----
Marami ng mga kwentong kababalaghan ang naririnig ko sa mga estudyante dito sa BNHS ngunit ni isa ay wala akong pinaniniwalaan. Wala silang mga pruweba na makapagpapatunay na totoo nga ang mga kwentong ito... PERO, simula nung nangyari sa kin noong isang araw, doon na ako naniwala.
--------****-------
January 8, 2015
Marya's POV
"Waaaait! Ipapasok ko muna 'tong painting ko"-pigil sa akin ni Rudy.
Binuksan ko uli yung pinto ng classroom namin para makapasok siya. Ang hirap talaga pag ikaw yung nakaasign na humawak sa susi ng pintuan ng classroom niyo, kailangan mong maunahan yung mga kaklase mong maaga kung pumasok.. AT kailangan mo pang hintayin yung mga kaklase mong matagal kung umuwi. =__=
Ni lock ko na ang pinto pagkalabas niya at sabay sabay na kaming umuwi.
Mabuti na lang at bukas pa ang meeting namin sa SSG, may aasikasuhin pa kasi ako ngayon eh.
--
January 9, 2015
6:30 na ng gabi nang matapos ako sa gawain ko sa SSG office. Bumalik ako sa room namin para i-lock na yung room. Wala ng katao-tao dito sa school dahil maagang nagsiuwian yung mga estudyante dahil may meeting yung mga teachers kanina mga bandang 3:00 pm.
Mapayapa na sa nilalakaran ko at madilim na. Ang nagsisilbing ilaw ko na lang ay ang tatlong ilaw na magkakalayo ang distansya na nasa hallway.
Nang madaanan ko ang classroom ng section Amorsolo ay nakarinig ako ng iyak ng babae. Galing Ito sa likod
'Tsk. May nang bully na naman.'-pailing-iling ko pang sabi sa isip ko.
Pinakinggan ko yung iyak at sinundan hanggang sa may nakita akong babaeng mahaba ang buhok na nakauniporme pa.
"Miss, tumayo ka na diyan. Wag kang mag-aalala, Isusumbong ko yung nangbully sayo. Wag ka ng umiyak"-sabi ko habang lumalapit sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumakbo papunta sa CR, kaya hinabol ko siya. Pumasok siya sa isang cubicle at ikinulong ang sarili niya doon. Tinawag-tawag ko siya habang kinakatok yung pinto ng cubicle ngunit ayaw niya pa ring lumabas at patuloy pa rin siya sa pag iyak.
"Bahala ka. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka lumalabas--"-bigla akong napatigil sa pagsasalita nang biglang na-off yung ilaw ng CR. Hindi ako takot sa multo dahil hindi namang totoong nag-eexist sila. Tinry Kong i-on yung switch kaso ayaw paring umilaw.
Tumigil na yung iyak nung babae kaya naghintay na lang ako na lumabas siya.
Narinig kong bumukas yung pinto ng cubicle at lumabas ang isang figure ng tao. Puro itim lang ang nakikita ko at di ko makita ang mukha niya dahil sa madilim dito sa CR.
"Mabuti at naisipan mo ng lumabas diyan. Kanina pa ang uwian, eh anong oras na? Hay naku, tayo na nga't umuwi."-nagsimula na akong maglakad palapit sa pinto nang biglang sumindi yung ilaw at sumirado yung pinto.
Biglang nanlamig ang katawan ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ewan ko pero bigla akong nakadama ng takot.
May malamig na kamay ang biglang humawak sa braso ko mula sa likod. Maputlang kamay at puno ng dugo. Natakot na talaga ako dahil ang kadalasang dinedescribe ng mga tao sa patay na katawan ay maputla at malamig. Naramdaman Kong inilapit nung babae yung mukha niya sa gilid ng mukha ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at feeling ko na naparalyze ang katawan ko.
Hindi, hindi to totoo. Guniguni ko lang to. Pumikit ako at nagbabakasakali na pagmulat ko ng mata ay mawala na tong imahinasyon ko, kaso sa pagmulat ko ay nasa harapan ko na siya at ilang inches na lang ang layo ng mukha namin.
Nakakatakot siya. Mulat na mulat yung mata niya at tuldok lang ang nasa gitna. Maputla ang mukha niya at puno ng dugo na nadidikitan ng buhok niyang maitim at mahaba.
"WALANG AALIIIIIS!!!!!!"
Halos mabingi ako sa sigaw niyang iyon.
Biglang nagdilim sa CR at marahas na nagsibukas-sarado yung mga pinto ng cubicle. Napatakip ako sa tenga ko nang makarinig ako ng kaluskos ng kuko sa salamin na sinamahan pa ng pang demonyong tawa.
Naiiyak na ako sa takot.
"Tama na.!. Tama na please.!."-sigaw ko habang patuloy parin sa pag-iyak.
Takot na takot na ako at hindi ko pa mabuksan yung pinto kahit anong pilit ko.
Maya-maya pa ay biglang na-on yung ilaw at natigil sa pag bukas-sarado yung pinto.
*knock knock knock*
Nagitla ako sa malakas na katok galing sa labas ng CR.
"May tao pa ba diyan?"-yung guard... Agad-agad kong binuksan yung pinto at mabilis na tumakbo paalis at hindi na nag intindi pang mag sorry sa guard na nabangga ko.
Hindi ko alam kung bakit ko naranasan yun. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung nakita ko.
Ikinwento ko kay Myge ang nangyari sa kin. Isa sa mga masasamang espirito daw yung nagpakita sa akin. Espiritong kakaiba na walang ibang ginawa kundi ang manakot at manakit ng mga estudyante. Sila din ang may kagagawan ng mga aksidenteng nangyayari sa school namin. Mga Aksidenteng nauuwi sa kamatayan...
======================================================================