IN TROUBLE?
MARGAUX THALIA's POV
"Asmir, I don't wanna die like this. Huhu. Ayokong mamatay!" Halos mahubadan na si Asmir sa sobrang higpit ng yakap at kapit ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Lalaki naman siya eh. Kahit nakatopeless ayos lang.
Kaso itong mga dumadating ang hindi ko na makayanan. Remember Wrong Turn? Yung mga Cannibals dun. Ganon ang mga itsura nila. I don't know why, pero yung balahibo ko talaga tayong tayo.
Hindi ako prepared sa ganito. Naalala ko kung paano patayin nung Cannibals ang mga biktima sa movie at feeling ko ay hihimatayin ako kapag iniisip kong sa akin nila iyon gagawin.
"Shh. Ayaw nila ng maingay. May pag asa pang mabuhay tayo kapag tatahimik ka, PRINSESA!" Medyo may diin pero pabulong niyang sabi. Alam kong naiinis na siya sa akin sa ginagawa ko sa kaniya. Pero patawad talaga. Hindi ko talaga makayanan ang nagaganap.
Sa huli ay sinunod ko nalang siya. Itinikom ko na ang bibig ko pero hindi ko inalis ang higpit ng yakap ko sa kaniya.
Napalunok ako ng simulan nilang ibaba ang lambat kung saan nakapaloob kami.
Mataas yung punong sinabitan namin pero dama ko ang bilis ng pagbagsak namin sa lupa. Napapikit na ako sa takot. Lalo ng lumapit ang isa upang kalagin ang lambat.
"Please, don't touch me!" Napiyok na ako. Naiyak na ako ngayon. Napansin iyon ni Asmir kaya iniharap niya ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin. This time, siya naman ang yumakap sa akin. Mahigpit, mainit.
"Huwag kang matakot. Habang humihinga ako. Ililigtas kita!" Damang dama ko ang sincerity niya habang sinasabi ang mga iyon kaya kahit saglit ay nakalimutan ko ang sitwasyon namin ngayon. Yayakap pa sana akong muli ng paghiwalayin kami.
"Asmir!"
"Thalia.."
Hindi na ako gumalaw. Ayokong makita ang itsura nitong humawak sa akin. Kinikilabutan talaga ako. F*ck. Margaux, isip ka ng paraan.
"A-Anong kailangan niyo? Yung usa ba? Sige sa inyo na iyan. Basta pakawalan niyo na kami!" Pagsusumamo ni Asmir, ngunit tanging ungol lamang ang ibinalik ng mga nilalang na ito kaya napatingin ako.
They can't speak?
Parang huni ng baboy pero scary version. Ganon ang linggwahe nila.
"Well, well, well! Look what we have here!"
Nagulat ako ng biglang may bumagsak sa harapan namin mula sa puno. Isang lalaking nakamaskara ng bungo. Nahirapang magfunction ang utak ko. Did I heard it clear? Nagsalita ba talaga siya ng English? Sasabat na ako ng magsalita si Asmir.
"Kaibigan. Baka naman maaari mo kaming palayain. Wala kaming masamang hangarin. Nangangaso lang kami." Panimula ni Asmir.
Nilapitan ng misteryosong lalaki ang walang buhay na usa. Pagkatapos ay hinugot ang sibat ni Asmir.
"Isang kawal!" Naalarma ang mga kasama niya na ikinatakot ko lalo.
"Anong ginagawa ng isang kawal mula sa Casmarine sa lugar na ito? Napakalayo mo naman ata kaibigan!" Nahiwagaan ako sa lalaking ito. Pano niya narecognize ang sibat ni Asmir.
"Nakatakas lamang ako at ang aking kasama!" Sagot ni Asmir na ikinatawa nung lalaki. Bakit ba?
"Don't fool me! Walang nakaligtas na kawal. Naharangan na agad ng mga Rakwinor ang lahat ng pwedeng daanan kaya kulong silang lahat sa Casmarine."
"A-Ano? Walang nakaligtas?" Biglang nautal si Asmir. Hindi ko mapigilang mag alala. Lalo at alam kong kawal din ang Ama niya. Pinunong kawal.
BINABASA MO ANG
CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)
FantasyMARGAUX THALIA is a bad girl in the outside. She put high walls around her so that no one can come near her. She's meticulous and careful. She doesn't care about others feeling. It's been hard for her to be friend with anyone. She had one but she go...