Nagkalat ang puting ulap sa bughaw na kalangitan. Tumatama sa balat ko ang sinag mula sa haring araw. Panibagong umaga. Panibagong pag-asa.
Hindi 'to tama. Bakit ganon? I don't know why I'm feeling this way. Nakakaramdam ako ng pagod. Nakakapagod. Paulit ulit na lang ang mga nangyayari. Walang bago. Babangon para pumasok at papasok para umuwi.
Napapagod din kaya ang araw magbigay ng liwanag araw araw? It has no life, but it bears a heavy obligation. It is responsible to shed light on humanity.
"Jazzleeey!"
Lakad na patakbo kong tinungo ang pila ng section namin at sumingit sa mga kaibigan ko. Binaba ko ang suot na backpack sa sahig.
Friday. Huling araw ng eskwela sa linggong ito. Medyo hinihingal, inikot ko ang mata sa paligid. Magulo ang field dahil sa dagat ng mga estudyanteng tila naghahanapan.
"Akala namin hindi ka papasok!" salubong ni Ollie sa akin.
"Okay ka lang? Ngayon ka lang nalate ha, bakit?" si Tasha.
Tinawanan ko lang sila. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam. Dahil gusto ko ng pagbabago? Dahil nakakasawa na ang paulit-ulit?
"Ano ba, syempre okay ako no! Nalate lang ng gising kanina saka nagcommute ako ngayon," pagsisinungaling ko. "Hindi kasi pumasok si Mommy dahil nilalagnat si Jazver."
How ironic, I used them as an excuse to Mommy, and I used Mommy as an excuse to them as well. I feel a crept spark of guilt in me. I am guilty not because I lied, I am because I knew they believe in my falsehoods. They don't deserve to be deceived.
May lagnat si Jazver pero pumasok sa work si Mommy. She has to work. Si Nana Martha ang nagbabantay ngayon sa kapatid ko. Lagi namang ganon. Walang bago. Sinabi ko kay Mommy na late ang start ng class today at dadaanan ako nila Tasha sa bahay para hindi na talaga niya ako maihatid.
But the truth is, these days I just want to be alone...
Alam kong kahit konting pagdududa hindi nila ginawa. Sino ba naman kasing hindi maniniwala? Sa tagal naming magkakaibigan, alam nilang big deal sa mga Waje ang oras. Alam nilang big deal sa amin ang pagiging late. Alam nilang hindi kami kailanman nalate without valid reasons. Being the cause of the delay is not our family's cup of tea.
Ever since I was a kid, it was imprinted on my mind that time is gold. It might sound cliché but we firmly believed in that quotation. Time is a gem. Every tick-tock of the clock is precious. However, indeed we don't know what tomorrow holds. Isang araw, I woke up feeling so exhausted with these routines. Gusto ko ng pagbabago sa mga nakasanayan ko.
"Nasa'n si Gayle?" pag-iiba ko ng usapan.
"Kasama siya sa magdoxology ngayon," itinuro ni Tasha ang stage na sinundan ko naman ng tingin.
After a couple of minutes, nagsimula na ang flag retreat ceremony. The flow of the ceremony went smooth. Maingay sa part ng mga Senior High School dahil sa mga usapan tungkol sa nalalapit na foundation month ng aming paaralan. Kung saan kami ang magiging mga punong abala dahil sa kami ang mga ate't kuya. Matapos ang ilang mga announcement ay pinapunta na kami sa kani-kaniyang mga classroom.
Nararamdaman ko na ang foundation month. Nagsisimula na ang mga araw na walang regular classes. Tulad ngayon, this day was allotted for us to prepare.
Sa darating na Lunes ay siguradong magiging abala na ang lahat dahil sa mga events. Dahil sa ingay ng mga lalaking classmates kong naglalaro ng online games sa likod, kung saan sila madalas pumwesto, napagpasyahan naming maghanap ng isang tahimik na lugar. And when we say peaceful space, what we meant is the library.
BINABASA MO ANG
Whatever Will Be, Will Be
Подростковая литератураSLICE OF LIFE SERIES # 1 Ang tula at ang manunula.