I'm Yrco, isang grade 9 student... Kasama ko ngayon ang girlfriend ko, si Carla. Naghahanap kami ng mga CD na Horror para panoorin. Dahil sa parehas naming pagkahilig dalawa sa usaping nakakatakot eh kaya siguro ako nahulog sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi dahil maganda naman talaga siya kahit hindi man napapansin ng iba.
Lumapit si Carla sa matandang babae na nasa gilid na may panindang CD. Nakakaawa yung matanda dahil wala pang suot na tsinelas. Ang baho pa niya at mukhang ilang araw ng di naliligo.
"Aircon! eto kaya?" - itinapat ni Carla sa mukha ko yung napili niyang CD.Tsh, ba't ba lagi nalang niya akong tinatawag na aircon eh Yrco naman ang pangalan ko.
Kinuha ko yung CD..Plain black lang naman ito, walang anong cover na pagtutungkulan ng storya.
Kumunot-noo ako habang tinitignan siya nang nagtataka.
"Anong klaseng palabas ito? Porn ba 'to?" - biro ko.
Hinampas niya naman ako sa braso. Hindi naman masakit dahil matigas ang pangangatawan ko at payatot tong kasama ko :P. Nakita ko pa siyang namula habang iniiwas ang tingin sa kin. Kyot!"Perv! di no!... maganda daw tong palabas na 'to sabi ni Ale"
Umiling-iling na lang ako. Ang dali kasing utuin nitong kasama ko. Pero binili na namin yung CD dahil nagpumilit eh .. Parang sa kutob ko hindi talaga maganda ang laman nito o kaya porn pala to kaya walang pang cover ang sisidlan ng CD at plain black lang. Bahala na!
Nakasalubong namin si Myge na binigyan din naman kami ng makahulugang tingin.Tumango lang ako habang inaakbayan ang babaeng kasama ko saka pinakita kay Myge yung CD na nabili namin. Ewan ko kung namalik mata ba ako o ano. Nakita ko kasing nag-iba ang timpla ng hitsura niya pero agad din naman niyang binawi saka ngumiti at lumapit sa kinaroroonan namin.
"Hi! bumili na naman kayo?" - Napatingin ulit si Myge dun sa hawak kong supot na nilagyan nung CD.
"Ah oo. Ito kasing makulit kong girlfriend natapos na yung pinanood niyang palabas."
Tumango naman ang kausap ko. Naging seryoso yung mukha niya. "Huwag niyo sanang panuorin yan.."
Magtatanong pa sana ako nang biglang sumingit si Carla.
"Excuse me ha, huwag ka sanang makealam sa gagawin namin." Umirap si Carla habang nakacross-arm. Inawat ko siya at humingi ng pasensiya sa kaibigan ko.
"Sinasabi ko lang..." Ang huling binanggit ni Myge saka umalis na.
"Aray!" Hinihimas-himas ko ang tagiliran ko matapos siko-hin ni Carla.
"Sinabihan na kitang ayaw ko sa babaeng iyon pero pinapakisamahan mo pa din" Nanlilisik na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kin. Selosa talaga...
Itinaas ko ang dalawa kong kamay "Chill! hindi na mauulit"
Inirapan lang niya ako saka di na pinansin. Selosa talaga kasi 'tong babaeng to kaya nakakatakot makipagkaibigan sa iba.
---
Nang mag 9:00 na ng gabi ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at in-on ang aking TV. Wala pa ang mga magulang ko at nasa baba ang mga maids namin na maaga namang natulog kaya medyo tahimik dito sa bahay.
Ipinasok ko na yung CD sa DVD player.
Balak sana naming sabay na panoorin ito ni Carla kanina kaso na badtrip ata siya kaya umuwi ng maaga.
Nagsimula na yung palabas. Tutok na tutok ang atensyon ko sa TV.
Nakakagulat dahil wala man lang introduction at diretso na mismo sa mga scenes na nakakatakot.
Sa unang scene ay may babaeng ilang araw ng naging balisa. Naging weird ang mga galaw niya. Nagwala siya habang nagsisigaw. Marami ng pumipigil sa kanya ngunit tumaob silang lahat dahil sa lakas na taglay ng dalaga. Naging malalim at boses lalaki ang boses nito. May mga pari ding nagsidatingan. Umiiyak yung mga tao sa paligid nito habang binabanggit ang pangalang 'Aya'--
Teka, namumukhaan ko siya! Schoolmate ko yan na namatay kumakailan lang. Kawawa pala talaga siya dahil sa sinapit niya.
