CHAPTER 8

66 8 0
                                    

ADVENTURE TIME!

MARGAUX THALIA'S POV

"Anong lugar to?" F*ck. Nataranta ako bigla. Ni hindi pa nga ako nakarecover dun sa pagtalon namin eh. Umabot ata kami ng sampung segundo sa ere. Nginig na nginig talaga ako eh. Kung di talaga ako nakapagtimpi baka nayakap at nahubaran ko pa si Asmir sa panginginig. Ewan ko lang kung kamusta yung palad niyang pinagkapitan ko ng napakahigpit. Sana hindi bumaon yung mga kuko ko.

          Nakita kong napatingin si Asmir sa kamay niya na parang nakangiwi. Shit. Dumugo.

"Hala. Asmir. Sorry!" Nagahol ako sa pagkuha ng kamay niya. Nagulat ako eh. Namalayan ko nalang ang sarili kong nakahawak sa palad niya habang hinihipan ang kamay niyang may dugo na marahil ay dahil sa pagbaon ng mga kuko ko. Napahinto ako ng mapansing nakatitig na sa ginagawa ko si Kahel at Marikit na parang gulat sa ginawa ko. Dahan dahan kong tinignan si Asmir. Nagulat din siya.

"Ay F*ck!" Sabi ko sabay bitaw sa kamay niya. Bakit ba ako na awkward? Binawi naman na din agad ni Asmir yung kamay niya sabay talikod.

"Anong lugar na ba ito? Bakit ang dilim. Nakakatakot" Tanong ko nalang para basagin ang katahimikan.

Ewan ko rin pero. Nakakatakot talaga ang dating nitong lugar na ito para sa akin eh.

"Ito na po ang daang Rakor. Ang daan pauwi sa iyong palasyo!" Nakangiting paliwanag ni Marikit.

"Ang dilim!" Sambit ko pa. Narinig iyon ni Marikit.

"Huwag kang mag alala Mahal na Prinsesa!" Sabi niya at isang iglap lamang ay umilaw ang mga pakpak niya.

"Wow!" Hindi ko mapigilang mamangha. Ang ganda niya. Matingkad na matingkad siya sa lahat dahil siya lamang ang ilaw na naririto.

"Mahal na Prinsesa!" Bigla akong kinuhit ni Kahel.

"Bakit Kahel?" Nakangiti kong sagot. Dala kase ng mga umiilaw na pakpak ni Marikit na hindi pa rin maalis sa isip ko.

"Eto po kunin niyo!" Nakangiti na din siya sabay abot sa akin ang isang stick na ewan. Basat stick lang talaga.

"Ano to?" Naguguluhan kong tanong.

"Ikumpas mo po!" Sabi niya. Tinignan ko nga siya ng makahulugan.

"Bakit ko gagawin iyon?" Nagdududa na ako. Baka pinagtitripan niya lang ako eh.

"Basta!" Ngiting ngiti siya. O sige. Pag ito talaga prank, yari ka sa akin. Ginaya ko ang mga fairies sa mga napapanood kong Cartoons. Inikot ko ng tatlong beses bago ikumpas and boom.

"wow!" Ang galing. Nagkailaw sa dulo.

"Paano ito nangyari?" Agad kong baling sa kaniya. Ngunit umiilaw na rin ang mga light sticks nila ni Asmir.

"Mahika!" Sagot niya na nakangiti.

"Paano?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ang mundong ito ay iba sa mundong kinalakihan mo. Sa pagtahak natin sa daang ito ay siguradong marami ka pang matutuklasang hiwaga at mga mahika" paliwanag ni Asmir. Bakit ganon? Bakit parang ang gwapo bigla ng boses niya? Oh baka kung ano pa isipin niyo. Parang lang naman tsaka. Kaaway ko siya. Inaasar niya ako lagi.

"ahh" sagot ko nalang.

"Tara na po. Simulan na natin ang paglalakbay!" Nagsimula na silang maglakad ni Asmir.

"Prinsesa, tayo na po!" Aya ni Marikit. Kaya humabol na kami sa kanila.

           Dumikit ako agad kay Kahel. Maliit lang si Kahel at alam kong hindi niya ako maililigtas kung sakali mang may lumusob sa amin. Kaso, No Choice ako. Kesa naman kay Asmir ako dumikit eh. Mainitin ulo non sa akin at ganon din ako sa kaniya.

CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon