MARGAUX THALIA's POV
Sabay sabay kaming napaatras nang lumapag sa masukal na lupa ang kalapan. Napatakip pa kami ng mga mata sa lakas ng hangin na naidulot nito. Hindi ko mapigilan ang titigan siya. Isang napakagandang ibon. Napakakulay at napakarikit.
Is it ibong adarna?
I kept wandering. Grabe nakakasilaw ang mga balahibo nito. Sa natatandaan kong lesson namin nung grade seven. Ang ibong adarna ay isang napakagandang ibon na iba't iba ang kulay. Makapangyarihan ang tinig nito sapagkat kapag nakatulog ka kahabang kumakanta ang ibong adarna ay iiputan ka nito a magigi kang bato. Isn't it fascinating? Ang pinagkaiba lamang nila ay ang laki. Dambuhala ang kalapan na nasa harapan namin samantalang maliit lamang ang ibong adarna.
Dahan dahan ko itong nilapitan. Nais ko siyang mahawakan. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay bigla itong nagalit at lumawak ang mga balahibo sa gilid ng leeg na gaya ng mga sa tandang na nag aaway.
Agad naman akong hinila ni Sylfer sa bisig niya.
"Ano bang iniisip mo, my princess! Hindi kasing amo ng mukha niyan ang ugali niya!" Ramdam ko ang pagkainis ni Sylfer sa ginawa ko. Sapagkat muntik na akong mapahamak.
"Tama ang sinabi niya, Thalia! Hindi maganda ang basta basta ka nalang gumagawa ng desisyon na hindi napagpaplanuhan!" Sa tono ni Asmir ay parang nainis din siya sa akin. Sinasabi niya iyon habang pinaghihiwalay kami ni Sylfer.
"Pasensya na. Nadala lang ako!" Humingi ako agad ng tawad. Alam kong mali ang ginawa ko. Masyado akong nabighani sa kalapan at nakalimutan ko na galit ito sa mga tao.
Biglang humuni ang kalapan ng napakalakas sa harapan namin. Hindi man nila maintindihan pero ako ay oo. Nais niyang lisanin namin ang tahanan niya habang hindi pa siya nagagalit.
Muli itong sumigaw kaya sabay sabay kaming natumba. Ang lakas ng hangin na ibinuga niya.
Agad akong napatingin sa pugad. Ang huni niya ay nagsasabi sa aming kapag hindi kami umalis ay kami ang magiging hapunan ng mga inakay niya. Which is napakalaki din. Halos kasing laki namin ang mga anak niya.
"Prinsesa! Uwi na tayo. Ayokong maging hapunan!" Nanginginig na si Kahel sa takot habang nakayakap sa akin. Hinagod ko siya sa likod bago tumayo upang harapin ang kalapan.
"Kaibigan! Narito kami upang humingi sa iyo ng tulong!" Direktahan ko siyang kinausap. Nagulat siya saglit bago sumagot.
"Hindi mo ako kaibigan at lalong wala akong balak tulungan kayo. Alis!" kalmado pero nakakasindak.
"Hindi kami nandito upang manggulo. Malinis ang intensyon namin. Kaya tulungan mo kami!" Kinukumbinsi ko siya. Pero parang wala talaga siyang balak.
"Hindi ka ba nakikinig? Sinabi ng wala akong balak tumulong!"
"Maawa ka na sa amin!" Lalapit na sana ako para hawakan siya pero mabilis niya itong nakita. Gamit ang ulo niya ay hinampas niya ako kaya napatapon ako sa sahig.
Agad namang sumunod si Asmir, Marikit at Asmir.
"Prinsesa. Mukhang bigo tayo sa misyon. Umalis na tayo bago pa tuluyang magalit ang kalapan." Pinagpagan ni Kahel ang suot ko ngunit tumayo akong muli.
"Hindi. Makukumbinsi ko siya!"
Aalis na sana ang kalapan ng muli akong nagsalita.
"Ako ang Prinsesa ng Casmarine. Kailangan ko ang tulong mo!"
Sa oras na binitawan ko ang mga pangungusap na iyon at huminto siya.
Yes.
Ngunit nanginig ako ng humarap siya. Biglang nag iba ang anyo niya. Mula sa makulay na mga balahibo hanggang sa maging kulay pula't itim iyon na parang nagbabaga.
BINABASA MO ANG
CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)
خيال (فانتازيا)MARGAUX THALIA is a bad girl in the outside. She put high walls around her so that no one can come near her. She's meticulous and careful. She doesn't care about others feeling. It's been hard for her to be friend with anyone. She had one but she go...