Ikalabintatlong Subo

3 0 0
                                    

What you don't know won't hurt you, sabi nga ni Genny. Kung hindi n'yo naman pinag-uusapan hindi maoopen up yung topic or idea of a relationship. What you feel is what you feel whether you talk about it or not hindi naman yun basta mawawala. Siguro nga sa iba hangga't hindi nirerecognize yung feeling, the less painful it seems. Para sa'kin naman, reality bites hard. One day reality will just strike you, and it would hurt you the way you didn't expect it to. Kaya lang natin idelay yung sakit but unless mag fade or mawala ng tuluyan na yung feeling saka lang mababawasan yung probability of getting hurt. Maybe I'm just over analyzing things, maybe it's just me, or maybe, I'm wrong and I don't know what's right anymore.

"AAAGH!" Sigaw ko.

Nagulat si Eli at binulyawan ako. "Ano yan, The Conjuring?"

"Si Paotsin kasi eh. Kasalanan n'ya lahat to."

"Nakatulog ka na naman no? Tulog ka na lang ulit. Kung anu-ano na naman iniimagine mo e."

Masunurin naman ako a nakatulog nga ako ulit.

"Tulo mo lumalaway!" pambungad na gising sa'kin ni Paotsin. Hagalpakan naman yung mga colleagues ko. Buti na lang wala si Shawn naku lagi na lang ako nahuhuling borlogs hehe. Medyo badtrip na napahiya ako nun kaya tamang irap lang ang reaction ko. Yumuko ako ulit para matulog ulit kunyari pero pinunasan ko lang yung laway ko hehehe. Pag angat ko ulit ng ulo ko wala na si Paotsin. Natulala ako at inisip kung panaginip lang ba yun o hindi at tinitigan ko yung paper rose sa desk ko. Mga limang minuto din akong mukhang tuod bago ko napagtanto na wala yung rose na yun bago ako matulog kaya may naglagay non habang natutulog ako kaya napangiti ako habang iniisip si Paotsin.

"Nakakabadtrip ka talagang Paotsin ka."

"Wooh, badtrip daw pero wagas yung ngiti," biro ni Pam.

Yung mga simpleng gifts and mas special kaysa sa expensive dates chorva. I really appreciate and treasure those things lalo na kapag handmade. Kung masipag lang ako natapos ko na sana yung 1000 cranes na matagal ko nang balak gawin kaso hanggang 200 lang yung nagawa ko kasi nakakatamad hehehe. Kaya ko lang naman binalak gumawa nun dati para makapag wish after ko makumpleto yung cranes kaso ano ba hihilingin ko? Kuntento naman ako sa work ko, may astig na nanay, mga alaskador na kaibigan. Ano pa bang mahihiling ko bukod sa yumaman? Hehe. Kung magpapayaman rin lang ako dun na ko sa mas sure na effective, ang magtrabaho kaysa gumawa ng cranes na hindi ko naman sure kung matutupad talaga yung wish ko. hehe.

"Kung mawawala ako mamimiss mo ba ako?" tanong ni Paotsin sa e-mail.

"Hindi kita mamimiss kasi hahanapin kita. Chosz haha nabasa ko lang sa Kikomachine Komix yang banat na yan. XD"

"I'm serious."

"Sorry. Maybe. Nasanay na rin kasi ako na araw araw mo sinisira ang araw ko hehe."

"I'll be leaving for Cebu later for a project and I'm not sure when I'll be back."

I didn't reply. What else could I say? He'll be leaving, yes, but he never said he won't come back right? But what if he doesn't come back, would I miss this chance to tell him everything I've been meaning to say ever since I met him?

May e-mail naman kasi para naman hindi na kami magkakausap forever. Ang stupid ko talaga di ko naisip agad yun nag-emo naman ako agad. Pero kung hindi ko sasabihin ngayon would he even talk to me ever again? Heto na naman ako pinoproblema yung bagay na hindi ko naman dapat pinoproblema. Tsk tsk tsk. Napaface palm ako at pag-alis ko nag palad ko sa mukha ko nasa harap ko si Remus.

"Did you like the paper rose?"

Pating sa Berdeng KaninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon