Bianca POV
"Jayson minahal ka naman ni ysabel eh, kaso lumayo siya sa maling akala" saad ni kath, yeah right, kung nalaman lang mas maaga ni Jayson di sana walang nasasaktan pero bat ang bilis namang mag give up ni ysabel, diba pag mahal mo ipaglaban mo? Akala ko ba matapang si ysabel bakit di niya ipinaglaban si jayson?
"Yun na nga eh, magtatapat na sana ako nuon sa bahay nila kaso nakita ko sa mukha ni chandria na may mali eh yun pala narinig niya kami ni bianca, nakinig na nga siya hindi pa niya tinapos" nanlulumong saad ni jayson, naawa ako sakanya ngayon ko lang kasi siyang nakitang nagkaganito si jayson. Andami nang nagawa ni Jayson pero lahat yun nauwi sa wala, bakit hindi ba maramdaman ni ysabel na mahal siya ni jayson?! Pero sa bagay tong torpeng tong si jayson natorpe hindi masabi sabi kay ysabel ang tunay niyang nararamdaman. Naalala ko pa nung iprinapractice ni jayson yung sasabihin niya kay ysabel, ang epic haha
Flashback
"Bi tulongan mo ko magtatapat na ako kay chandria" bulong sakin nu jayson
"Huh? Talaga? Buti naman at naisipan mo na yan" masigla kong saad sakanya, atlast natauhan din tong mokong na to.
"Dun tayo sa labas" yaya sakin ni jayson
"So ano sasabihin ko?" Tanong sakin ni jayson, seriously? Hindi alam ang sasabihin? Lalaki ba to?
"Hahahaha!" Kaya pinagtawanan ko siya "ouch masakit yun huh" reklamo ko sakanya pano ba naman kasi binatokan ba naman ako, eh ang tanga kasi eh kalalaking tao hindi marunong magtapat? My gad! Comlaude pa naman siya haha.
"Ano ka ba just tell her that you really love her" seryuso kong sabi sakanya, eh torpe eh.
"Oh sige ganito" panimula ni jayson at huminga muna siya ng malalin
"Y-you k-now what ahmm the day I first met you the day that we became friends, I know already that I have special feelings for you, I-i dont even know why kung bakit kita minahal but one thing for sure is I truly love you" saad ni jayson at halata sa mukha niya ang nervous haha
"So okay na bayun? Tanong sakin ni jayson at nginitian ko lang siya! Shete kinikilig ako para sakanila ni ysabel!
Present
"So anong balak mo ngayon?" Tanong ni kath kay jayson, ano kaya? Ngayong alam na ni jayson na mahak din siya ni ysabel.
"I-i dont know masakit parin sakin eh kasi lumayo na siya, all I know is I need to sacrifice, isa lang dapat piliin ko between chandria or my religion" halata sa boses ni jayson ang sakit na nararamdaman niya bakit pa kasi kailangang umalis si ysabel?! Kung nasaktan ka ysabel nasasaktan din si jayson.
Belated Happy valentines ♥
Ysabel :-)
BINABASA MO ANG
How to Sacrifice your Love?
De TodoHindi masama ang umibig, In fact nakakaganda ng feeling pag inlove ka. Pero sa buhay pag-ibig hindi natin maitatanggi na minsan magulo, pag umibig ka dapat matutunan mo ring tumanggap ng kabiguan. Madali lang ang umibig pero mahirap masaktan halos m...