wren_santiago started following you. 1m
Hindi ko pa man nababawi ang diwa sa pagkagulat ng pagvibrate ng cellphone ko, muli akong nagulat at naguluhan sa nabasa.
He didn't just follow me. He even sent a message request!
--
wren_santiago
Wren Eli Santiago • Instagram
370 followers • 29 posts
You both follow jxelyyyn and 73 others
View profile
6:23 pm
Yup, Engineer. Kumain na ako.
Accept message request from wren_santiago (Wren Eli Santiago)?
If you accept, they will also be able to video chat with you and see info such as your Activity Status and when you've seen messages.
| Block | Delete | Accept |
--
Ha? Teka, ano raw? Wren? Sino ba 'to? Followed nila Joelyn at ang dami naming mutuals. HUMSS kaya 'to?
Tinitigan ko ang icon niya. Nakatalikod siya sa camera. Ang anggulo ng pagkuha ng larawan ay sakto para makita ang liwanag dulot ng iba't ibang kulay ng paputok sa himpapawid na nagsilbing ilaw ng gabi. Without hesitation, I clicked the view profile button.
wren_santiago
29 posts - 370 Followers - 263 Following
Wren Eli Santiago
Magiging kinatawan ng batas sa mga susunod na bukas ; ⚖️
Kinatawan ng batas? Ah, mag-abogado. HUMSS nga siguro.
His feed wasn't organized. May bulaklak. Sapatos. Scenery. Cup of coffee. Wala ba 'tong mukha?
Meron naman siyang mirror selfie pero natatakpan ng cellphone niya at ng kamay ang babang parte ng mukha. Hanggang dibdib lang ang kuha non. Black and white at medyo blurred pa. He was shirtless pero may maliit na towel na nakapatong sa balikat niya.
I continued stalking him. 29 posts, hindi naman marami pero nalibang akong isa-isahin. Some of his photos are aesthetically pleasing.
Naagaw ang atensyon ko ng huling picture na naroon. This was the first photo he posted on Instagram. "Blessed." caption nito. Apat na tao ang naroon. Dalawang bata, a high school-looking girl and a boy who looks a few years younger. Dalawa ring matanda, who I think are both middle-aged and they seem to be married. It was a candid shot, nakapatong ang babae sa balikat ng matandang lalaki at ang batang lalaki naman ay nakayakap sa binti ng matandang babae. Bakas ang tuwa't ligaya sa kanilang mata't labi. Larawan ito ng masayang pamilya.
Itinuon ko ang pansin sa batang lalaki. He smiles genuinely and I find it cute. His eyes were mesmerizing. A bit familiar. Teka? Naalala ko na! Kasama siya nila Joelyn kanina!
BINABASA MO ANG
Whatever Will Be, Will Be
Fiksi RemajaSLICE OF LIFE SERIES # 1 Ang tula at ang manunula.