PIYESTA NG PAG-ASA
MARGAUX THALIA's POV
Grabe napanganga talaga ako sa nakikita. Naging magical bigla ang paligid. Napakakulay at may mga nagliliparang mga alitaptap. Seriously? Nakakamangha, nag aagaw na ang liwanag at dilim. Dapithapon na pala pero hindi ako napapanglaw.
Lalo at tanaw mo ang paglubog ng araw. Ninanamnam ko ang bawat scenery. Hindi ko maialis ang mga mata ko lalo sa sunset. Nagpapahila lang ako dito kay Ramiya kung saan niya ako dadalhin. Magsisimula na raw ang parada at nasa unahan ako.
"Prinsesa, Prinsesa!" Napahinto ako sa pagdidaydream ng kulbitin ni Ramiya.
"Hmm?" Tanong ko.
"Nandito na tayo. Magsisimula na!" Nakangiti niyang tugon.
"Ganon ba? Sige umpisahan na natin" ganti kong ngiti.
"Kung ganon ,dahil ikaw ngayon Prinsesa ay isang lakambini, pinapahintulutan na kitang samahan ang iyong lakan!" Kinikilig niyang pagsasabi sa akin. Napawi bigla ang mga ngiti ko. Lakan? Aking lakan? Masama ang kutob ko. At hindi nga ako nagkamali. Dahil sa dulo ay natanawan ko ang isang napakagwapong nilalang na tila kanina pa ako iniintay doon.
"Asmir?" Halos hindi ko rin siya nakilala. Oh my gosh. Mukha siyang prinsipe sa suot niya.
"Halika na!" Inalalayan akong muli ni Ramiya papunta kay Asmir na nakangiti. Kinabahan ako. Nakatingin ang lahat sa akin. Masaya silang pinapanood ako.
"Lakambini Thalia!" Agad na bati ni Asmir sabay luhod. Yung pang Prinsipe na lubod ha. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Para namang nakuryente ako sa ginawa niya.
Hoy Asmir, required bang halikan ang kamay ko ha? Umayos ka!
Nagsimula na ang parada. Sa totoo lamang ay hindi ka mapapagod dahil lilibot ka lamang sa kalsada nila na ang tantya ko ay aabutin lamang ang kabuuang haba ng 100 meters.
"Ang ganda mo naman, Thalia" bulong ni Asmir. Wow, mabuti at medyo madilim na kaya hindi halatang nagblush ako.
"Well, dati na akong maganda no?" Pag aangas ko.
"Alam ko. Pero mas maganda ka ngayon!" Segunda niya. Wahh. Ano ba naman itong lalaki na ito. Kelan pa siya naging straighforward ha?
"Eh ako Prinsesa? Anong masasabi mo sa akin bilang iyong lakan?" Tila excited niyang tanong. Medyo umiwas ako ng tingin. Anong sasabihin ko?
"Ayos lang. Bagay sa iyo!" Parang napipilitan kong sagot. Kase naman.
Napansin ko namang tila lumungkot siya. Aba at nag expect ba siyang ibabalik ko ang compliment niya? Eh sa nahihiya akong ibalik eh. Patuloy siya sa pagsimangot. Aish. Napakamoody din naman kase ng isang ito eh. Humarap ako sa kabilang side bago magsalita ng pabulong. Yung saktong maririnig niya lang.
"Mukha kang Prinsipe ngayon!" Nahihiya kong sambit. Siyempre gamit ang peripheral vision ko ay pinilit kong alamin ang reaction niya. At napangiti ako ng makitang tila nahiya siya na namula. Tapos biglang ngumiti. Ay ,bipolar din pala siya.
"Ay. Oo nga pala Asmir. Paano iyan, ginabi na tayo dito. Baka mag alala sila sa atin?" Naalala ko na ang paalam namin sa kuta ay babalik kami sa hapon.
"Huwag kang mag alala. Nakapagpadala na ako ng kalapati upang ibigay ang mensahe na dito tayo magpapalipas ng gabi." Sagot niya.
"Ha? Tayo? Magpapalipas ng gabi dito?" Nagulat ako don. Eh saan ako tutulog? Magkatabi ba kami?
"Oo, sila Mang Berting na rin ang nagsabi na dito tayo tumuloy. Ipapagamit daw nila ang isang bahay nila dito." Hindi parin ako makakalma.
"Bahay? Sa isang bahay tayo matutulog? I mean, iisa lang ba ang kwarto doon?" Nagpanic ako agad eh. Nahalata niya naman ang ibig kong sabihin kaya nagmadali din siyang mag explain.
BINABASA MO ANG
CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)
FantasyMARGAUX THALIA is a bad girl in the outside. She put high walls around her so that no one can come near her. She's meticulous and careful. She doesn't care about others feeling. It's been hard for her to be friend with anyone. She had one but she go...