[2] HDI- 2nd Message

310 6 4
                                    

"Uy." inalog ko pa sya. Wala lang. Trip ko bakit? Nuh paki mo? Suntok gusto mo? Siga ata toh! Tapos bigla naman syang ngumiti. Huh. Weird tong si kuya ahh. Nakahithit ng katol ata toh ehh.

"Anyare sayo kuya??" tanong ko. Good mood na good mood ako ngayon. ^_________^

"Ba't di ka ata masungit?" panimula nya. He's acting weird. HAHA. Bahala sya sa buhay nya. Paki ko jan.

"Paki mo?!" sagot ko. Kita nang nagrereview ako dito ehh. Tatanong pa. Haha. Bitter parin ba? So what? Nuh paki mo? HAHA

"Ayan. Ganyan ka lang palagi ha." sabi nya. Kumunot naman ang noo ko. So weird. Tsk. Tsk.Tsk.

*bell**

Haaay salamat! Sa wakas! Tapos narin. Buti nga nasagutan ko lahat. Tiningnan ko naman itong katabi ko. Ngayon ko lang narealize... hindi pala sya chinito. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. xD 

"Please pass your papers now." sabi ni ma'am kaya pinass ko na. Yung katabi ko naman, si Herrera, umalis agad pagkapasa na pagkapasa ng paper. Bahala sya sa buhay nya! 

~~

Last subject na at nandito kami ngayon ni Clara sa room. Ikwinento ko sakanya yung nangyari kanina.

"HUWAT?! " sigaw ni Clara kaya napatingin saamin lahat. Nagpeace sign naman sya agad. 

 "Ba't ka pumayag?? Tanga mo na man bespren!!" sermon nya. Napa-shrug na lang ako at napangiti ng malapad. Sya naman, napabuntong hininga.

"Haaay. Basta tandaan mo, Ang puso, ginagamit para mahalin ang iba. Ang utak, ginagamit yan para mahalin ang sarili." sabi nya. at umoo na lang ako. Baka mamaya pagdi ako sumang-ayon magalboroto pa tong si Clara ehh. Naalala ko naman tuloy si Herrera. Anong course kaya yun?

"Ahh Clara, may kilala ka bang Herrera?" tanong ko.

"Oo naman! Lahat kaya kilala sya! Gwapo kasi! Macho pa!" sabi ni Clara.

"Talaga??" ako naman.

"Oo bakit? Di mo sya kilala? Kunsabagay papano mo naman makikilala eh ang sama-sama ng ugali mo sa iba. Suplada pa! Manang pa! Saka higit sa lahat, TANGA!" sabi ni Clara. Napakastraight forward nya talaga. Sapul nanaman ako sa mga sinabi nya. Okay I accept it. Isa akong tanga. Tanga kay Ivan! Natahimik na lang ako hanggang sa mag-uwian at magkahiwalay na kami ni Clara. Habang naglalakad, nakita ko naman sa loob ng isang classroom sina Ivan at si Mary. Magkayakap kahit may mga kaklase sa paligid. Kakainggit. :< hirap kasi pagpatago lang. Hindi naman ako pwedeng lumaban kasi nga patago lang. Pero di nman siguro ibig sabihin nun bawal na ko magselos diba? Bigla nanaman tuloy akong nalungkot. Yaan na nga. Maga-ice cream na lang ako.

Naglalakad ako papuntang ice cream parlor nang biglang bumagsak ang ulan at dumilim ang kalangitan. Sheesh ba't ngayon pa! Kung kailan wala akong payong eh! Tatakbo sana ako para sumilong kaya lang what's the sense? Basa na ako. Buti nga di ko naisipan dalhin ang phone ko. Haha. Saka ang bait talaga ng Diyos! Buti at pinaisip nya sakin na iwan ang mga gamit ko sa locker. Naglalakad ako sa kasagsagaran ng ulan nang may biglang humila ng kamay ko...

At sakto nga sa mukha nya. Para tuloy kaming nag-kiss in the rain. Pansamantalang natulala ako. First kiss ko kasi toh. Di pa kasi kami nagkikiss ni Ivan ehh. Sa cheeks lang pero si Herrera!!! Grrrrrrr! 

*pak!*

"Aray! Ba't mo ginawa yun?!" tanong nya habang nakahawak sa isa nyang pisngi.

"Ba't mo ko hinalikan!?!" reklamo ko. Anu ba kasi yan! 

"Bakit sinadya ko ba??" sya

"Siguro! Ahh basta! Ninakaw mo first kiss ko! Magnanakaw ka! Kriminal! Kriminal!" sabi ko sabay paghahampas sakanya kaya nahulo ang payong na dala nya. Gawa ng sobrang buhos ng ulan eh nabasa narin sya. La kwenta yung payong.

"Tumigil ka nga!! Ikaw kasi eh! Ba't ka nagpapabasa? Panu pagnagkasakit ka?! Tanga ka ba?!" sabi nya. Ouch, tanga nanaman daw. :< Okay. Ako na talaga. :<< napayuko na lang ako. Tanga ba talaga ako? Dean's lister naman ako.... san ba ako tanga? Sa pag-ibig? Haaay. Ba't sumulpot ang pag-ibig na yan? Pakisabi ka-badtrip sya!

"Hoy kinakausap kita!" sabi nya.

"Oo di ako bingi! Di ba halata? Nagpapaulan ako kasi wala akong payong!!" sagot ko'

"Tanga! Eh ba't di ka sumilong??" sabi nya. Oo nga. Bakit nga ba? Kasalanan toh ni Roselle Nava ehh!! HAHA. Alam nyo yun? xD

"Paki mo ba?!" ako. Naiinis na ako sakanya. Kanina pa syang kakatanga dyan eh! 

"W-wala." sabi nya at yumuko.

"Oh wala naman pala eh. Kaya kung pwede ba, wag mo na kong papakealaman?!" sabi ko saka nagroll eyes. Inis ako sakanya. Masyado sya!!

Naglakad na ako ng mabilis pauwi. Wala na akong gana magice cream. Maginaw na. Nadikitan ko kasi yung mayabang na yun eeh! Humangin tuloy!!

Nagdere-derecho ako paakyat. Naligo at nagbihis. Pagtingin ko sa phone ko, meron nanamang unknown number ang nagtext.

“Never fall in love with someone that won't fight for you, because when the real battles begin they won't pull your heart to safety, but they will their own.” 

― Shannon L. Alder

Aba!! Kakabadtrip talaga toh ah!! Nakakarami na sya! Magtetext na sana ako sakanya nang magvibrate ulit ang phone.

From: Princess

“His lips ever so gently touched mine, and suddenly I felt everything stirring inside me grow wings, let loose, and fly.” 

― Heather Anastasiu, Glitch

Tara text! 

Gm.

Ahh gm lang pala. Pero ba't natamaan ako?! Aba leche! Puro patamaaaaa!!

Maka-gm din nga.

NU bayan!! Puro patama!! Lahat ng quote na narereceive ko natatamaan ako! Urgh! Ano bang meron ngayon?!

Text?

GM.

~~

Sino gusto ng dedic?? Please comment and vote. ;)

Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon