Ilang araw narin ang nakalipas simula nung gabing yun, yung pagsabi sakin ni Jayson ng 'I LIKE YOU CHANDRIA' oh my gad! hindi parin ako makaget over, ilang gabi narin na napupuyat ako sa pag iisip tungkol dun, hindi kasi ako mapakali eh, eh sa tinamaan na tong malandi kong puso haha, wala naman nagbago sa samahan namin ni Jayson tulad parin ng dati kaso this time naging caring siya palagi siyang nagtetext sakin kung ayos lng ba ako, kung kumain na ba ako, na hindi dapat ako masyadong nagpupuyat, anak ng putcha naman oh! pano lilipas tong nararamdaman ko kung patuloy ginagawa ni Jayson ang mga to yung paghatid sakin sa bahay, kung may pupuntahan kaming magbabarkada ako lng ang sasakay sa kotse niya kasi yun yung gusto niya, hirap na hirap na akong magpigil ng nararamdaman ko.
"Kath!" sigaw ko sakanya at hinabol ko siya ay bakla ambilis maglakad neto
"Oh bakit ba? parang pagod na pagod ka?" oo napagod talaga akong tumakbo ambilis kasing maglakad eh.
"Kath nasaan sina Bianca?" tanong ko sakanya, eh wala yung apat na magtrotropa eh haha
"Hindi ko alam, tapos narin kasi klase natin eh baka umuwi na ang mga yun," kath. ay oo nga pala shorten period pala ngayon kaya maaga natapos klase namin, pero hindi man lang sila nagsabi, tas si jayson hindi man lang nagsabi sakin at WAIT magtigil ka ysabel ano ka ba niya para sabihin niya lahat aish!
"by the way Kath I need to talked to you baka kasi pag hindi ko pa to nasabi mababaliw na ako sa kakaisip! tara dun tayo" at naghanap naman kami ng bakanteng pwedeng pagtambayan muna ni kath.
"Ano ba kasi yun" takang tanong sakin ni kath, eto talaga excited lang malaman haha
"Kath just promised me okay? wag na wag mong sasabihin sa iba to huh? kahit sina bianca pa okay?" hoo kinakabahan ako grabe at tumango lang naman siya, okay relax ysabel kaya mo yan kaibigan mo naman si kath eh!
"Kath sa palagay k-ko kasi m-mahal ko na t-talaga si Jayson, ilang a-araw ko naring pinag isipan to p-para mmasigurado ang nararamdam ko p-para sakanya, h-hindi ko nga alam kong k-kailan nagsimula to eh, akala ko nung una crush ko lang siya pero h-habang tumatagal minamahal ko na p-pala siya" ninenerbyus ako habang sinasabi ko sakanya baka pagtawanan lang ako ng isang to
"I know that you love Jayson" simple niyang sabi sakin pero seryuso mukha niya. seriously kath?! halos mautal utal akong nagconfessed sayo, ninenerbyus pa ako tas yan yung isasagot mo sakin, anak ng ..
"Huh?! pano mo alam?" takang tanong ko sakanya, pano naman niya nalaman yun? halos mapuyat ako sa kakaisip kung talagang mahal ko na ba si jayson o ano tas alam naman pala niya
"Obvious kaya" sagot niyang ganun, yung totoo kath may limitation ba yang pag sagot mo sakin?!
"teka nga, obvious na ba masyado?" ako
"sakin oo dahil bestfriend mo ko, salahat sa ating magbabarkada ako ang pinakamalapit sayo kaya alam ko, pero dont worry ako lang ang nakakaalam ang napapansin ko" kath. ako nganga O.O tanguninang kath to hindi man lang niya sinabi sakin para mas madali kong nalaman kung love ko na ba si jayson o hindi,
"pero kath what i am going to do?" naguguluhan kong tanong sakanya, eh sa hindi ko alam gagawin ko eh!
"eh di sabihin mo sakanya yung tunay mong nararamdaman para sakanya" bat ang relax relax magsalita ni kath aish! ako? sasabihin ko kay jayson? my gad! hindi ko ata kery!
"pero kath alam mo naman yung sitwasyon naming dalawa diba? hindi kasi pwede" lungkot kong sabi sakanya oo hindi pwede ang saklap ng lovelife ko nuh?
"Bes dont let the situstion dictates you, gawin mo kung ano sa tingin mo makakapag pasaya sayo wag kang matakot sumobok" kath, i know sincere yung pagkakasabi sakin ni kath halata sa mukha niya, kahit minsan may pagka tupak sa ulo si kath maaasahan mo naman sa ganitong bagay
"Ayoko bes, tapos yung religion namin ang maaapektohan, natatakot ako kath" halos mangiyak iyak na ako sa pagkakasabi sakanya oo aaminin ko natatakot akong sumobok baka hindi ko kayanin ang sakit na mararamdaman ko
"Basta ysabel kung ano man ang maging desisyon mo susuportahan kita okay?" kath.
"Siguro lilipas din to katj malay mo bukas o sa makalawa hindi ko na pala siya mahal diba?" then this time i cant help my self but to cry infront of my friend, sana ganun nga kadaling mawala ang nararamdaman ko para sakanya, eh sa ngayon palang hirap na hirap na ako
"Shhh tahan na" sabay haplos sa likoran ko ni kath "basta walang awkward feelings pag magkakasama tayong anim huh?" kath
Yeah right. being in love with the person who is not compatible with you or you are not meant to be is complicated and the worst is you are inlove with your friend and that is more complicated. Ngayon na nga lang ako magmahal sa taong hindi pa pwede, pinaglalaruan ba ako ng tadhana?! sa dinami dami kasing pwedeng mahalin bakit si Jayson pa!? bakit yung kaibigan ko pa?! bakit yung hindi ko kaparehas ng religion?! Bakit?! totoo pala ang sabi nila na pag nagmahal ka hindi madali ang lahat minsan sumusugal ka daw sa pag ibig, tumataya ka, minsan talo ka minsan nananalo ka daw ganun ba talaga ang LOVE?! hindi ba pwedeng okay ang lahat? yung walang sakit na mararamdaman mo?!
..
Guys for the silent readers feel free to comment para naman alam ko yung inaupdate kong susunod na story :)
love,
Ysabel :)
BINABASA MO ANG
How to Sacrifice your Love?
AcakHindi masama ang umibig, In fact nakakaganda ng feeling pag inlove ka. Pero sa buhay pag-ibig hindi natin maitatanggi na minsan magulo, pag umibig ka dapat matutunan mo ring tumanggap ng kabiguan. Madali lang ang umibig pero mahirap masaktan halos m...