"Hey, what are you thinking?"
We were heading out of the campus. Hindi lahat ng mata nasa amin pero may ilang pares pa rin ang nakatingin that makes me I feel uncomfortable.
"Kung gaano ka kawalang hiya," pinanlisikan ko siya ng mata. "Alam ko namang makapal mukha mo pero hindi ako aware na sobrang kapal pala talaga."
Nakipaglaban siya ng titigan sa akin nang bigla siyang tumawa.
"What?"
"Buong akala ko maganda ka lang 'pag nakangiti ka," umiling siya. "Maganda ka pala talaga."
Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya. Suddenly my ear becomes warm. I felt the heat rising on my face.
"Para kang tanga," sabi ko at binilisan ang bawat hakbang palayo sa kaniya para maitago ang namumuong ekspresyon.
"Hey, wait for me!"
I heard the sound of his footsteps quicken up as well.
"I thought this would be awkward," sabi niya nang maabutan ako. "I guess we're really that compatible with each other, huh? Mukhang 'di tayo dadaan sa awkward stage, Engineer."
I rolled my eyes. "Hindi mo alam kung paano mang-asar 'yong mga babaeng 'yon," naisatinig ko ang kanina pa gumugulo sa akin.
I will never forget their shocked faces earlier. Kung gaano man ako kagulat kanina, mas lalo na sila. Pero ang hindi ko makakalimutan ay iniwan nila ako kay Wren!
"Bakit naman?" he chuckled.
Who would have thought na iyong sinabi kong hindi ko close sa personal at sa Facebook ko lang kaibigan ay nasa harap na ng pinto?
"I told them we're not close! I mean, we're not really close personally... hindi ba?"
"Hmm, how 'bout this?" bigla siyang lumapit sa akin. Sakto lang para magkalapit kami pero hindi magkadikit. "Ayan, we are close now. Is this close enough?"
I gently pushed him away. "Ano ba 'yan, para kang tanga."
Lumayo siya ng bahagya habang marahang tumatawa. "Hindi mo pala ako nakukwento. Si Markian, he knows about you."
I felt a sudden pinch somewhere inside my chest. Hindi ko alam kung bakit.
"Nakuwento rin naman kita," I twirled my hair. "I told them we're friends... "
"Hmm?"
"sa Facebook."
Sa Facebook lang naman talaga kami friends. Honestly, iyon lagi ang sinasabi ko kasi even ako hindi ko alam. Hindi ko alam kung magkaibigan ba kami.
He laughed out loud. "Kikiligin na sana ako, ampota. Parang gusto na tuloy kitang i-unfriend, Engineer. Hindi ko tanggap na hanggang friends lang tayo."
"Wren!"
Bago pa man ako makapagreact ay may tumawag sa kaniya sakto pagkalabas namin sa gate ng Campus. Grupo sila ng mga estudyante, babae at lalaki. Nakasuot pa sila ng uniporme at mukhang kagagaling lang din sa kanilang eskwelahan at dumiretso lamang dito.
They immediately went to Wren and exchanged greetings afterward. Some of the boys hugged him in a manly way, ang ilan ay tinapik niya ang balikat at sa mga babae naman ay nakipaghigh fives siya.
"Oy, bakit kayo nandito?"
"Nagyaya si Markian sa inyo raw."
"Siraulo talaga 'yon," napasapo siya sa batok. "Sige, una na kayo sa bahay," matiim siyang tumingin sa akin. "May ihahatid pa 'ko."
BINABASA MO ANG
Whatever Will Be, Will Be
Dla nastolatkówSLICE OF LIFE SERIES # 1 Ang tula at ang manunula.