PAGHAHANAP SA PRINSESA
ASMIR'S POV
"Anong lugar 'to? Bakit kulay itim ang tubig?" naabutan ko si Kahel na nakatayo lang sa nilabasan namin. Nauna kase siyang lumabas sa lagusan kaya siya ang unang nakarating sa mundo ng mga tao.
"At ang baho! Anong klaseng lagusan ito?" pati ako ay hindi na mapigilang mapatakip sa ilong. Ang sangsang kase. Ito na ba ang mundo ng mga tao? Bakit ganito?
"Tara Asmir. Dun tayo! Ang baho dito eh!" pag aaya sa akin ni Kahel. Kitang kita sa pagmumukha niya ang pagkangiwi. Ang arte talaga ng Hishma na ito. Sumunod nalang ako agad sa kaniya kase sa totoo lang ay ang baho nga talaga.
Nilisan namin ang lugar na iyon. Kinailangan naming magbalik tanaw sapagkat doon din kami kakatok kapag nasundo na namin ang mahal na prinsesa. Kinabisado namin iyon ng mabuti. Maayos naman siya. Isa itong daluyan ng tubig. May ganoon din sa aming kaharian pero malinis ang tubig na dumadaloy doon. Maaari mong inuman kaya nagtataka ako.
Mula sa ilalim ay may malaking kalahating bilog na tila nakaarko doon. At doon kami galing sa ilalim non. Pantay ang taas na parang daanan ng mga tao. O tulay.
"Ano Kahel, tanda mo na ba ang lagusan?" tanong ko agad sa kaniya na nakatakip parin sa ilong. Tinanggal ko nga ang kamay niya sa ilong niya.
"Asmir!" sigaw nito. Natawa tuloy ako.
"Ano, tanda mo na?" natatawa kong pag uulit.
"Oo, tanda na" Nakasimangot niyang sagot.
"Mabuti!" lalakad na sana kaming dalawa upang maglakbay ng biglang may tumunog na kakaiba.
*Car Engine* (sorry di ko alam yung tunog haha! -author.)
Naalerto naman kami ni Kahel dahil sa tunog na iyon. Ngayon lang kami nakarinig ng ganon kaya inihanda ko agad ang aking sibat.
"Anong tunong iyon?" tanong ko agad kay Kahel na hindi na mapakali.
"Bakit mo ako tatanungin, eh hindi ko din alam!" sagot niya.
"Pilosopo ka talagang Hishma ka ha!" bubugbugin ko na sana ang kulinggit na ito ng biglang lumakas ang tunog. Kaya naman napatago kami sa isang puno.
Sumilip kami doon at maya maya pa ay lumabas na ang kakaibang nilalang sa tila gumagapang.
"Ano yan?" tanong agad ni Kahel na tila hindi malaman ang gagawin. Ako din naman eh. Parang nakadama ako bigla ng kaba.
"Bakit mo ako tatanungin, taga dito ba ako?" ganti ko namang sagot sa kaniya . Nakita ko pa ang panggagaaliti niya. Buti nga sa kaniya. Pilosopo kase.
Pinanood nalang namin ang nilalang na iyon na gumapang. Ngunit napatago kaming muli sa puno ng bigla itong huminto. Nakasandal na kami parehas sa puno na naghahabol ng hininga. Nakita kaya kami? Todo na ang hawak ko sa sibat ko ngayon. Nagpapakiramdaman kami ni Kahel ng biglang.
"Uy ang ganda dito. Picturan mo naman ako prend!" may nagsalita sa kinaroroonan nung nilalang na yun. Kaya naman nagkatinginan kami ng Kahel. Parehas nakakunot ang mga noo namin. Sinenyasan ko siya ng tatlo bago kami sumilip sa kinaroroonan ng tinig at laking gulat namin ng makitang may tao doon sa tulay.
"TAO?" sabay pa naming sabi ni Kahel habang magkaharap.
Muli naming ibinaling ang tingin sa taong iyon. Ngunit mas nagulat kami ng makitang ang lumabas na isa pang tao mula sa nilalang na gumagapang.
BINABASA MO ANG
CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)
FantasyMARGAUX THALIA is a bad girl in the outside. She put high walls around her so that no one can come near her. She's meticulous and careful. She doesn't care about others feeling. It's been hard for her to be friend with anyone. She had one but she go...