"Yung totoo kuya, Nag d-drugs ka ba?"-tanong ni Aya sa kuya Archie niya. kanina pa kasi ito palakad lakad at Hindi mapakali. Papasok sa kwarto niya tas mayamaya Ay lalabas din naman agad. Gumagawa ng visual aid si Aya para sa report nila bukas kaso Hindi siya makapagconcentrate dahil sa kuya niya.
Hindi siya sinagot nito at muling pumasok sa kanyang kwarto.
'bastos yun ah =__=' --
/$#&%"@nyems
Halos atakihin sa puso si Aya nang sumulpot na naman ang kanyang kuya as kanyang tabi.
"Problema mo?!" -naiinis na tanong ni Aya.
"May mga tao sa labas.... tingnan mo.."
sinunod naman ni Aya ang sinabi ng kanyang kuya at dumungaw sa bintana at pagkatapos ay itinaas ang isang kilay.
"=__= wag mo nga akong utuin, busy ako."
"Seryoso ako Aya"
"Sako lang yang nakikita mo. napagkakamalan mo lang tao" - Hindi na maiwasan ni Aya ang kilabutan dahil as ginagawa ng kuya niya. Marami na siyang kwentong naririnig sa kanyang kuya tungkol sa mga nakikita nito na Hindi nakikita ng karamihan sa mga tao. Lagi daw kasing nakabukas ang third eye nito. Ngunit, nag d-doubt pa rin siya sa existence ng mga nilalang-daw-na-Hindi-niya-nakikita.
"Hindi, yung sa likod ng mga sako na yan"
pilit na inaaninag ni Aya ang direksyong itinuro sa kanya ni Archie ngunit sa medyo madilim na bahaging iyon ay mga sako ng bato long talaga ang nakikita niya.
"Sabihan mo sila mama.."-utos ni Aya sa kanya
"Ayaw nga nilang maniwala sa kin"
10 years old palang nung unang nakakita si Archie ng mga ganung bagay na Hindi kapanipaniwala. Mga magulang nito ang unang sinabihan niya ngunit hindi ito pinansin ng kanyang mga magulang. Hanggang sa lumaki si Archie Ay kahit ano-ano na ang nakikita niya kaya nasanay na siya sa mga ganito. Sinasabihan niya lang ang kapatid niyang si Aya sa mga nakikita niya para maginga aware daw ito.
"Eeehh! kaya nga ayaw kitang kasama eh!, lagi nalang akong kinikilabutan!" -naiinis na bulyaw ni Aya Kay Archie.
tumawa lang si Archie at isinuot ang headphones nito saka natulog na sa salas.
Napailing nalang si Aya sa kanyang kuya. Ayaw kasing matulog ni Archie sa kwarto nito dahil may kung ano daw siyang nakikita't naririnig. Sa lahat ng kwento ng kuya niya ay wala siyang pinaniwalaan at nakikinig lamang siya sa mga sinasabi nito. Sa tingin kasi ni Aya ay tinatakot lamang siya ng kuya niya.
..
dalawang araw ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon...
Nakahawak ng gitara si Archie habang ang girlfriend naman nitong si Louise ay kumakanta.
*bababababanana*
napatigil ang magkasintahan nang tumunog ang cellphone ni Louise na nasa Kama na.
agad naman itong kinuha ni Louise at nagtaka ito nang makita ang nasa screen ng phone niya.
[ incoming call.... Archie ]
tiningnan ni Louise ang kasintahan niya na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kanya..
"Bakit?" -tanong naman ni Archie.
"Paano kaya nangyari gun?"
"Ang alin?"
"Eh kasi nakatanggap ako ng tawag galing sa number na nakarwgister sayo pero magkatabi lang naman ang phone nating dalawa."
Naguluhan naman si Archie sa sinabi ng girlfriend at tiningnan ang phone nito , sa kanya nga nakapangalan ang number na tumatawag sa girlfriend niya. Tiningnan niya ang cellphone niyang normal lang na nakapatong sa kama.