Chapter 41: KING vs QUEEN

129K 2.8K 622
                                    

Chapter Forty One: KING vs QUEEN

 

LYRA POV

Sumugod ako kay Caleb, sa loob ng isang lingo ng panantili ko sa Japan, marami akong nalaman tunngkol sa kanya, sa nakaraan nya at sa paraan ng pakikipaglaban nya.

Nang kumurap si Caleb ay yumuko ako, sa paningin nya bigla akong nawala pero gaya nga ng sabi ni Nai sa akin ng nasa Japan ako kailangan ko lang gamitin ng tama ang bilis ko.

 Sa pagkurap nya ulit ay saka ako tumayo sa harapan nya at inatake sya. Nakita ng mata ko na tumama ang katana na hawak ko sa braso nya pero nagulat ako ng bigla itong tumagos.

Pumihit ako at sumipa sa may ulo ni Caleb pero nasangga nya agad ito. Sunod-sunod pang atake ang ginawa ko pero kung hindi naman kapos ang atake ko, masasangga nya ito.

So this is Apostle Leo.

“Draw your sword Caleb”

“I won’t…”

Sinipa ko ang isang bangkuan papunta dito at sumakay sa ibabaw nito saka tumalon. Umatras si Caleb at sinangga nya ang atake ko gamit ang katana na nasa saya pa nito. Binitawan ko ang katana at sumipa ulit sa kanya, mabilis naman itong tinapik ni Caleb papalayo.

Umikot ako at sinalo ang katana ko sa kabilang kamay at inihampas ito sa may paanan nya. Tumalon si Caleb at nang bumagsak na ito, nakatapak na ang isa nyang paa sa blade ng katana ko.

“Lyra, we dont need to do this…”

Hinihila ko ang katana ko pero masyadong madiin ang pagkakatapak nya dito. Binitawan ko ang katana at sumugod sa kanya, iniharang ni Caleb ang dalawang kamay nito sa suntok ko pero hindi iyun ang puntirya ko.

Nang itaas nya ang dalawang kamay nya ay hinawakan ko ang katana nya at hinugot ito sa saya nya. Tinapik ni Caleb ang tagiliran ko at tinuunan sa likod.

Tinapakan ni Caleb ang tsuka ng katana ko na nasa sahig saka ito inihagis pataas at sinalo bago umikot paharap sa akin. This time, magkaharap na kami at nakatutok ang katana sa isat-isa.

Ibinaba nya ang kamay nya at ibinalik ang katana na hawak sa lalagyan nito at saka seryosong tumingin sa akin.

Flashback

 

JAPAN

LYRA POV

Curiuos lang ako kaya ako sumama, yun lang yun at wala ng iba pa pero binubwisit talaga ako ng matandang Leon na ito.

Pinagsuot nya lang naman ako ng bulaklaking yukata at pinagflower arranging na very common sa mga Japanese. Pinaglalaban nya na ang mga babae ay dapat kumilos ng tama, mahinhin at kagalang-galang.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon