Ikalabimpitong Subo

2 0 0
                                    

I woke up the next day with a very positive feeling that it's going to be a wonderful day. Nung tinignan ko yung cellphone ko may text si Remus.

"Rise and shine sleeping beauty :)"

"Up and awake mister big bad wolf :P"

Ok so pambata yung tuksuhan namin hehe. Bulilit size naman kami pareho kaya ok lang. Walang basagan ng trip. And so the day went on at madalas na kami nagkukwentuhan through e-mail and during lunch. Nung uwian na I found another paper rose in my locker at alam kong galing yun kay Remus. Hinintay n'ya ako sa may elevator at hinatid n'ya ako hanggang sa sakayan. Kilig much naman ako hehe. This routine went on for a couple of weeks at hindi ko na gaanong naiisip si Rob. come to think of it, wala rin akong balita sa kanya ever since he went to Cebu but I've been seeing a few pictures of him on his facebook on some beach and some bars there so I think he's having a good time and so am I.

"If I tell you I like you would you believe me?" tanong ni Remus out of the blue. Parang pamilyar sa'kin yung ganitong linya di ko lang maalala kung sino nagsabi. hehe. Ibang tao si Remus at iba rin ang response ko sa tanong n'ya.

"Oo naman naniniwala ako sa'yo. Alam ko naman matagal mo na akong crush eeh hehe"

"Wow ah parang ikaw yata yung may crush sa'kin unang beses mo pa lang ako nakita patay na patay ka na sa'kin e"

"Utot mo blue! sinadya mo nga akong banggain noon para lang mapansin kita haha"

"Utot mo bilog! Hindi nga kita crush... kasi gusto kita."

"Gusto rin kita... hambalusin. haha Remus na blue ang utot!" at nagawa ko pang mag belat sa kanya hehe.

Ewan ko ba pero sobrang komportable ko kapag s'ya kausap ko parang tanga lang kami kung mag usap hehe. Pero hindi naman s'ya nagagalit sa'kin kahit barahin ko s'ya  kasi nakikiride s'ya sa trip ko kaya magaan ang loob ko sa kanya. Sana yung timbang ko gumaan din haha. Ramdam ko na medyo nadisappoint s'ya sa pagsagot ko sa pag amin n'ya kahit pa nakikipagbiruan s'ya kasi kita naman sa mata n'ya. Hindi naman sa laruan lang ang tingin ko sa kanya pero hindi ko maimagine yung sarili ko na maging more than friends sa kanya. Oo crush ko nga s'ya pero crush lang kasi yun. Sweet s'ya at mabait at makulit pero hindi ibig sabihin magugustuhan ko na rin s'ya agad. Siguro  weird ako o sadyang tanga lang talaga. Heto na nga may taong gusto ako at palagi akong pinapangiti at sinasamahan pero hindi pa rin kumpleto yung pakiramdam ko.

Pating sa Berdeng KaninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon