Chapter 23: Jefferson Santos (jeff)

26 1 0
                                    

Papunta na kami sa room namin, kaming tatlo nina bianca at kath ang magkakaroom at siyempre sina jeff sina jayson at kl naman pero tong si KL gusto pang pumunta sa room namin para makipagchikahan daw

"Ah guys mauna muna kayo may pupuntahan lang ako" saad ko sakanila

"Ysabel san naman ang punta mo eh gabi na" kath

"Ah diyan lang magpapahangin muna ako sige" paalam ko sakanila

"Ah ysabel samahan na kita" sabay akbay sakin umalis narin kami gusto ko sanang mapag isa muna pero hayaan muna mukhang problemado rin kasi tong si jeff

...

Jeff POV

Oo sasamahan ko si Ysabel baka ano pa kasing maisip gawin eh baka magpakalunod haha. Lalot na may bumabagabag sakanya at sasamahan ko siya kasi parehas kami ngayon eh parang may kulang samin destiny yata kami XD

Pumunta kami dito sa tabing dagat kung saan namin sinurprise si bianca, umupo kami medyo maliwanag pa naman may mga iilang ilaw pa kasi eh tas maliwanag yung buwan ang gandang tignan. Ang tahimik dito magandang place pag nag sesenti ka tulad naming dalawa haha ano ba yan so gay!

"Ysabel" saad ko sakanya at tinignan naman niya ako

"Are you okay na?" Tanong ko sakanya at ngumiti lang siya pero I know behind that smile may mali

"Okay. Your not okay" sabi kong ganun tas hindi parin siya nagsasalita tahimik nanaman ang awkward! Haha. Pero bigla rin siyang nagsalita

"Ah jeff" tumingin siya sakin at nginitian ko naman siya

"Eh ikaw okay ka na ba? Bat medyo tahimik ka?" Oh eto na magsisimula na ang matinong conversation namin ni Ysabel haha. Ngayon ko lang kasi nakausap ng ganito si ysabel, minsan kapag nag uusap kasi kami puros pambabara, pilosopo mangungulit siya tas ang ingay ingay haha.

"Broken hearted!" Simple kong sagot sakanya at halata sa mukha niya na nagulat siya haha ang cute niya haha.

"Seriously?! But why? Eh wala kanaman atang GF eh"

"Ouch ysabel sa mukha kong to? Wala akong gf? Haha" biro ko sakanya, hindi ako sanay na hindi biruin si ysabel eh

"Haha hindi naman sa ganun bes oo gwapo ka makulit mabait matalino pero wala ka pa kasing naikwekwento sakin na may gf ka" naks naman ysabel kung maka puri lang eh ny haha

"Yun ang akala mo and sorry for not telling you kayo ni kath pero nasasabi ko kina kl at alam din nila kung bakit ako ganito ngayon" seryuso kong sabi sakanya

"Ouch!" Saad niya at ngumiti naman siya sakin "wala ka bang tiwala sakin? Kami ni kath? Pambihira naman jeff halos 4 years na tayong mag kakaibigan" ysabel

"Ang oa ysabel huh haha hindi its not just like that im sorry nasanay lang kasi ako sa tatlong yun na pinagsasabihan ko" pagpapaliwanag ko sakanya

"Okay. Now tell me what happen?"

Wow ysabel kaw ba to? Seryuso huh haha

"Nagbreak na kami ng gf ko kaninang umaga almost 4years narin kami" saad ko sakanya oh this is it huminga lng ako ng malalim

"So anong nangyari bat naghiwalay kayo?"

"Ewan. Malabo eh basta sabi niya sakin after graduation daw pupunta na daw siya sa states eh ayaw daw niya ng long distance relationship, diba anlabo?! Bat ganun ysabel? Okay lang naman sakin eh ang LDR ah as long na nandun yung trust at love ninyo" yeah im a broken hearted man right now, siguro nakilala niyo ako sa pagiging malikot mapang asar masayahin pero right now I dont know

"Do you really love her?" Ano ba tong kausap ko andami ko nang nasabi tas yun lang? At nag nod lang ako sa tanong niya

"Eh yun naman pala eh bakit mo pinakawalan?"

"Alam ko kasing dun siya sasaya so I let her go ganun talaga siguro kung saan sasaya ang mahal mo dun ka na rin"

"Siguro tadhana na siguro ang bahala sainyo kung kayo ang para sa isat isa kayo parin ni matter what happen! Its okay that you still love her atleast nagmahal ka" at ngumiti siya aba matindi tong si ysabel ah may pinaghuhugutan ba siya? Haha

I just smiled at her.

"Ah ysabel"

"Bakit?" Pero hindi siya tumingin sakin nakatingin lang siya sa dagat

"Eh ikaw bat antahimik mo?" Oh ayan tumingin narin siya sakin at ngumiti

"Hindi ba nasabi sayo ni Jayson?" Tanong niya sakin. Ay oo nga pala naikwento samin ni Jayson kanina kaya ayan ang awkward nilang dalawa hindi sila nagpapansinan

"Ah ysabel kaya lang naman ginawa ni jayson yung pagsita ng damit mo eh possesive siya ayaw ka lang niya mabastos malay mo panay titig nila sayo na halos mahubaran kana which is ayaw ni jayson yun"

"Ano ba jeff so kinakampihan mo siya? Atska hindi naman masyadong maikli yung short ko ah" halata sa itsura niya ang inis ang cute parin pala niya pag naiinis siya ang sarap kurutin yung mukha niya haha

"Hindi naman sa ganun bes, okay kilala ko si jayson h.s palang kami magkaibigan na kami ganun talaga yun pag gusto niya ang isang tao"

"Huh?" Kunot nuong tanong sakin ni ysabel

"Oo alam ko, at alam rin namin nila kl na sinabi niya sayo nuon na gusto ka niya sinabi rin niya saamin na nagkiss kayo nabigla lng daw siya pero hindi raw niya pinagsisihan yun ang tindi nuh? Haha" haay naku i know jayson is madly inlove with ysabel

"Seriously? Sinabi niya lahat yun?" Sigaw ni ysabel. Ano ba to kala mo naman magkalayo kaming nag uusap haha.

"Yeah. Sabu pa nga niya nagugustoha mo daw siya and he's happy habang kinekwento niya samin yun you know what? Ngayon lang namin siya nakitang ganyan si jayson na masaya dahil sa isang babae at protective. Mag sosorry din yun" saad ko sakanya alam ko hindi niya matitiis si ysabel

"Hmp! Kainis naman kasi eh!"

"Matanong ko lang ysabel do you still like him?" Tumingin siya sakin pero hindi ako sinagot nu ba to

"Ano gusto mo pa ba siya?" Ulit kong tanong sakanya

"Ewan. Pag pinagpatuloy ko siyang magugustohan baka mahalin ko na siya ng sobra magiging komplikado lang ang lahat pag nagkataon alam mo na yung sitwasyon namin may gap kami" saad ni ysabel. Ahhm okay oo may gap pala tong dalawa baka malabo na maginf sila pano ba naman kasi tong si jayson napaka passionate sa religion niya. Tsk. This is what they call wrong person wrong timing tsk. Tsk.

"Alam mo ysabel soguro pag subok lang para sainyo" sabi ko sakanya yeah right. Walang perfect na love life pag walang pag subok

"Huh?" Ysabel

"Kasi dito mo masusubukan kung ano ang mas matimbang sayo, minsan kasi ang love kaylangan mong mag sacrifice kahit masakit pero in the end para sa ikakabuti mo rin yun" naks ang lalim ng sinabi ko haha

"Bat ganun?" Tanong sakin ni ysabel

"Ang alin?" Ako.

"Ang love ang gulo pala nuh? Mahirao masaktan " saad niya sakin at ngumiti ng pilit pero teka tumotulo na luha niya? Aish! Hinayaan ko lang siyang umiyak para mailabas niya lahat ng nararamdaman niya oo magulo talaga ang love. Minsan napapasaya ka niya pero minsan din nasasaktan ka niya ganyan talaga ang love eh ang hirap.

...






















Guys sorry for the super late update malapit na kasi yung OJT ko eh andami kong inasikaso tas 27 units pa ako. Haist! By the way Im Baaaacckk! Haha
- ysabel ♥

How to Sacrifice your Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon