Que Serà Serà

187 10 0
                                    

Isang mahabang katahimikan. Nag aagawan ang liwanag at ang dilim. Malakas na ihip ng hangin. Tanging kaluskos lamang ng mga nagsasayawang dahon mula sa mga malalaking puno at huni ng nag aawitang ibon ang maririnig sa paligid.

"I wonder if while you were traveling in the diurnal path of your life, have you ever stumbled upon a hidden hole of the universe?"

Tinuon ko ang tingin sa babaeng nasa harap ko. Sumasabay sa ihip ng hangin ang kaniyang kulay uling na mahabang buhok at suot na floral dress. Kahit nakatalikod siya sa akin kitang kita ko ang perpeksyon. No, she's beyond perfect.

Dahan dahan siyang tumingin sa kalangitan kung saan wastong nagkalat ang mga kulay rosas, dilaw at kahel.

"Have you ever thought... if death wanted to live too?" malamyos niyang tanong habang nakatingin sa langit ng kawalan. "If emptiness aims for fulfillment? How 'bout if broken things cry to be mended?"

Nanatili akong hindi sumasagot habang tahimik na pinupuri ang lahat sa kaniya.

"Que Serà, Serà... Whatever Will Be, Will Be," dahan dahan siyang natawa na tila ba ay may naalala siyang bagay o pangyayari.

Bakit masyadong siyang perpekto sa mga mata ko? Walang duda, isa siyang tula. Isang buhay na tula...

"Sa tanong mo... Oo..." Dahan dahang siyang humarap at diretsong tumitig sa aking mga mata. Inilagay niya sa likod ng tenga ang mga takas na buhok na humaharang sa kaniyang maamong mukha. "Oo ang sagot ko..." malamyos niyang sambit kasabay ng ngiti niyang nagpaibig sa akin.

... at sa akin siya tugma.


; 🌼🍂

Whatever Will Be, Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon