Story #2

187 8 5
                                    

A/N: Dedicated kay Trafalgar7. Siya kasi ang nag tulak sa kin na gumawa ng horror story xD hahaha.

----------

Ako Si Ella. Isang active na Girl scout sa school namin. Lagi akong sumasali sa mga GSP camping simula nung nasa elementarya pa lang ako. Pero... Hindi na ngayon.

-----*****----

"Guys! Ang tawag sa laro natin ay 'meet friends in the dark'!!'-sigaw nung troop leader namin. Wala kasing mic. Nakita ko naman sa mga mukha ng mga kasamahan ko na excited sila sa larong ito. Hindi pa ako nakalaro into but I think masaya to. 9:00 na ng Gabi at nandito kami sa gym. I'm a grade 8 student at school camping pa lang tong sinalihan ko. September pa kasi ngayon, at sa susunod na camping ay sasali syempre ako xP.

"Ito lang ang gagawin niyo. Magdecide kayo kung anong animal sound ang sa grupo niyo pagkatapos ay ibablind fold niyo ang sarili niyo. Ipaghiwa-hiwalayin namin kayo kaya dapat niyong hanapin ang isa't isa gamit ang tunog niyo okay?. Pag nakompleto na kayo isigaw niyo yung yell niyo kanina."

Napagdesisyunan namin ng grupo ko na 'sssss' na lang yung samin. Ewan ko ba sa kanila kung bakit yun ang pinili nila. Hindi naman masyadong maingay yung 'ssss' tsaka baka magtalsikan yung laway ko mamaya >.< ...

Nagblindfold na ako gamit yung neckerchief at hinila na ako nung isa sa mga troop namin at dinala sa hindi ko alam kung saan. Nagplay yung music na 'Fur Elise' ni Ludwig van Beethoven kaya nagsigawan naman yung iba. Nakakatakot kaya yung background music.

"Start!"

"Sssss"-tawag ko sa mga kagrupo ko. Maingay na ang paligid ko. May mga 'aw-aw' 'oink-oink' 'quack-quack', tunog ng kambing at iba pa.

"Sssss-ssss"- tuloy pa din ako sa paglakad. "Sssss" lakad lang ako ng lakad at di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Sssss-sss"-agad akong na alarma nang may narinig akong nag 'ssss' malapit sakin.

"Sssss-sssss-ssss"-lumapit ako sa kinaroroonan nung tunog na iyon habang kinakapa ang nasa paligid ko....

"Ssss-ssss"-sinundan ko yung tunog na iyon. ba't parang walang katapusan tong paglalakad ko?. Hindi ko pa kasi mahanap ang nagmamay-ari ng tunog na iyon.

"Sssss-sssss"-tawag ko. Hindi parin ako tumigil sa paghanap at pagsunod sa tunog na iyon. Lakad lang ako nang lakad.. At feeling ko, malayo na ang narating ko kasi mahina na yung naririnig kong background music.

Nang maka-ilang lakad na ako ay hindi ko na narinig yung background music. Hala. Baka tuluyan na akong nakalabas ng gym?- Hindi. baka natapos lang yung music kaya in-off na.

Hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad lalo't tatlong tao na yung naririnig Kong mag 'ssss'.

"Ssss,sssss---"-bigla akong napatigil nang may nahawakan along matigas na magaspang na bagay. Parang puno...-- agad Kong tinanggal yung blindfold ko. Pumikit-pikit ako para maadjust ko yung mata ko sa dilim. At laking gulat ko nang makitang katapat ko ngayon ang isang acasia tree. WTF, bakit ako napunta dito sa likod ng school, eh ang layo-layo nito sa gym.--teka, yung mga kagrupo ko. Baka na panu na sila.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Puro puno lang ang nakikita ko. Panu ko sila hahanapin sa ganitong ka dilim na lugar?

"Ssss.."-nang marinig ko yun ay hindi kagalakan ang naramdaman ko kundi takot. Lumingon-lingon pa ako kung may makita ba akong kagrupo ko pero wala. Baka nasa malayo yung mga kagrupo-- kung nasa malayo sila, bakit ko sila naririnig?.

"Ssss.."-hindi ako gumalaw sa kinatatyuan ko dahil sa takot. Papalapit yung tunog. Papalapit hanggang sa mangiliti yung tenga ko dahil sa lapit nung tunog.

"Samahan mo ako..." Naluluha na ako sa takot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang bulong na iyon. Bulong ng isang babae na nakakapagpatindig balahibo. Kahit hindi ako gumagalaw ay nararamdaman kong kusang gumagalaw yung ulo ko patalikod kahit ayaw ko. Hindi ko namalayang kaharap ko na ang isang babaeng naka puti. Isang babae ... Na kamukha ko, ngunit nakakatakot yung itsura. Parang lalabas na yung maiitim niyang ugat sa mukha niya at dilat na dilat pa ang kanyang mga mata na parang lalabas na yung eyeballs.

"Samahan mo ko..."

"Samahan mo ko...."

"SAMAHAN MO KO SA KAMATAYAN!!!!!!"

Nagising ako mula sa panaginip ko. Hingal na hingal at pinagpapawisan. Nakakatakot yung panaginip ko. Halos mapatalon ako nang biglang bumukas yung tent.

"Anyare sayo?"-nagtatakang tanong ni Myge habang may kagatkagat na pandesal.

Umiling lang ako bilang sagot. Ano nga ba yung panaginip ko?

"Hali ka na, magsisimula na yung game."-sabi niya saka umalis.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko at di ko alam kung ano ang dahilan. Sumunod na lang ako kay Myge at pumunta sa line namin. Nagsalita lang nang nagsalita yung troop leader namin pero hindi sa kanila nakatuon yung atensyon ko kundi doon sa babaeng nakangiting nakatingin sa akin mula sa bleachers.

Napalingon ako sa troop namin na nagsasalita sa harap. Nararamdaman kong may hindi kaaya-aya ang mangyayari. Parang may hindi magandang kalabasan ang laro namin ngayon.

"Guys! Ang tawag sa laro natin ay 'meet friends in the dark'!!"

=====================================================================

A/N: Pasensya kung panget >.<... first time kong sumulat ng horror story.

Pero kung nagustuhan niyo to... pwede niyong i-vote ^w^V (hindi ako namimilit)

Kung may hinanaing at gusto niyong magsalita tungkol sa story na to... Wag kayong mahiyang mag comment. (Hindi po tayo pinagkaitan ng karapatan xD haha)

At saka pag trip niyong basahin din ang iba kong story edi basahin niyo. (But don't hate me if hindi ako kagalingan gumawa ng story)

Kung naghahanap pa kayo ng mga horror story. Basahin niyo yung 'creepy bed time stories' ni Trafalgar7 at yung mga kwento din ni kuya_soju. (Ang galing nilang gumawa ng horror stories. Promise! Hindi kayo magsisisi)

Update ako ng kasunod na story pag medyo marami na ang vote :DDDD

#Sehurenn

You're Not AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon