QSS : 04

135 7 2
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na binasa ang nakasulat sa sticky note. In fairness, he has good and neat penmanship.


May paraiso sa dulo ng hangganan :)


I sighed. Meron ba talaga? Siguro nga meron, kapag naniwala ka.

Kinalikot ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan sa Messenger.

"Tasha, mamaya na bebe time. Saglit lang 'to. One or two?" bugad ko nang sagutin niya.

"Jazzley, ano na naman ba 'yan?"

"Dali na kasi! One or two?"

"Two!"

"Bakit two? Dapat one!"

"Nagtanong ka pa! Edi one!"

"Pero two pinili mo eh! Ang panget mong pumili! Sige na nga, bye! Salamat at nabuhay ka. Balik kana sa bebe mo, 'di na kita kailangan."

"Ang panget mo, Jazzley. Sana h'wag kang mamatay."

Napako ang tingin ko sa mga bituin sa kisame matapos ang tawagan namin ni Ivy. Gulong gulo na 'ko. She chose two. Bali bukas na lang ako magpapasalamat personally? Argh! Parang hindi tama. Ngayon ibinigay kaya dapat ngayon ako magthank you!

Dahil 'yong two ang pinili niya, 'yong one ang gagawin ko! Tama! Ganoon na lang! Ngayon na ako magpapasalamat. Parang nakakahiya kasi kapag ipagpapabukas ko pa. Magpapasalamat na lang din ako bukas sa kaniya sa personal.


Jazzley

Wren, thank you sa book and water. Hindi kita nakita kanina noong uwian. Tomorrow ko na lang ibalik 'yung tumbler mo ha. Salamat.


I sent the message. It was the first message in our convo on Messenger, at sa'kin galing 'yon. I would be lying if I said it wasn't a big deal to me. Kase oo, sobra. Kung pakiramdam ko hindi necessary na magchat ako sa isang tao,  hindi ko gagawin. As an old-fashioned woman, nakararamdam ako ng hiya. Hindi ako sanay. This wasn't me. Para kasing nagfirst move ako, which wasn't my thing.

When I was about to thank him on Instagram right after I got home, I was surprised when I found out his account has been deactivated. Unfortunately, this uncertainty left me no choice but to think of how would I give my gratitude towards him. And I ended up with two options. Ang una ay imemessage ko siya sa Messenger at ang pangalawa naman ay bukas na 'ko magpapasalamat sa personal.

My gosh self, magpapasalamat ka lang! Nothing less, nothing more. Over acting ka masyado! Ikaw lang nagbibigay ng malisya! And besides, we're living in the 21st Century where men and women could do the same thing regardless of their gender.


Wren

No worries, Engineer. Anytime will do. So, how's the book?


He replied immediately!


Jazzley

I haven't begun reading yet. I'll return it to you as soon as I've finished reading it. 


Wren

 oks cg3 : )))))))))))

Kidding HAHAHA ang formal mo naman kasi masyado, Engineer. Eh aq laNgzx nam4n i2.

Whatever Will Be, Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon