagot.
"Hi." bati ni Ivan habang naglalakad kami kaya napatigil kami sa harap nila.
"Hi." bati ko rin. Napayuko naman ako.
"Musta?" tanong nya. Ba't ganun? Kahit na galit na galit ako sakanya, marinig ko lang ang boses nya, parang timang na tong puso ko at tibok ng tibok ng mabilis. Mahal ko pa sya. Yun lang ang alam ko. Sasagot palang sana ako ng hilahin nanaman ako ni Clara.
"Haay naku Gel. Dami talagang alikabok sa mga lumang bagay. Tara na nga! Baka ma-allergy pa ko dito eh!" sabi nya at naglakad na kami papalayo. Papalayo sakanya.
Bumalik na kami ng classroom at nag-aral. Naintroduce ko na ba sarili ko? Ako nga pala si Angel Sky C. Rodriguez. Yun lang. -.- astig ng pangalan ko nuh?
Nagulo ang pagmumuni-muni ko nang may bigla namang may nakatayo na lalake sa room. Matangkad, matangos yung ilong, chinito, maputi, medyo mahaba ang buhok, payat pero parang may abs pero ewan ko lang. Ay ewan! Ba't ko ba dinedescribe? Basta! Pawis na pawis at halatang tumakbo para di malate. Kasu sorry sya. Late sya ehh. :P
"Mr. Herrera, ba't ngayon ka lang?" tanong ni prof. Kiala nya? Ba't ngayon ko lang toh nakita? Siguro irregular toh. Bahala sya. Paki ko jan.
"Nagresearch lang po prof." sabi nya at ewan ko kung anong sinabi ni prof. Wala me pake!
"Hi. Pwede ba akong umupo dito?" tanong nya sakin. Tumango naman ako ng walang kapaki-paki. Naka-five hundred pa ko. Alam nyo yun? Umupo sya jan paki ko sakanya. Nagsimula nang maglesson ulit si prof nang magsalita sya.
"Miss, Diba ikaw si Angel Rodriguez?" pasimpleng tanong nya. Tiningnan ko naman sya ng mataray. Di naman sya mukhang stalker pero matanong nga. Aba syempre malay mo may gawing masama yan saakin nuh!
"Stalker ba kita? Kung oo pwede-"wag kang feeler miss. Tinatanong ko lang kasi nabasa ko dyan sa ID mo ohh ayan!" pagputol nya sa sasabihin ko. Tumawa naman yung nasa harap at nasa likod namin kaya tinarayan ko lang sila. Wow. First time toh ahh. Ito ang unang beses na may nagpahiya sakin. Kung sino man sya peste sya!
"Hoy ikaw Herrera! Ang kapal-"baka ikaw ang stalker ko! Kita mo alam mo agad ang apelyedo ko kahit wala akong ID." pagputol nya ULIT sa sinasabi ko. Aba't nakakadalawa na toh ah! Tinarayan ko naman sya.
"Alam mo pwedeng mahanginan yang mata mo. Sige ka. Papangit ka." sabi nya. So sinasabi nya na maganda ako? HAHA. I kno-"pero di ko sinasabing maganda ka. Sinasabi ko lang." paputol nya nanaman pero this time, sa iniisip ko na!
"Mind reader ka ba? Saka anong sinasabi mo? Na pangita ko?!" sabi ko sakanya. Then he shrugged.
"Di ako nagsabi nyan ahh." sabi nya at parang nagpipigil ng tawa. Leche sya! Panira araw!
"Urghhhh!!" sabi ko nalang pero mahina. Baka may makarinig. Tumawa naman sya kaya napagalitan sya. Blehh! :P Buti nga sakanya kaya binelatan ko naman sya. Sya naman, nagsmirk.
*Bell*
Haaaay salamat! Sa wakas! Tapos na rin ang subject na kasama ko yung lalakeng yun! Basta si Herrera. Paki ko dun.? Bahala man sya! Papunta na ko sa next class ko nang masalubong ko naman si Ivan. Sya lang ang mag-isa. Wala yung girlfriend nya. Bigla naman akong kinabahan at yumuko saka dumerecho palakad. Pero diba? Mapride ako? So dapat chin up. Pero di ko kaya. :( naglalakd ako ng bilis nang tawagin nya nanaman ako.
"Angel!"
Di ako humarap. Basta tumigil lang ako. Di nya na ako tinawag kaya nagdere-derecho na ako maglakad ng tawagin nya nanaman ako sa pangalang 'Sky'
"Sky!"
Narinig kong papalapit na sya sakin kaya napalunok naman ako ng laway. Kinakabahan ako. Ts pinagpapawisan ng malagkit.
"Affected ka parin ba sa nangyari hanggang ngayon?" sabi nya. Di ako sumagot kaya naman hinarap nya na ako sakanya.
"Oo ba?' sabi nya. Tumango naman ako at lumuha nanaman. Potek na luha. Umakyat ka nga!
"Bakit ba kasi di ako? Pwede bang ako nalang ulit? Please?" pagmamakaawa ko. Ayan nanaman. Sa totoo lang bago kami magbreak, ako yung taong walang kapride pride sa sarili ehh. Wala talaga. Kung dati hindi ako competitive, ngayon oo. Malaki ang punagbago ko. Pero bakit parang bumabalik ang dating ako kapag sya na ang kausap ko?
"Alam mo pwede naman kitang mahalin ehh. Yun nga lang may kahati ka dito." sabi nya saka nya tinuro ang dibdib nya. Napangiti naman ako. Para bang may bagong pag-asa?
"Talaga?" sabi ko at tumingin ng deretso sakanya. Tumango naman sya. Kami lang ang tao dito sa corridor ng may mahagilap ang peripheral view ko na lalakeng naglakad paalis. Ewan ko lang. Basta bahala sya sa buhay nya. Paki ko dun?
Naglakad kami ni Ivan nang magkahawak ang kamay. Salamat at okay na kami. Pero hinatid nya lang ako hanggang sa lugar kung saan wala pang tao masyado. Baka daw may makakita saamin. Tapos kiniss nya naman ako sa cheeks. >_<
"Bye babe." sabi nya.
"Bye." sabi ko naman at naglakad na papalayo. Salamat at okay na ulit kami. After 3 months na paghihirap at pagtitiis ko, nabawi ko ulit sya.
Pagpasok ko ng room, nahagilap agad ng mata ko si Herrera. Aba't talaga naman oh! Ilang subjects ko ba toh kaklase?? SI Clara nga isa lang eh. Last subject pa. Political Science lang. Ayoko sana tumabi sakanya kaya lang no choice ako. Wala nang space ehh. Sakto pa naman tong mga upuan.
"Hi." bati ko. ^____^ good mood ako ngayon ehh.
"Psh." sagot naman nya. Nice talking dude! Geh. Lunukin mo laway mo! Psh psh ka jan!
"Anyare sayo?" sabi ko naman habang nagaayos ng gamit at---tinarayan nya ako? Ibang klase rin toh ahh. Anyare dun?
BINABASA MO ANG
Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]
RomanceWhat if the only way for her to believe again is to know the...Hundred definitions of Love?