APOSTLE THIRTEEN
KYLE POV
Libra is dead at hindi ako naniniwala sa bagay na yun at kung totoo man ito, dapat nagparamdam na si Enzo. Imposible naman na sya ang nakapatay dito dahil sa pinakita sa akin ni Isly, imposible na matalo sya nito.
Isly is a man capable of controlling things in his own way at yun ang isang bagay na dapat mong katakutan sa kanya.
Agad akong nagpunta sa burol nito, sa lugar na nakasaad sa information na nakuha namin. Sobrang tahimik ng lugar na kakabahan ka talaga, walang ingay o kahit ano maliban sa isang makalumang kanta na nagsisimulang lumakas sa pandinig ko.
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang musika na iyun at humantong ako sa isang kwarto. Malinis at bakante ang mga bangkuan maliban sa unahan na may nakaupo na isang babae.
Ang head Mistress...
Matagal na din akong nagdududa sa pagkatao nya. Knowing that she is the head mistress of Wimbledon at kilalang tao, may kaugnayan din sya sa mga Apostle at ang kaugnayan na yun ang hindi ko alam.
Tahimik lang sya sa kinauupuan nya kahit na alam ko na naramdaman nya ang presenysa ko, napapalibutan ang buong lugar ng mga bulaklak at pakikiramay. Maliit na din ang kandila na sa tingin ko ay hindi pa napapalitan simula ng sindihan ito.
Humakbang ako papalapit sa puting kabaong na nasa unahan. Parang sasabog sa kaba ang puso ko sa twing ihahakbang ko ang mga paa ko papalapit dito. Isama pa ang makalumang musika at ang mga bulaklak sa paligid ko na mas lalong nakakapagpabigat ng kung anoman ang nararamdaman ko ngayon.
Tumigil ako sa harap ng kabaong at dumungaw sa loob. Gusto kong makasigurado, gusto kong makita ng sarili kong mga mata at mapatunayan kung patay na talaga sya...
Si Isly...
Humarap ako sa Head Mistress na nakangiti sa akin. Tumingin at tumitig ulit ako sa kabaong, walang laman ito.
Shit! Palabas lang ba ang lahat ng ito?
"This will be the end..."
Tumayo sya at saka nag-umpisang maglakad papalayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan na sya dito pero mukhang naghihintay lang sya ng isang tao na makakaalam ng totoo.
Susundan ko pa sana sya ng makita ko ang isang piraso ng papel sa loob mismo ng kabaong ni Isly. Kinuha ko ito at binasa.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at umalis na din sa lugar, naghaharap harap ngayon ang mga Apostles. Ito na ang tamang pagkakataon ko para hulihin sila.
Pinuntahan ko ang address na nakalagay sa papel na nakuha ko kay Isly at sumalubong nga sa akin ang PNP at military. Sa harap nila ay naandoon si Skye, ang anak ng Presidente.
Matapos ang usapan ay nakapasok din kami ng bumukas ang gate. Hindi ko alam kung papaano at bakit pero sapat na ito para tapusin ang lahat.
CALEB POV
Napatigil ako ng marinig ang isang malakas na putok ng baril, hindi lang ako, halos lahat ng tao na naandoon ay napatigil. Para ba itong isang senyas na tapos na laban.
Agad na nagtakbuhan at nag-atrasan ang mga tauhan ni Kneel at tumakbo sa likod pero hinarang sila nina Aquarius at Scorpio kasama ang iba pa.
Napatingin ako kay Lyra na tahimik na nakahiga habang hawak-hawak ang sugat nya. Hindi na nya magawang makatayo maging ako man.
Nanlalabo na rin ang paningin ko at hindi na ako makakita ng maayos. Medyo ok pa naman ang pandinig ko kahit na pakiramdam ko nabingi na ako sa lakas ng ingay kanina.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: The Return of the Queen
ActionThe Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whatever it takes para bawiin ang lahat ng nawala sa kanya. But things wouldnt be easy as before as the Apostles started to reveal theirselves incl...