Kasabay ko pauwi si Eli at tamang kwentuhan kami tungkol sa mga crush naming habang naglalakad sa labas. Typical girl talk. Sabi n’ya crush daw n’ya si Christoffer, yung matangkad na rockstar ang peg sa katabi naming cubicle. Madami rin s’yang katunggali sa crush n’ya kasi malakas ang appeal nito dahil sa height na 6’1 at matipunong katawan. Nagtutuksuhan pa kami hanggang sa makasakay ng jeep pauwi. Sa may bandang dulo kami naupo malapit sa babaan. Wagas pa makahalakhak si Eli nang makita naming bigla si Christoffer sa may dulo malapit sa driver. Tameme si girlalu. Ako naman ang napahagikgik sa bigla n’yang pagtahimik tapos tinuro n’ya yung katabi ng crush n’ya ay yung crush ko pala na hindi ko pa rin alam ang pangalan hanggang ngayon. Dalawa na kaming tameme at sumusulyap ng pasimple sa mga prospect namin sa pagitan ng titigan at ngitian namin. Halos magkasabay bumaba si Eli at si Christoffer at ramdam ko na may magtetext mamaya at magkukwento ng kilig moment n’ya. Naubos ang mga pasahero at may lima na lang na natira. Nagkaron ako ng nakaw na sandali para mas matitigan ang crush ko. Mapula ang mga labi n’ya at nagpagupit s’ya simula nung huli ko s’yang nakita. Naka-long back s’ya dati pero ngayon ay clean cut at mukhang shark’s fin ang hairstyle n’ya. Sorry medyo loser ako when it comes to fashion kaya hindi ko alam yung eksaktong tawag sa gupit ng buhok nya hehe. Paotsin. Yun ang tumatak sa isip ko at yun ang naging secret code name ko para sa kanya dahil naalala ko yung fried shark’s fin with hainanese rice na paborito ko iorder sa Paotsin. Masarap na affordable pa. Sulit. Hehe. At muli ko s’yang sininghot habang pababa s’ya ng jeep. Sa ikalawang beses ay ginulat na naman n’ya ako nang lumingon s’ya sa direksyon nung jeep pagkababa n’ya ay nahuli n’ya ako na nakasilip sa kanya. Ngumiti s’ya ay kumaway at pakiramdam ko ay matutunaw ako sa hiya habang umaandar papalayo ang jeep na sinasakyan ko.
“Girl, katabi ko s’ya sa jeep ngayon. OMG I’m so high right now.” Text sa’kin ni Eli.
“I’m so dead right now.” Reply ko sa kanya.
“Bakit? Anyari sa’yo? Hinoldap ka n’ya? Ninakaw n’ya puso mo? OMG last joke ko na ‘to.”
“Natunaw ako, nahuli n’ya ko na nakatingin sa kanya. Nginitian n’ya ko girl. OMG OMG OMG!”
“Wagas maka OMG. May bukas pa girl. Chika mo sa’kin yan bukas. Magmomoment muna ako dito at nanamnamin ang katabi ko haha.”
“Sige, namnam well.”
Muntik na ‘ko lumagpas dahil iniisip ko kung bakit n’ya ko nginitian. Hindi naman kami magkakilala. Ang weird pa nung pagkakangiti n’ya, ngiting aso lang. Medyo naaasar ako na ewan. Di ba dapat matuwa ako kasi nginitian n’ya ako pero instead, naiinis pa ako. Ako yata yung weird. Hanggang sa pagtulog bothered na naman ako. Sa sobrang kaaningan ko ay inimagine ko na lang na kumakain ako ng bagong luto na Paotsin. Fried Shark’s Fin with hainanese rice and soy sauce sabay higop ng buko juice. Damang dama ko pa yung pagnguya habang nakapikit ako.
“Ayos ka lang Zai? Nagdedeliryo ka d’yan,” nagtatakang bungad ng nanay ko.
“Kumakain ako ng Paotsin Ma.”
“Sabi ko nga mana ka sa ama mo e.”
“Kaya nga ako maganda e kasi kay papa ako mana.”
“Kaya ka pala negra.”
So ganyan kami kasweet maglambingan ng nanay ko. Alaskahan galore. Rakenrol talaga si nanay hehe. \m/
Dumating ang umaga at na-late ako ng gising. Dahil medyo haggard, the Flash mode sa pagligo at pagbihis. Buti na lang hindi gaanong mabagal ang daloy ng traffic pero gahol pa rin sa oras. Mahaba yung pila sa elevator kaya exercise mode sa hagdan. Nasa 4th floor lang naman kaya keribells naman. Tumatakbo pa rin ako papunta sa locker room at sa katangahang palad ay nadapa ako. Nakapalda pa naman ako. Tayo agad ako sabay lingon in all directions. Nasa floor na lahat so feeling safe naman ako. Pagkalagay ko ng mga gamit ko sa locker ay dumiretso na ko papunta sa production area habang nakatungo. Sa pangalawang katangahang palad nakasara yung pinto kaya nauntog ako. May kumapit sa balikat ko at tinanggal ko agad ito nang hindi lumilingon dahil badtrip na ako.
“Nasaktan ka ba miss Green?” Tanong ng kumapit sa’kin.
Paglingon ko ay nakita ko muli ang ngiting aso na dahilan ng pagkapuyat ko.
BINABASA MO ANG
Pating sa Berdeng Kanin
RandomAng kwentong ito ay kathang isip lamang bunga ng imahinasyon at pantasya ng may akda. anumang pagkakahalintulad sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. salamat B-)