Chapter 27: Ysabel Chandria del Valle

25 1 0
                                    


Ilang araw narin matapos ang valentine concert at ilang araw naring parang hindi ako palaging pinapansin ni Jayson ewan ko ba yun yung feeling ko eh wala naman akong alam na ginawa kong mali.

"Tara" saad ni jeff samin uwian na kasi, hindi ko rin alam kong san ako sasakay nagkayayaan kasi kaming kumain sa labas oo palagi ako kay Jayson sumasakay pero ilang araw narin akong naiilang sakanya feeling ko kasi parang hindi masyado nag eexist ang presence ko para sakanya ewan ko ba sana mali ang akala ko. Kaya sumakay na lang ako kay jeff umupo na ako sa passenger seat natigilan pa nga sila siguro nagtataka sila pero sumonud na lang sina kath at kl kaya si bianca na lang ang nakisabay kay jayson. Gusto kong tanungin si Jayson kung may nagawa ba akong mali pero baka mapahiya lang ako, aish ang gulo sa totoo lang. Kumakain na kami nagkwekwentohan kami nagtatawanan pero pag nagtitinginan kami ni jayson parang ang awkward ewan ko ba pero naiilang ako sakanya.

"Ah chandria hatid na kita" saad ni Jayson, hindi agad nag process sa utak ko yung sinabi niya nabigla kasi ako hindi ko kasi inaasahan kaya ngumiti na lang ako. Habang nasa daan kami naka silent mode kami ni Jayson hindi kami nagiimikan dati dati naman siya yung unang nagsasalita sa amin pero ngayon ni hi o ho man lang wala. Haay naalala ko tuloy yung kanta na 'anong nangyari sa ating dalawa' haay kakaewan tong nangyayari hihi mabuti na siguro eto para hindi naman ako mahulog ng tuloyan sakanya para naman hindi maging one sided love tong lovelife ko hihi.

"Salamat" sabay ngiti ko sakanya pagkabukas niya ng pintuan ng sasakyan niya, nginitian niya lang ako ng tipid atska umalis na, napabuntong hininga na lang ako ng makaalis siya, kung iisipin kung ganito na lang kami palagi parang ang sakit sa pakiramdam. Ganito pala yung pakiramdam pag nagsisimula kang mag mahal hindi mo alam kung ano ang gagawin mo hindi mo alam kung san mo ilulugar yang sarili mo, nasasaktan ka ng dahil lang sa maliit na bagay, naguguluhan ka sa mga bagay bagay, mahirap pala eh nuh yung pakiramdam na ganito, pakiramdam mo para kang nag iisa sa mundo. Haay. Pero tang*na lang mahal ko na yata yung tao, kahit na alam kung hindi kami pwede mahirap yung ganito.

'Goodnight Jayson'

How to Sacrifice your Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon