CHAPTER 4

2 0 0
                                    



Habang naghihintay ako kay kuya Reiniel sa labas ng gate nakita ko rin si Hurly mukhang may hinihintay rin. Ginulat ko pa sya mula sa likod "Hi bunso sinong hinihintay mo?"



"si mama ko, susunduin nya ako ayaw kasi magpasabay ni kuya pauwi" hala ang sama naman ng ugali ng lalake na yon!


"Ah bakit ayaw nya?"


"Hays hindi mo pa kasi alam yung pag uugali ng kuya ko ateh, demonyo nga eh" napakamot pa sya ng ulo. Ang cute talaga ng batang toh.


"Grabe naman sya,teka nasan ba yon umuwi na ba?"


"Ewan ko umuwi na siguro, sabi kasi ni mama hindi kami pwede late umuwi birthday nya kasi"


"Ah ganon ba" kaya pala hindi nako kinukulit ngayong hapon.


"Ateh gusto mo ba sumama sa bahay? birthday ni mama gusto ko invited ka" ayy nakakahiya naman gusto talaga ako isama sa bahay nila. Ano nalang sasabihin ng kuya nya hays.



"Hindi na bunso, susunduin ako ng kuya ko eh"



"Please ateh? ngayon lang toh pumayag kana" makulit din naman tong bata oh. Nakakahiya sa family nila tsaka hindi naman yung mama nya ang nag invite sakin. Magsasalita pa sana ako may biglang huminto na kotse sa harap namin. "Mama!" tawag nya sa driver. Bumukas yung window mukhang eto nga yung mama nya. Ang ganda naman nagmana sakanya si bunso. Yung kuya nya rin pala!



"Hi nak, sakay na baka maabutan tayo ng traffic" nakangiting sabi ng mama nya. Napatingin pa sya sakin ngumiti rin ako "oh sino sya friend mo ba nak?"



"Uhmm girlfriend ni kuya ma" literal ako napanganga sa sinabi ni Hurly. Girlfriend ng kuya nya?!  "Ma, pwede ba natin sya isama sa bahay?" tanong pa nya sa mama nya.




"Yeah why not kung girlfriend pala sya ng kuya mo, iha tara na?" Hala seryoso?! Punyetang bata oh!



"Ah-eh hindi na po tita pauwi narin kasi po ako tsaka hindi po ako girlfriend---"




"Halikana ateh" pagputol ni Hurly sakin sabay hila papasok sa kotse nila.




"B-bunso hindi ano kase---"



"Wag kana mahiya iha" putol na naman sakin ng mama nya. Arrggh ano ba yan! Ano pa ba magagawa ko eh nandito nako sa loob ng sasakyan nila! "Matagal na ba kayo ni rebreb?" tanong ng mama nya. Sino daw? rebreb?



"Hindi po kame---"



"Bago lang ma" sagot naman ni bunso. Loko loko talaga tong bata! Singit ng singit eh hindi ako makakapag salita ng maayos.



"Bakit walang nabanggit sa atin si kuya mo may magandang girlfriend pala sya" migudnes! patawad po hindi po ako girlfriend ng anak nyo!




"Balak nya naman sabihin sainyo ma wala lang time" sagot na naman ni Hurly.



"Hays kuya rebreb mo talaga wala na nga time sa bahay ayaw pa magkwento ng lovelife nya sakin" tita pwede ako naman po magsalita please?!



"Hindi ko nga alam yung friend ko girlfriend nya pala" salbahe kang bata! Pagsalitain nyo naman oh! Napabuntong hininga nalang ako habang nakikinig sa usapan nila. Hayaan ko nalang, nakakahiya kung sumisingit ako sa usapan ng mag ina!




"Lagot sakin yung kuya mo hindi man lang nagsabi!"




"Kutusan nyo ma pagdating sa bahay"



BEHAVE LIKE A RAIN AND FALL FOR MEWhere stories live. Discover now