Ikasampung Subo

11 0 0
                                    

Bakit ka susugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Simple lang, yung probability na mananalo ka yung dahilan kung bakit kahit minsan ay lugi ka na tumataya ka pa rin. Ang pinakamasakit lang doon ay kung dinaya ka, yung isusugal mo lahat lahat tapos bandang huli sa iba rin lang mapupunta. Lahat ng pinaghirapan mo iba ang makikinabang. Napakasakit.

Nakatingin lang ako sa shot glass na may Emperador Light habang nakikiramdam sa tahimik na paghikbi ni Eli, naghihintay sa sasabihin n'ya. Si Pam naman ay pinapapak yung pizza na pulutan pero ramdam ko rin na nag-aabang s'ya.

"Bakit ganun, lagi na lang. Lahat na lang ng nagugustuhan ko kundi may girlfriend may asawa naman," basag ni Eli sa katahimikan.

Nalaman kasi namin na si Christoffer ay may asawa na tapos nasabayan pa na may LQ sila ng boylet n'ya. Hindi ko masabing kasalanan n'ya na may girlfriend ang taong minahal n'ya kung ang lalaki naman ang nagbigay ng motibo.

"Eli, ang mali lang naman sa ganyang sitwasyon ay ang lalaki. Hindi sila dapat nagpapaasa," sabi ko.

Taahimik lang si Pam at nakikinig habang patuloy sa paghikbi si Eli.

"Girls isipin n'yo nalang ganito, Si Pam may boyfriend tapos nadevelop s'ya kay Eli. Hindi naman magawang iwan si Pam ng boyfriend n'ya pero pinaparamdam n'ya kay Eli na special at mahalaga s'ya. Kahit paikut-ikutin natin, yung lalaki pa rin ang sablay. Unfair kasi yung ganyan. Si Pam mahal naman n'ya yung boyfriend n'ya pero nagawa s'yang pagtaksilan tapos si Eli naman nagtataka kung ano meron kay Pam at hindi s'ya maiwan nung boyfriend. Try n'yong pagpalitin yung sitwasyon n'yo. Parehong mahirap at masakit pero bakit n'yo hinahayaang ganyanin kayo ng lalaki? Nakakaasar kasi ang gagandan n'yong babae tapos nagkakaganyan kayo sa taong hindi kayang mag commit." Medyo nangangatog ang boses ko at medyo naiiyak na din.

Nagyakapan si Eli at Pam habang pareho na silang humahagulgol.

"Oy wag n'yo ko daanin sa pag-iyak. Tumagay kayong dalawa!" bulyaw ko.

"Siraulo ka talaga Zai. Pati si Pam pinaiyak mo," sambit ni Eli bago nilagok ang shot n'ya.

"Nananahimik ako ditong kumakain dinamay mo pa ko langya ka Zai," medyo nangingiti na ulit si Pam.

"Eh adik pala kayo e. nandito tayo para mag-enjoy hindi magmukmok dahil sa mga lalaking inconsistent."

"Wow, inconsistent. Big word!" biro ni Eli at nagtawanan na kaming tatlo.

"Lakas mo manermon kala mo naman madaling gawin yung sinasabi mo. Mas madali kaya sabihin kaysa gawin," katwiran ni Pam.

"Mahirap pero hindi imposible. Kung alam mo naman na walang mabuting maidudulot bakit mo pa ipagpapatuloy di ba? We don't have a choice on who we would love but we always have a choice to stay in love or not," medyo nag nosebleed ako.

"Ikaw Zai, nakamove on ka na ba ng tuluyan?" tanong ni Eli.

"Siguro hehe. Love is selfish and it needs to be reciprocated ika nga ni Kyle sa Ang Dating Kulay ng Lalaking Black and White. Kung hindi rin lang n'ya ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya mas mabuti pang lumayo na lang ako sa kanya."

Nakatungo silang dalawa kaya sana hindi nila napansin yung pagpatak ng luha ko habang nilagok ang last shot.

Pating sa Berdeng KaninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon