CHAPTER 15

59 6 1
                                    

TRAIN ME MASTER

MARGAUX THALIA's POV

"Yah!"

"Hayah!"

"Wattah!"

It's been days. Simula ng umpisahan ko ang pag iinsayo. Gamit ang aking medyo alam na armas ay tinuturuan ako ni Asmir sa tamang pag gamit nito.

"Ha ha ha ha!"

Napairap naman ako ng marinig ang mahihinang tawang iyon ni Kahel at Marikit.

"Ano bang problema niyong dalawa? Pag uumpugin ko na kayo ha!" Pagbabanta ko sa dalawa pero parang wala lang sa kanila. Kinakalaban na ba nila ako ngayon?

"Bakit kase, wattah? Ano yun?" Natatawang sabi ni Asmir.

"Ang cute niyo po, Prinsesa!" Sagot ni Marikit. Yeah, medyo nakakaadjust na sila sa akin at gumagamit na rin sila minsan ng mga english words.

"Ang sabihin niyo, inaasar niyo lang ako. Pag ako gumaling. Aarnisin ko kayo!" Pagkasabi ko noon ay tumawa lang ulit sila.

Mga pasaway na iyon. Ang hirap kaya mag arnis no. Nag eeffort na nga ako tapos tatawanan nila yung wattah ko?

Tama, Arnis ang napili kong sandata. Bukod sa ito lamang ang armas na kahit papaano ay may karanasan ako. Ito din ay magaan at sa tingin ko ay kayang kaya ko. Nagpapasalamat lamang ako kay Asmir na patuloy sa pagtuturo sa akin.

Matiyaga siya at mahusay. Kahit na alam kong napapagod na siya ay hindi siya tumitigil hanggat wala akong natututunan sa bawat araw na lilipas.

Wala na itong atrasan. Lalo at outnumbered kami ng mga Rakwinor. Ayoko namang maging pabigat lang sa mga kasamahan ko. Kailangan kong matutunang lumaban. Especially sa mga digmaan. Dahil alam kong nalalapit na ito.

"Pahinga muna tayo, Thalia" sumunod nalang ako kay Asmir sa isang bato. Tama naman siya. Magpahinga muna kami. Tatlong oras na kase kaming nagpapaluan ng Arnis. Nakakapagod, water break muna.

"Ang bilis mo naman pong matuto, Prinsesa!" Agad na papuri ni Marikit. Nandon na rin kase sila at nag aantay.

"Kaya nga, sang ayon ako kay Marikit!" Segunda ni Kahel. Tapos na kase siyang magturo sa araw na ito kaya nakikigulo siya dito.

"Wow. Parang kanina lang, pinagtatawanan niyo ako!" Pagtataray ko sabay kuha nung basong may lamang tubig.

"Sorry po!" Sabay nilang sagot with peace sign. Natawa kami, lalo na ako. Kase naman, slang pa.

Si Asmir ay patuloy parin sa paglelesson kahit nakawater break. Yung mga dapat kong malaman sa Arnis, kung paano ang tamang estilo. Ano ang isinasa alang alang. Pati na rin mga techniques. Mahusay pala siyang magturo. Naiilang parin naman ako sa kaniya but I can't be swayed. May mas mahalaga pa akong kailangang paghandaan at iyon ay ang napipintong digmaan.

Kailangang tanggapin kami ng Kaharian ng Heran bilang kakampi. Tutulong kami sa digmaan laban sa Rakwinor para ng sa ganon ay tulungan din nila kaming mabawi ang Casmarine. Wala na akong ibang naiisip na paraan. Kailangan kong maging mautak sa mga desisyon ko. Kung kinakailangan ko silang utakan ay gagawin ko. Sapagkat talino lang ang meron ako sa ngayon. At ito lamang ang nag iisang paraang para makatulong ako.

Natapos ang ensayo namin sa araw na ito at talaga namang ang sakit ng buong katawan ko. Nakakain na kami ng hapunan kaya naman nasa katre na ako at nagpapahinga. Medyo pigil at dahan dahan lamang ang galaw ko dahil talagang kumikirot.

Kaya ko ito. Nandito na rin naman. Ito na ang kapalaran ko. Ayokong mamatay lang ng basta basta kaya lalaban na lang ako. Titiisin ko ang konting sakripisyo. Matuto lamang akong makipaglaban.

CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon