Reign's POV
Dahil wala yung dalawang kuya ko dito sa bahay naisipan ko lumabas at maglakad lakad. Ang boring naman kasi kapag walang klase tapos pag may klase na naman tinatamad ako pumasok. Ganon talaga ang buhay ng studyante magulo. Ang gulo ng isipan.
Nagpaalam ako kay yaya lalabas muna ako. Nasa office si kuya Reigiel, si kuya Reiniel naman nasa bahay ng barkada nya. Edi malaya ako ngayon syempre hindi pwede magtagal sa labas dapat bago mag gabi nakauwi nako. Pupunta lang naman ako sa mall kahit wala naman ako balak bilhin. Tingin tingin lang ako baka may magustuhan ako bilhin ngayon.
Nasa department store ako sa may mga dress pero wala naman ako gusto sa mga toh tsaka puno na yung closet ko may mga hindi pa rin ako nasusuot doon. Pumunta ako sa mga school supplies pero naalala ko kompleto lang pala yung mga gamit ko sa bahay. Im not good student pero kompleto ako sa gamit. Good student naman talaga ako medyo tamad lang tss!
Pagod na agad yung paa ko tsaka nagugutom ako kaya pumunta ako sa food court. May mga nagbebenta naman iba't ibang foods yung siomai talaga yung gusto ko kainin. Favorite ko kasi ito hindi ako nagsasawa kumain kasi nga favorite! Nag order nako tapos naghanap ng table pero wala ng bakante. Minalas kainis!
Dala dala ko nalang yung siomai ko sa bench at dito kumain. Halatang gutom ako kasi hapon narin hindi ko namalayan kanina pa pala ako naglalakad eh wala naman ako naibili kahit isa. Kakain nalang siguro ako dito tapos uwi na tss.
"Hi miss" punyetang hayop! Napaubo nalang ako dahil sa gulat bwisit ang anghang ng siomai na toh! "Ay sorry hindi ko sinasadya gulatin ka" saad pa nito. Ubo parin ako ng ubo punyeta naman oh maanghang yung lalamunan ko! "Dito ka lang bibili ako ng tubig" hindi ko sya pinansin sumasakit na yung lalamunan ko sa kauubo. Mamamatay na ba ako?!
Alam ko pinagtitinginan nako ng mga tao dito grabe kasi ako kung makaubo parang matandang may sakit. Kulang nalang mahiga ako sa sahig arrghh wala ako pakealam sainyo! Tanga rin kasi ako nakalimutan ko bumili ng tubig. Oh ayan Reign kamusta pakiramdam?
"Miss water" pagka abot ng pesteng lalake sakin uminom agad ako. Hindi pa ako nakapag salita sa sakit ng lalamunan ko. "Miss okay kana? sorry kung ginulat kita" sabi pa ng lalakeng nang-gulat sakin. Sino ba tong walang hiya na toh?!
Okay ngayon alam ko na kung sino sya "bakit mo ba ako ginulat alam mo na nga kumakain ako?!"
"Im so sorry, kilala mo ba ako?" Oo kilala kita punyeta ka ikaw yung mayabang na maglaro!
"Ayy hinde, ikaw kilala mo ba ako? walang hiya ka eh!" Sarcastic na sabi ko. Schoolmate ko sya basketball player na mayabang!
Natawa pa sya sakin tinaasan ko naman ito ng kilay "sorry na, kilala kita kaya nga kita nilapitan kaso nagulat ka" loko loko rin pala toh oh pinag tatawanan pa ako!
"Hays ewan ko bahala ka sa buhay mo!" Naglakad ako paakyat sa escalator sumunod naman sya. Seryoso ano bang balak nya sakin?!
"Reign sorry ulit" hinarangan pa ako. Tss alam pala yung name ko. Stalker ko ba toh? "Nakita lang kita walang kasama naisipan ko lapitan ka mukhang boring ka diba"
YOU ARE READING
BEHAVE LIKE A RAIN AND FALL FOR ME
RandomReign Dei Vergara ang babaeng hindi pinapayagan mag boyfriend ng dalawang kuya nya. Pero ano nga ba gagawin nya kapag dumating na yung time na nahulog na yung loob nya sa isang lalake na minsan narin nya sinumpa na hinding hindi sya magkakagusto dit...