Ano ba yan nasaan na ba yung limang asungot XD naiinip na ko ah!! bat ba kasi biglang walang pasok ngayong hapon, Si Bianca pinuntahan yung boyfie niya mag-uusap daw sila sandali, si kath at kl naman nagpasa ng project sa faculty si jeff at jayson naman, ewan ko dun baka nagsight seeing nanaman ang mga yun haha, sabi nila babalik sila kaagad pero asan sila? ako nga nga dito sa tambayan namin sa school.
..
"Y-ysabel" biglang sabi sakin ni bianca, hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sakin haay buti naman may kasama na ko pero bat siya umiiyak?? "Hey what's wrong" pano ba naman kasi biglang yumakap sakin at umiiyak, hinaplos ko ang likoran niya para patahanin siya, ano kaya problema neto? kumalas na siya sa pagkakayap sakin pero umiiyak parin siya
"Ysabel w-we ended *sob* our r-relationship, *sob* tas siya pa yung *sob* nakipaghiwalay ang kapal kapal ng mukha" saad sakin ni bianca habang umiiyak, anak ng putcha! ano ba naman yung lalaking yun bulag ba siya? tanga ba siya? adik ba siya? para gawin yun kay bianca?! eh kumbaga complete packagae na si bianca!
"Shhh, tahan na bes hayaan mo na siya, hindi mo siya kawalan okay? andami pa diyang iba, cheer up" alo ko sakanya habang pinupunasan ko yung iyak niya, andami na niyang naiyak eh, "Dont worry magsisight seeing din tayo tulad nila jeff, hihi" biro ko sakanya para hindi niya masyadong dibdibin ang nangyari, ngumiti naman siya pero alam ko malungkot parin to
"Tnx ysabel" saad ni bianca at inayos niya sarili niya
"Okay lang yan, kaya mo yan, Im sure makakamove on karin" sabay ngiti ko sakanya tas biglang may nagsalita sa likoran namin
"Anong move on?, teka umiyak kaba Bi?" ahh si jayson andito na pala tong apat na to, anong move-on? secret hihi,
"ahy hindi tumawa siya kaya ganyan mukha niya,hihi, duh?! cant you see?" biro ko sakanya, tatanungin pa kasi eh obvious na nga, pero pansin ko seryoso parin mukha ni jayson, hala ka ysabel bad shot ata!
"Im serious here Chandria! why dont you try to be serious once in your life?!" sigaw sakin ni Jayson, ngayon niya lang ako nasigawan ng ganiti ni Jayson yung ramdam mo yung inis at galit, napatulala na lang ako sakanya, parang sinampal ako sa sinabi niya, anong akala niya sakin hindi nagseseryuso sa buhay?!
"Ano hindi mo ba sasabihin sa akin o samin kung ano ang nangyari kay bianca?!" Jayson. medyo pasigaw parin ang pagkasabi niya at bakas sa mukha niya ang pagka irita, aish! antanga mo ysabel bat mo pa kasi naisipang magbiro
"Ba-bat a-ako ..." nauutal akong magsalita, naiiyak narin ako gusto ko naring ilabas tong luha kong namumuo sa mga mata ko pero hindi pwede, Ysabel relax wag kang iiyak sa harapan nila okay? dont be so weak! nasigawan ka lng okay?! "M-mas maganda si-siguro kong si Bianca ang magsalita para hindi ko siya pinapangunahan" sabay buntong hininga ko, oo mas maganda pag si bianca para maikwento niya lahat ang nangyari, tinignan naman ni Jayson si Bianca at tumotulo ulit ang mga luha ni Bianca at tinabihan naman to ni Jayson at hinaplos haplos niya sa likod para patahanin si Bianca, Gusto ko naring umiya, Bat ba ako iiya?! dahil nasigawan ako ni Jayson at nainis siya?! Okay ysabel relax, hold on, iiyak mo na lang yan pag-uwi mo! kinuweto lahat ni bianca ang nangyari, asusualtulad ko kanina nagulat, nagulat din sila, ano ba kasing klaseng lalaking yun para paiyakin si Bianca.
"Ang kapal naman ng mukha, siya yung may ganang makipaghiwalay!" dain ni Jayson, hindi parin nawawala sa mukha niya ang pagkainis,
"Nako girl babosh ka na dun sa ex mo, kalerky yung lalaking yun!" maktol ni kl, "hey bianca hindi lang siya ang lalaki sa mundo nu, wag mo nga siyang iyakan, hayaan mo pag nakita ko yung tarantadong yun, sasapakin ko siya!!" jeff, aysus tong si jeff akala mo naman kung sinong matapang hihi, "Tara guys para makalimutan natin to hang-out tayo" suggest ni kath, akalain mo naisip niya yun, ayaw ko sanang sumama kasi wala na ako sa mode, kaso hinila na ako ni kath eh napangiti naman ako ng mapakla sakanya dahil sa binolong niya sakin na "it's okay, nagulat lng siguro si jayson" haay, kilala na talaga ako ni kath! wala na akong maililihim pa sakanya, ang lakas makaradar eh hihi, papunta na kami sa parking area sa school si jeff at jayson lang ang may dalang sasakyan ngayon eh.
Si Kath at KL nakasakay na sa kotse ni jeff sa backseat, excited lang?! XD ganito kasi kami pag si jeff si kath, kl at bianca ang magkakasama at ako naman kay Jayson lang ewan ko ba kay Jayson kung bakit ako lang gusto niyang makasama, kilig naman ako XD pero dahil wala ako sa mode minadali ko naring sumakay sa passenger seat ni jeff at parang nabigla naman sila sa ginawa ko, who cares?! siguro kasalanan ko rin naman pero nasaktan ako eh! haban iniistart ni jeff yung sasakyan niya
"Uy sweetie bago ata to ah na sumakay ka bigla sa kotse ko haha!" biro sakin ni jeff, bakit hindi ba ako welcome sa kotse niya? nginitian ko na lang siya
"Hoy jeff parang ayaw mo atang sumakay si Ysabel dito ah!" saad ni kath ano ba yan naka high volume nanaman yung boses niya.
"Tumigil ka nga kath, siyempre gusto ko masaya nga ako eh haha!" jeff, so masaya talaga? haha adik neto
"Gosh, tama na nga yan, magdrive ka na nga lang" saway naman ni kl, kj haha
napaisip ako tuloy, galit parin ba kaya si Jayson? papansinin ko ba siya mamaya? pero nakakahiya eh, bahala na nga!
Nag mall kami , naglaro kami dun sa mga pambata malibang lang namin yung mga sarili namin. Ngadinner narin kami nagkwentohan kami, nagtawanan sila, tipid la kasi yung mga tawa ko, parang walang nangyari kanina pero halata parin sa mukha ni Bianca ang lungkot, hindi parin kami nagpapansinan ni Jayson ang awkward nga eh!
"Ah guys mauna na ko huh?" paalam samin ni kath
"May msusundo ba sayo?" tanong ni kl
"Meron sige byyeeeee!" at dali daling umalis si kath, bat nagmamadali yun,?
..
"Uwi narin tayo guys" yaya ni kl samin
"Oh sige, oh sweetie hatid nakita huh? wag kanang magpasundo" Jeff, iyy sweet niya haha
nginitian ko lang siya, wala parin kaming kibuan ni jayson.
..
"Salamat!" ako, dito na kasi kami sa bahay
"No problem basta ikaw, sige mauna na ko Goodnight" sabay ngiti sakin
"Drive safely!" sabay ngiti ko rin sakanya..
nagbihis na ko nakakapagod ngayong araw na to! Makahiga na nga at matutulog na ako pero hindi ako dinadalaw ng antok! then suddenly my phone beep, may nagtext
It's Jayson! ..
ni hindi nga kami nagpapansinan kanina tas magtetext, ano yun joke joke lang niya ganun, binuksan ko na yung text niya
"Chandria" paulit ulit king binabasa yung text niyang yun rereplyan ko ba? wag na lng kaya? shet! biglang tumawag, ano gagawin ko? ayaw kong sagutin eh, paulit ulit siyang tumatawag sinilent ko na yung phone ko para hindi ko marinig, hanggang sa nakatulog narin ako .. Goodnigh!
...
Guys sorry ulit kung late update katatapos ko lang kasi gawin yung mahiwaga kong Business plan for my project
-
Ysabel :)
BINABASA MO ANG
How to Sacrifice your Love?
RandomHindi masama ang umibig, In fact nakakaganda ng feeling pag inlove ka. Pero sa buhay pag-ibig hindi natin maitatanggi na minsan magulo, pag umibig ka dapat matutunan mo ring tumanggap ng kabiguan. Madali lang ang umibig pero mahirap masaktan halos m...