Awkward nitong feeling! Yung kumakain ako sa harap ng ibang tao tapos dito talaga sa pamamahay nila. Hindi talaga ako makakain ng maayos dito kasi naman hindi lang si Hurly Dianreb at yung mama nila yung kaharap ko ngayon. Nandito yung demonyong Drixel! Pati yung papa nya galing pala sa office kanina. Saglit ko tinignan yung taong kumakain sa harap ko naabutan pa nya ako tumingin sakanya tapos inirapan ako. Hala umiirap narin? Kung makairap naman toh oh daig pa ako tss!
Binalik ko nalang yung tingin ko sa pagkain ko at sumubo. Naiilang ako nandito kasi yung kalaban ko! Kung alam ko lang mag stepbrother pala sila ni Hurly edi hindi nako pumunta dito. Loko loko kasi talaga si bunso eh pilitin ba naman ako no choice ako nakakahiya rin sa mama nila.
Kanina pa nagsasalita yung mama at papa nila pero yung tatlo wala man lang imik. Seryoso lang kumakain. Tanong ng tanong naman sakin yung parents nila. Wag nyo po ako tanungin about sa family ko. Sensitive po sakin kapag yon ang pinag uusapan.
"Sino ba yung unang nakilala mo iha? si Hurly o si Rebreb?" Tanong ni tito. Kailangan pa ba nila malaman yon?
Tinignan ko si Drix. sya yung unang nakilala ko eh classmate ko yang kumag "si Drixel po, classmates po kami dalawa tapos may nangyari po kaya nakilala ko si Hurly" kay Drix parin yung tingin ko.
Sure ako walang alam yung parents nila sa nangyari. Ano ba talaga dahilan? Hindi kasi na-kwento ni bunso sakin yung tungkol sakanila ni Drix kung bakit pinagt-tripan sya nito. Sabi nya sakin yung kuya nya at si Drix talaga yung magka away nadamay lang sya sa hindi alam yung dahilan ng dalawang kumag. Ewan ko ba, feeling ko ayaw lang talaga ng Hurly sabihin sakin yung totoong dahilan. Natatakot lang siguro sya ipagsasabi sa iba baka magagalit yung kuya Dianreb nya. Ayos lang naman sakin tss! Sa bagay sino ba naman ako?
"Ah, paano naman kayo naging close ng tatlo?" Tanong pa ni tito ulit.
"Actually si Hurly lang po talaga yung closefriend ko tapos hindi ko alam magkapatid po pala sila ni Dianreb na kinukulit naman ako" pag kwento ko. Natawa naman sila pero yon naman talaga ang totoo kinukulit ako ng Dianreb. "Tapos ayon po, ayaw talaga nya ako tigilan niyayaya nya po ako mag date" dagdag ko pa. Tinignan ko pa sandali si Dianreb sa kabilang side ko na nakangiti lang sakin. Sakalin kita ngayon! Alam na ng lahat dito girlfriend nya ako punyeta ang galing nila magkapatid gumawa ng kwento! Wala narin ako masabi kasi naniniwala talaga sila may relasyon kaming dalawa.
"Mabuti hindi sumasakit yung ulo mo dyan kay rebreb eh kilala mo naman yan" sambit ni tita. Opo demonyo po sya!
"mahal ko si Reign ma, hindi ko sya binibigyan ng sakit sa ulo" singit ng Dianreb. Kapal ng mukha!
"Seryoso kayo ba talaga?" Biglang tanong ni Hurly. Abnormal talaga baka nakalimutan na nya agad yung pinagsasabi nya sa mama nya kanina.
"Slow ka ba? ang hina ng kokote mo tss!" Sumbat sakanya ng kuya nya.
"Sorry lang, alam ko naman kayo talaga halata naman mahal na mahal nyo isa't isa" sagot pa ni bunso. Ang sungit naman ng kuya nya pagdating sakanya.
"Oo mahal ako ni Reign, mahal na mahal nya ako!" Sabi ulit ni Dianreb. Nakita ko kung paano nya tignan si Drix parang pinapatunayan talaga nya dito mahal na mahal ko sya. Ano ba yan? Anong meron? Bakit ganyan kayo dalawa?! "Hindi ako papayag may umaagaw sakanya ibang lalake" dagdag pa nito. Hala hoy wag assuming walang tayo!
