Pasensya na po sa grammatical errors at sa typographical errors. Hindi po perfect si Author pero sana po suportahan nyo ang storya na ito.
'Prologue'
Kung sa iba ay maganda ang unang pagkikita nila ng taong mahal nila, mabuti yung pakikitungo nila sa isa't isa, pwes hindi ganon si Reign Dei Vergara. Nung nakilala nya ang lalakeng mamahalin nya hindi natin masasabi kung sila ba talaga ang para sa isa't isa, dahil hindi ganon kaganda ang unang pagkakilala nilang dalawa.
Reign's POV
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang papunta sa school. Monday ngayon kaya sinapian na naman ako ng katamaran. Kainis kasi tong kuya ko ginising ba naman ako sa masarap na pagtulog ko tss! Ayan tuloy bad mood ako papasok ngayon dagdagan mo pa hindi ako pinatapos mag breakfast kairita!
"Ano na naman problema mo bakit nakasimangot ka na naman?" Tanong ng kuya Reiniel ko habang nagmamaneho. Tanungin ba naman ako malamang hindi mo ako pinatapos kumain!
"Tss tanungin mo yang sarili mo!" Masungit na sagot ko habang nasa labas ng bintana yung tingin ko.
"Kung hindi kita ginising mala-late ka na naman,monday monday oh tapos late ka tss!" Edi ikaw na tong maaga gumising kairita! "Ikaw Dei Dei ayosin mo pag aaral mo lagi ka nalang tinatamad kapag pumapasok" ayan sermon na naman tss. Kanina pag alis namin ng bahay si kuya Reigiel yung nagsesermon sa amin dalawa.
"Wag mo nga ako sermonan, ikaw rin naman ang tamad tamad mo pumasok puro babae lang inaatupag mo!" Owss sorry kuya pero yon naman talaga totoo diba?
"Oh tapos? atleast ako sinusunod ko yung mga sinasabi ni kuya, hindi rin ako pasaway katulad mo!" Ayy wow ang galing talaga ni kuya noh?! Sinusunod daw si kuya giel pero pumupunta naman sa bar makipag inuman kasama yung mga siraulong barkada nya tss. Tignan mo lang isusumbong talaga kita sa kuya mong masungit!
"Pasaway ako pero nag aaral naman talaga ako ng maayos tsaka hindi rin ako pumupunta sa bar, wala rin ako boyfriend na pinag-aabalahan!" Totoo yon wala ako boyfriend tss!
"Lalake ako magka iba tayo abnormal, subukan mo lang rin mag boyfriend ngayon malilintikan ka talaga sa kuya Reigiel mo" tignan mo toh oh parang hindi nya rin yon kuya tss.
"Paano kung gusto ko na mag boyfriend may magagawa pa ba kayo ha? 19 years old nako pero ayaw nyo parin ako payagan mag boyfriend tss dami na nga nakapila eh!" Oo madami na gustong manligaw sakin!
"So kung 19 kana? Hindi ka parin pwede ayaw ka lang namin matulad sa ibang babae na maaga nabubuntis!" See? ang OA talaga nila! Yan lang sinasabi nila sakin sa tuwing magtatanong ako kung pwede na ba ako mag boyfriend.
"OA nyo talaga kuya noh? porket ba magb-boyfriend nako magpapabuntis narin ba ako ha?"
"Ah basta hindi ka parin pwede tsaka na pag 30 years old kana kahit mag asawa kana agad" punyeta ka talaga kuya noh?!
"Isshh kainis kayo!" Nakakainis rin kung sobrang higpit sila tss pero ano pa ba magagawa ko eh para din naman yon sa kabutihan ko. Kaya nga love na love ko silang dalawa kasi ang papangit nila!
YOU ARE READING
BEHAVE LIKE A RAIN AND FALL FOR ME
RandomReign Dei Vergara ang babaeng hindi pinapayagan mag boyfriend ng dalawang kuya nya. Pero ano nga ba gagawin nya kapag dumating na yung time na nahulog na yung loob nya sa isang lalake na minsan narin nya sinumpa na hinding hindi sya magkakagusto dit...