Pinagpatuloy ko ang panonood.
Tumatawa na si Aya habang may lumalabas na dugo sa bibig niya. Biglang nagsigawan ang mga kamag-anak nito nung lumipad sa ere si Aya. Nabasag ang mga salamin kaya napayuko yung ibang taong nanonood. Dumikit si Aya sa dingding habang yung mga bubog ng salamin ay nakatusok sa buong katawan niya...
Alas diyes na ng gabi at marami na din akong nakitang iba't ibang senaryo ng iba't ibang tao sa aking pinapanood. Nakakapagtaka dahil halos kilala ko yung mga taong napanood kong namatay sa bawat senaryo. Hindi ko mapigil ang sarili ko na huminto sa panonood at hindi ko alam kung bakit.
Biglang naturn-off yung TV. - Kahit lalake ako ay nakakaramdam din naman ako ng takot-
Dahil sa wala namana akong magawa at masyado ng gabi, Natulog na lang ako.
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng kaluskos. Nagising ang diwa ko ng mag-on ulit yung TV pero qala namang ibang palabas kundi isang blanko na kulay abo. Bumangon ako't in-off ito. Alas tres na pala ng umaga.
Bumalik ako sa pagkakahiga at sinubukang matulog ngunit napagitla ako nang marinig ko ulit yung kaluskos. Galing ito sa labas ng bintana.
Bukas yung bintana, nakakapagtaka dahil sarado naman ito kanina.
*Blag*
*Blag*
*Blag*
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan. Malakas yung pagkatok-- mukhang hindi na nga ito katok dahil parang hinahampas na ito sa lakas ng kalabog. Parang pwersahang binubuksan yung pintuan.
Lumapit ako dito at agad na binuksan yung pinto.
Walang tao...
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. May pumapasok na kasi sa isip ko na kung anu-ano na nakakapagtindig balahibo. Bunga siguro to ng kapapanood ko ng mga nakakatakot na palabas.
Iniwaksi ko na sa aking isip ang mga panget na imahinasyon. Ang dami kong naiimagine sapagkat sa tagal ko ng nanonood ng mga horror movies ay may nangyayaring ganito.
Sinarado ko na din ang bintana saka humiga na sa kama. Hindi na ako muling dinalaw ng antok at nakatitig lamang ako sa kisame. Naka-ilaw ang lampshade na nasa gilid ngunit ilang minuto ang lumipas ay bigla itong napundi nang hindi ko ginagalaw.
Naka-boxers lang ako at randam ko na ang lamig na bumabalot sa katawan ko. Parang may umiihip na hangin sa leeg ko.
Sinubukan kong bumangon ngunit parang na paralisa ang buong katawan ko't hindi makabangon. Kahit daliri ko'y di ko magalaw. At parang patagal ng patagal ay nahihirapan na ako ng huminga.Pumikit ako't nagbabaka-sakaling magising ako sa panaginip na ito ngunit pag gising ko'y tuluyan na talaga akong nabalot ng takot.
Dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana ay naaninag ko ang nilalang sa harap ko na nakadagan sa 'kin. Maitim na tao na may nanlilisik na pulang mga mata ang nakapatong sa kin. May sungay ito at mahahaba ang kuko.Sinakal niya ako at binaon ang kanyang mga kuko sa leeg ko habang nakangiti.
Gusto kong sumigaw ng tulong ngunit hindi ako makapagsalita. Gusto kong umalis sa kinalalagyan ko ngayon ngunit sadyang may pumipigil sa akin.
Hirap na hirap na talaga akong huminga ngunit di ko pa rin inaalis ang tingin ko sa demonyong nasa harap ko.
Dahandahan niyang inilapit sa tenga ko ang mukha niya.
"Sssssshhhhh"
________
A/N: Oh ayan! may bagong update na.. sensya kung panget xD. May part 2 pa to.
I wanna say 'Hi' to Trafalgar7 :D haha. Basahin niyo stories niya guys, maganda talaga! Promise!