"Paano eh madami nga nagkagusto kay ateh Reign sa campus diba?" Oo alam ko yon bunso wag mo ng ulit ulitin!
"sa bagay napaka gandang babae ni Reign,mabait rin" saad ni tita.
"Salbahe yan sa room" biglang singit ni Drixel. Kainis oh pahamak! Tinignan ko lang sya ng masama.
"Hindi ah, mabait talaga yan si ateh" pagtatanggol sakin ni bunso. How sweet!
"Ah oo ikaw yung classmate nya hindi ako" sarcastic na sabi ni Drixel. Ano ba yan sana pala tumahimik nalang sya habang kumakain gusto yata ako siraan sa parents nila tss.
"Porket classmate mo sya kilalang kilala mo na sya?" Nagsalita na naman si Dianreb. Ramdam ko yung matalim na tinginan nilang dalawa. Hoy wag kayo mag aaway dito!
"Hindi ko lang sya basta basta classmate" nakangising sabi ni Drix. Anong ibig mo sabihin hoy?! "Reign bakit ayaw mo aminin sakanila?"
Kumunot naman ang noo ko "huh? ang alin?" takang tanong ko.
"May something tayo dalawa sa classroom, dapat alam din yon nila lalo na si Dian" hindi ko alam kung anong pinagsasabi ng Drixel na toh. Gusto lang yata nya asarin si Dianreb gagamitin pa talaga ako!
"What do you mean something Drix?" Takang tanong rin ni tita. Hayy naku naman pahamak ka Drix! Tumingin din sakin si tita hinihintay lang kung sinong sasagot.
"Tita, ang ibig nya po sabihin---"
"Walang something sakanila ma, ako lang boyfriend ni Reign" pagputol ni Dianreb sa sasabihin ko.
"Boyfriend ka nga nya ako naman yung mahal nya" nakangisi na namang sabi ni Drixel. Ano ba pinagsasabi mo loko loko ka ha?!
"Sandali, ano ba talaga ang totoo? Reign magsalita ka nga" halatang naiinis narin si tita sa dalawang kumag.
"Uhm..hindi po totoo yung pinagsasabi ni Drixel tita, mahal ko si Dianreb at hindi ko po magawang lokohin sya" paliwanag ko. Ano daw? Arrghh basta hindi totoo yon! Kainis ginagawa talaga ako sinungaling ng magkapatid!
"Bakit nagsisinungaling ka pa sakanila? habang maaga pa aminin mo na ako talaga yung mahal mo hindi yang Dianreb" aba mas lalo talaga ako pinapahamak sa parents nila!
"Reign is that true?" Tanong na naman ni tita. Lagot nagagalit na toh!
"Tita no---"
"Hindi nagsisinungaling si Reign ma, bakit ba parang mas pinapaniwalaan nyo yang Drixel?" Putol na naman ni Dianreb. Bakit ba pumuputol ka ng sasabihin ko?! "Its up to you, kung gusto nyo paniwalaan yung taong sinungaling i don't care" seryosong sabi nya pa.
"Stop it, nasa harap tayo ng pagkain at mahiya naman kayo sa bisita!" Sambit ni tito. Ilang minuto nagkaroon ng katahimikan. Pati ako kinakabahan narin nawala na tuloy yung gana ko kumain. "Reign sorry, ganyan na talaga silang dalawa"
Tumango naman ako tapos uminom "O-okay lang po tito, sorry rin po"
"Don't say sorry Reign, kakausapin ko nalang tong dalawa later mukhang sila yung may mali hindi ikaw" sabi naman ni tita. Tumango nalang ako. Tinignan ko si Drix umiinom ng tubig at halatang nagpipigil lang ng galit ngayon. Lakas ng tama eh. Kung anu-ano kasi pinagsasabi ginagalit talaga si Dianreb.
YOU ARE READING
BEHAVE LIKE A RAIN AND FALL FOR ME
RandomReign Dei Vergara ang babaeng hindi pinapayagan mag boyfriend ng dalawang kuya nya. Pero ano nga ba gagawin nya kapag dumating na yung time na nahulog na yung loob nya sa isang lalake na minsan narin nya sinumpa na hinding hindi sya magkakagusto dit...