First time ko nakaramdam ng awkwardness dito sa loob ng room. Eh hindi ko nga magawang tumingin sa likod feeling ko kasi may tumitingin sakin kaya iniiwasan ko. Kainis! Pre-occupied ako sa klase. Kasalanan kasi toh ng demonyo! paglabas ng prof namin agad ako tumayo at binitbit yung bag ko palabas ng room. Mabilis ako bumaba ng hagdan napatigil lang ako nang may nabangga ako. Ano ba yan ang laki laki ng daan!
"Hi" may naalala ako sa boses nya. Tinignan ko kung sino sya yung pesteng ka-date ko! "Are you okay?" Tanong pa nito.
"O-oo" tipid na sagot ko.
"Tara sa café?" Tumango lang ako at sumunod sakanya sa paglakad. Nahihiya ba ako? Narinig ko may nag message sa phone ko kaya binuksan ko nalang ito agad.
[Ateh nasa cafeteria nako,sunod ka lang hihintayin kita] hala si bunso pala. Hindi ko pa pala nasabi sakanya tong lalakeng ka-date ko!
Pagdating sa cafeteria hinanap ko agad si bunso. Malaki kasi tong café kaya hindi ko agad makita yung bata tss "nasan ba yung batang yon?"
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni ano hindi ko pa pala alam yung name nya.
"Yung friend ko si Hurly, sya yung lagi ko kasama kumain"
"Sinong Hurly?" Ayy ano ba toh ang daming tanong tss!
"Yung friend ko nga tss!" inis na sagot ko. Kainis eh tanong ng tanong!
Natawa nalang sya "okay, Hurly din yung pangalan ng kapatid ko" may kapatid pala toh. Wala ako pakealam!
Nakita ko narin yung bata kumakaway pa sakin sa table "andoon sya, tara" aya ko. Sumunod naman sya sakin sa table ni bunso "Hi bunso, may kasabay tayo ngayon kumain" bungad ko pag upo.
"Hurly?"
"Kuya" hala? seriously? Magkapatid sila eh bakit---sya yung kuya ni bunso na basketball player?! "Magkakilala na kayo?" tanong ni bunso na parang hindi makapaniwala.
"I-ikaw yung kuya nya?" Tanong ko kay ano basta hindi ko alam name nito!
"Yeah, i didn't know friends kayo ng kapatid ko" aba kasalanan mo kung bakit sya pinagt-tripan ng mga loko loko! Lagot toh sakin ngayon!
Tinignan ko sya ng masama "ikaw, kasalanan mo talaga!" hinila ko yung tainga nya malilintikan talaga sya sakin.
"Ahh-Reign b-bakit?" Aba hindi nya pala alam may ginawa si Drixel dito kay bunso tss hindi nga nagsabi yung bata.
"May ginawa yung demonyong Drixel dyan sa kapatid mo tss kasalanan mo kaya nadamay sya!"
"What? bakit hindi mo sinabi sakin?" Seryosong tanong nya kay Hurly.
Tinignan pa ako ni bunso bago sumagot "hindi naman ako nasaktan kuya ayos lang yon---"
"Anong hinde? hoy pinahirapan nila yung kapatid mo pinagbabato ng bola tapos mukhang pinagsisintok pa nila toh kung hindi lang ako dumating siguro tapos tong bata!" Pagputol ko kay Hurly. Nagsisinungaling eh sobra nga yung ginawa sakanya nila Drixel.
YOU ARE READING
BEHAVE LIKE A RAIN AND FALL FOR ME
RandomReign Dei Vergara ang babaeng hindi pinapayagan mag boyfriend ng dalawang kuya nya. Pero ano nga ba gagawin nya kapag dumating na yung time na nahulog na yung loob nya sa isang lalake na minsan narin nya sinumpa na hinding hindi sya magkakagusto dit...