A/N: Hi guys! itong chapter na ito ay hindi masyadong interesting. Ibabahagi ko lang ang side ko tungkol sa mga spirits :). Malalaman niyo dito kung ba't ako naniniwala sa kanila.
...
Bata pa lang ako, matatakutin na talaga ako. Yung tipong kahit pagpunta lang sa CR, nagpapasama pa ako xD. Mahilig naman talaga kasi akong manuod ng horror movies kahit matatakutin ako.Grade four ako nun nung lumipat ako ng school. Teacher si mama habang si Papa ko naman ay farmer. May tatlo akong kapatid at ako ang nakakatanda. Silang lahat nagpaiwan sa baryong iyon dahil may mga gawain sila doon kaya ako lang ang nakapunta dito sa lungsod. Pinalipat ako ni mama sa lungsod dahil sadyang hindi ako sanay doon sa baryo, laking 'syudad' kasi ako xD.
Nakatira ako sa bahay ng lola ko. Malaki at two-storey iyon. Ako, si lola, at ang tito ko na nag-aaral ng abogasya ang nakatira sa bahay kaya medyo boring.
Isang araw, dinalaw ako ni mama kasama yung kapatid ko na grade 3. Katatapos lang namin mamili ng kung anu-ano nun. Kinakausap niya ako nun habang ako naman ay vinideohan ang buong kwarto ko. At dahil nga sa nagsasalita si mama eh wala sa cellphone ang atensyon ko. Habang nakikinig ay hinay-hinay kong inililibot ang phone ko.
Basta guys! pagkatapos kong makita yung video natakot talaga ako. Sa ilalim kasi ng study table ko ay napansin kong may gumalaw. Ilang ulit kong ni-replay yun at naaninag ko na babae iyon. Short hair, nakakapit sa isang tukod nung mesa habang nakatingin kay mama.
Pinakita ko yun kay mama.Kaso nagalit siya sa kin nun at dinilete yung video dahil niloloko ko lang daw siya. Nainis siya sa kin dahil lagi kong pinagpipilitan yung nakikita ko sa video kahit hindi naman daw niya nakikita.
(Pero yung kapatid ko, nakita din niya. Ewan ko kay mama =___=)___
Paakyat ako nung hagdan kasama ang kapatid ko. (nagtransfer din ang kapatid ko dito sa lungsod dahil sinabi ko kay mama na gusto kong umuwi dahil natakot ako dun sa nangyari -,-. kaya pinatransfer niya si bro para may kasama ako)
Tulog na yung lola ko (sa first floor ng bahay). mga bandang nine na yun ng gabi."Ngyeeh!" - bulalas ko pa nun nang makitang may lalakeng tumakbo papunta dun sa poste ng bahay na may salamin. Nakaside view siya at yung paa lang ata ang nakita ko nun.
AKALA ko talaga tito ko yun.(Close kami nung tito kong iyon. lasinggero yun kaya hilig magbiro. kaya nabanggit ko yung 'Ngyeeh')
Nagtaka ako nung hindi ko siya nakita na lumagpas dun sa poste.Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko at naiyak talaga ako sa takot nun.
___
Naalala ko pa nun nung naghugas ako ng plato tas brown out sa min. Kahit alas syete palang ata yun ng umaga ay madilim pa din sa kusina.Naghuhugas ako nun. tas naramdaman kong may naglakad sa likuran ko.
Akala ko lola ko yun tas may tinanong ako nun sa kanya. Sinabi ko pa nga sa isip ko na snob si lola dahil hindi man lang ako sinagot. Pero nagulat ako nung wala naman akong nakitang nagpatuloy sa paglakad.
Nung mga oras pala nun ay nasa cafe' si lola at nagbabantay dun.
___
May cousin akong may third eye.Sa dami na atang nakikita niya ay nasanay na siya kaya hindi na siya ganun natatakot.Nagpunta siya dito sa bahay ng lola ko/namin. May pinakita siya sa aking pictures na nakuha niya sa tacloban. Pinapakita niya yung nakuha niya gamit yung digi cam.
Sinasabi niyang tignan ko daw yung babae sa picture, kaso hindi ko naman ata maintindihan yung nakuha niya.
Sa pangalawang picture, nanindig talaga ang balahibo ko dahil naaninag ko na yung gusto niyang ipakita. Parang mukha yung naaninag ko. Hindi ko masyadong magets nung una pero pina-intindi sa kin ni kuya Dyrk yung mga bahagi nung mukha. Mukha siyang usok na ewan pero pormado yung hugis ng mukha.
(Hihingi sana ako ng copy nung picture para ipost yun dito para pruweba kaso nasa gf niya yung digi cam. Hindi naman kami close nung GF ni kuya Dyrk dahil medyo suplada daw yun, though hindi ko pa yun nakita sa personal)__
Yung Story #3 po,kwento po iyon ng cousin ko na kapatid ni kuya Dyrk. Silang magkaptid po ang tinutukoy ko sa storyang iyon. Walang third eye si ate N (cousin ko na kapatid ni kuya Dyrk), wala din siyang pakealam sa mga multo-multo na iyan kaya nagtaka talaga siya bakit nangyari yun sa kanya.HINDI PO TOTOO YUNG ENDING nung story #3. gawagawa ko lang yun. PERO totoo po yung sa simula hanggang sa nakita niya yung phone niya at may something siyang naririnig sa kwarto ni kuya .
___
Iyan lang muna ang maibabahagi ko na nangyari sa totoong buhay :). Saka ko na lang isha-share yung iba.Hindi ko naman sinasabi na maniwala kayo. Kahit ako nung una, nag d-doubt ako kung totoo ba sila.
Just don't forget to pray fellas~ ;)