"Kung hindi kita masundo mamaya tatawagan ko nalang si Niel dadaanan ka nalang nya dito" sambit ni kuya giel bago ako bumaba ng sasakyan.
"Yes kuya"
"Bye" pinisil pa nya yung pisngi ko hays ginawa talaga akong bata oh! Bumaba nako at agad naman sya umalis. Pag alis nya sakto nakita ko si Hurly sa gate papasok narin kaya tumakbo ako papunta sakanya.
"Hoy bata kamusta weekend mo?" Bungad ko. Malapad na ngiti pa yung binigay nya sakin. Ang cute naman ng batang toh. Oo bata yung tawag ko sakanya dahil mas matanda ako one year.
"Okay naman ateh, review lang ginawa ko para sa long exam namin ngayon" edi sya na masipag tss.
"Wow talaga, goodluck ha"
"Thanks" ngiti lang ang binigay ko sakanya tapos nagpaalam nako papasok na sa class ko. Malayo yung building nila sa amin, sana nga kasama yung section nila sa paglipat sa bagong building namin.
Pagpasok ko sa room bumungad sakin yung pesteng pagmumukha ni Drixel! Nakangisi pa ito sakin pero inirapan ko lang sya at umupo sa upuan ko. Matinding kalaban ko yan eh!
Mahilig kasi yan mang-asar dito tapos mayabang pa ang kumag. Gwapo nga demonyo naman tss! Kasama nya sa team yung lalakeng kasama ko sa mall kahapon ewan ko nga lang hindi siguro sila close kaya hindi ko sila nakikita magkasama. Pareho namang mayabang pero hindi sila close tss. Speaking of lalakeng sa mall! Ngayon yung day one ng date namin ewan ko ba bakit parang kinakabahan ako.
Syempre nasa campus kami at sigurado ako maraming makakapansin na magkasama kami. Iisip nila may something sa amin tapos baka may chismis na sa amin mag boyfriend kami! Dei ano ba tong pinasok mo?
Hindi ko pa nga pala nasabi kay Hurly may bagong kasama kami sa lunchtime baka pag sabihin ko sakanya ayaw na nya ako makasama kumain tss. Explain ko nalang sakanya toh.
Simula kasi tinulungan ko yung batang yon naging friends na kami. Magaan kasi yung loob ko sakanya tsaka mabait na bata. Feeling ko tuloy bunsong kapatid ko sya ang cute kasi namin magkasama. Ilang araw pa lang naman kami nagkilala mukhang mag bestfriends na kami. Nerd kasi yon kaya pala hindi kayang lumaban kay Drixel.
Sabi nya rin sakin yung kuya talaga nya yung kalaban ni Drixel kaya pati sya nadamay. Hindi ko kilala yung kuya nya basta sabi nya sakin basketball player rin daw kasamahan ni Drix pero lagi daw nag aaway yung kuya nya at yung demonyong Drixel. kaya ayon target narin ng demonyo pagtripan si Hurly.
Pag kilala ko lang talaga kung sinong kuya nya sa basketball player kukutusan ko talaga yon. Pahamakin ba naman yung kapatid nya tss.Habang nagd-discuss yung professor namin sa harap may kung ano naman nambabato sakin mula sa likod. Yung demonyong Drix! Sandali ako lumingon sa likod at tama nga ako nakangisi pa ito sakin. Tadyakan kaya kita ulit?!
Trip na naman nya ako ngayon kasi may kasalanan ako sakanya. Binigyan ko kasi ng black eye last time kaya eto pinagt-tripan nako tss. Dagdagan ko kaya yon?
Hinayaan ko nalang yung ginagawa nya humanda sya sakin pagkatapos ng klase! Babalatin ko sya ng buhay! Joke lang hindi ako killer! Wala lang talaga sya magawa sa buhay nya lakas pa ng trip nya. Adik na yan eh.
YOU ARE READING
BEHAVE LIKE A RAIN AND FALL FOR ME
RandomReign Dei Vergara ang babaeng hindi pinapayagan mag boyfriend ng dalawang kuya nya. Pero ano nga ba gagawin nya kapag dumating na yung time na nahulog na yung loob nya sa isang lalake na minsan narin nya sinumpa na hinding hindi sya magkakagusto dit...