Chapter 57: KING

96.3K 2.6K 1.5K
                                    

Chapter Fifty Seven: KING

KLIO POV

What the hell was that?

Alam ko na matagal ng pinag-aagawan ng dalawang yun ang kapatid ko but I didn’t expect Caleb to react like that. Lagi lang syang kalmado at tahimik sa isang tabi isa pa, wala man lang sinabi si Lyra.

“Jireh!”

Nakita namin si Jireh na naglalakad patungo sa labas kung saan hinila ni Caleb si Lyra. Mukhang balak pa yata nyang sundan yung dalawa.

Parang alam ko na kung bakit nya kami in-invite sa party nyang ito.

“That’s enough, Montenegro”

Humarang ako sa harapan nya pero mukhang wala syang balak makinig at bakas sa itsura nito ang pagkairita. Nilampasan nya lang ako at nagpatuloy maglakad sa may pintuan.

“Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat?” tumigil sya sa paglalakad at nakatuon naman ang atensyon ng lahat sa amin.

“Even I, her brother wouldn’t agree sa proposal mo…”

Well, kung hindi lang nauna si Caleb, baka ako ang umawat sa kanila at hinila palayo si Lyra. I know na iba ang rason nya kung bakit nya ginawa yun but it wouldn’t change the fact na walang magbabago kahit mag-propose o magpakasal pa sila ni Lyra.

“Bro-brother?”

“Magkapatid sila?”

Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ko, iilan lang ang nakakalam na kapatid ko talaga si Lyra pero hindi na iyun importante sa ngayon.

“Mukhang marami pang sikreto si Lyra na hindi natin nalalaman…” saad ni Prime.

“Hindi ko alam kung anong pinaplano mo o kung anong pakulo ito pero hindi matatapos ang gang war sa ganitong paraan katulad ng iniisip mo”

This war is not only between him at sa mga Apostles, it’s also about us. What lies between us lalo na sa pagdating ni Ophiuchus.

“Hindi ka ba talaga nag-iisip? Mas lalo mo lang pinapalaki ang gulo”

Knowing that Caleb is also an Apostle at kung pagbabatayan ang  kakayahan nito, siguradong mas lalaki lang ang gulo lalo na sa pagitan nilang dalawa.

Si Caleb ang tipo ng tao na hindi sumusuko agad kahit na sobbra ng nasasaktan at sa ginawa ngayon ni Jireh mas lalong hindi nya hahayaan na makuha nito si Lyra.

“Ako lang ba ang nakakaramdam na hindi na tayo kailangan dito?” napalingon ako kay Isly na nasa isang sulok.

Itinumba nito ang baso nya at kumalat ang tubig sa mesa bago umalis si Isly sa lugar. Bumaling ulit ako kay Jireh na nananatili parin sa kinatatayuan nya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon