CHAPTER 29

36 6 1
                                    

COUNTER ATTACK

MARGAUX THALIA's POV

Hindi pa man sumisikat ang araw ay abala na ang lahat sa paghahanda. Sa gabi pa kami sasalakay ngunit kailangan na naming ihanda ang lahat. Maagang nagtungo si Marikit at Master Korman sa Kaharian ng Salamangka upang humingi ng basbas at kaunting tulong. Si Asmir at Sylfer naman ay hinahanda ang aming sandatahang lakas.

Mahigit kumulang nasa limampu lamang ang mga Regador. Ang mga Hishma naman ay nasa dalawampu.  Napasabak ata ako.

Kung totoong mimitsahan na namin ang digmaan. Ay kulang na kulang ang pwersa namin. Siguradong libong Rakwinor ang nasa palasyo at handang lumaban sa amin. Kailangan pa namin ng mga kapanalig. Ngunit saan ako hahanap?

Marami ang umaasa sa akin at ayaw ko silang biguin. Kailangan maging mas malakas pa ako. Lalabas na sana ako upang mag-insayo ng pigilan ako ni Kahel.

"Mahal na Prinsesa. Nais daw po kayong makausap ni Martha!" Napalingon naman ako kay Martha. Isang Hishma na kasama namin dito. Mahiyain siya. Palagi siyang umiiwas sa amin kaya nagulat ako ng siya mismo ang lumapit sa akin.

"Martha, may sasabihin ka ba?" Nakangiti kong tanong. Nakita ko naman ang pamumula niya, nahihiya siya.

"Opo, mahal na prinsesa!" Nakatungo niyang sagot.

Natuwa naman ako sa kaniya kaya agad ko siyang hinila papunta sa kwarto ko.

"Hala, mahal na prinsesa. Kalapastanganan po ang ginawa ko. Hindi ako dapat pumapasok sa silid mo!" Kinakabahan siya sa nangyari. Sa pagkakataong ito naman ay si Kahel na ang nagsalita.

"Ano ka ba, Martha. Mabait si Margaux. At tsaka lagi kaya kami dito ni Marikit, hindi ba prinsesa?" Nakangiting tanong sa akin ni Kahel.

"Oo naman. Martha, huwag kang mahiya sa akin. Prinsesa nga ako, pero kaibigan niyo akong lahat. Okay lang ito!" Pagpapagaan ko ng loob niya. Dahan-dahan niya akong hinarap. Hanggang sa ngumiti siya. Sinasabi ko na nga ba at maganda siya kapag nakangiti eh.

"Napakabait mo talaga, Prinsesa!" Nakangiti pero nahihiya niyang tugon. Ngumiti din ako pero tumawa si Kahel.

"Ay naku, pero kung nakilala mo ang dating prinsesa, siguradong matatakot ka sa kaniya!" Naintriga naman si Martha sa sinabi ni Kahel.

"Bakit naman?" Tanong nito.

"Maldita kase siya dati!" This time ako naman ang nagreact.

"Hoy, laglagan ba tayo dito?" Tinaasan ko ng kilay si Kahel.

"Biro lang po!" Nagtawanan kami ni Kahel kaya hindi na rin napigilan ni Martha ang makipaghalakhakan. Kahit papaano ay napalagay na siya sa amin kaya naman siguro naging kumportable na siya sa pagsasabi sa akin ng gusto niyang ipaalam.

"Prinsesa Margaux. Alam niyo po ba ang kwento tungkol sa pana ng katarungan at palaso ng katotohanan?" Napahinto naman kami sa pagkukulitan ni Kahel ng marinig ang sinabi ni Martha.

"Pana ng katarungan at palaso ng katotohanan?" Naguguluhan kong tanong.

"Opo!" Matipid niyang sagot.

"Hindi eh. Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa bagay na iyan!" Pagtugon ko.

"Martha, ito ba ang nais mong sabihin sa prinsesa?" Seryosong tanong ni Kahel. May alam din siya?

"Oo. Handa ka na po bang malaman ang kwento, Prinsesa?" Biglang naging interesante ang usapan. Umayos ako ng pwesto ko.

"Sige sige. Handa na ako!" Tugon ko. Pumwesto na rin si Kahel at Martha.

CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon